"Hay! Nakakapagod din pala ang mag-training ng ganito!" bulalas ni Karadine sa kawalan bago pa man tunggain ang tubig na nasa kaniyang tumbler. Subalit hindi pa man siya tuluyang nakakainom ay isang pamilyar na boses naman ang bumungad sa kaniya. "Ang galing mo kanina." Pagkalingon niya rito ay imbes na magandang ngiti ang mabungaran niya rito ay pagiging seryoso ng mukha pa ang nakita niya. Kaya naman matapos niyang tunggain ang tubig na nasa tumbler ay bahagya siyang napailing at sinabi, "Hindi ko alam kung pinupuri mo ba ako o iniinsulto, Yvo." Tipid naman itong napangisi. "Seryoso ako." Bahagya namang napataas ang kilay niya. "Halata nga, kasi never ka pa namang ngumiti sa harapan ko, e." "Anong ibig mong sabihin? Na hindi ako marunong ngumiti?" "Hm, wala akong sinasabi. Per

