Mabigat ang paghinga na ginagawa ni Andrei. Gusto niyang magwala, gusto niyang basagin ang mga bote na nasa kaniyang harapan pero mas pinili niyang ipikit nang mariin ang kaniyang mga mata at tumingala. Ipinatong niya ang kaniyang mga braso sa sandalan ng sofa na kaniyang inuupuan at pilit na pinakalma ang sarili. Nakakaramdam na siya ng hilo dahil nakakailang bucket na sila ng beer ni Ron pero mukhang siya lang ang nakakaubos n'on dahil mas pinili ng kaniyang kaibigan na panoorin siya at makinig sa mga problema niya. “I hate her, Ron. I hate her so much. Hindi ko siya mapapatawad.” “How about me? You hate me then?” Nanigas sa kaniyang kinauupuan si Andrei nang may marinig na malambing na boses. Marahan niyang binuksan ang kaniyang mga mata at sinulyapan ang babae sa gilid niya na may da

