PIC- Chapter 30

2110 Words

MABILIS din siyang kumalas sa halik na 'yon nang mapag-isip-isip niyang mali iyon. Kaya naman bahagya siyang napahawak sa sariling labi nang hindi tumitingin sa binata. "Bakit? May problema ba?" Napatango siya at napapikit sandali. "Mali 'to, Yvo. Mali na naglilihim ako kay Ate Tamara. Ano pa ang ipinangako ko sa kaniya na handa akong magparaya para sa kaniya?" Napailing si Yvo at gamit ang palad ay sinubukan nitong hawakan ang kanang bahagi ng mukha niya. "Sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala kong nagparaya ka lang. Pero bakit? Bakit ganoon lang kadali sa'yo na ipamigay ako, Kara?" Napatitig siya sa mga mata nito. "Dahil kapatid ko siya at mahal ko siya. At aaminin kong nangangarap ako na magkasundo kaming dalawa. Kaya kahit masakit ay nagparaya ako para sa kapatid ko.." Hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD