"Talaga? Hiwalay na kayo ni Yvo?" Labis ang kasiyahang nararamdaman ngayon ni Tamara matapos ibalita sa kaniya ni Karadine na hiwalay na ito sa kasintahan. Gayunpama'y anong bigat sa dibdib ang nararanasan ngayon ni Karadine pero mas kinakailangan nitong magpalaya para sa kaniya. "Salamat." Napayakap siya rito at sa sarili ay napabulong siya ng, "Uto-uto." Kapagkuwa'y ipinakita na naman nito ang pekeng ngiti nang magkaharap silang muli. "Ano pa lang sabi niya no'ng makipaghiwalay ka?" Nagkibit balikat lamang si Karadine, ayaw na kasi niyang balikan pa ang naging huling pag-uusap nila ni Yvo. "Basta, gawin mo na lang ang bagay na makakapagpasaya sa'yo, masaya ako kung saan ka masaya, Ate Tamara." Tipid pang napangiti si Karadine kahit sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman. Kaya matap

