CHAPTER 1 Lyra’s Life

2041 Words
Lyra’s POV “Good morning, yaya!” matinis ang boses na bati ko sa yaya ko ‘pag baba ko sa magara at maluwang naming hagdanan. She laughed at me while shaking her head. Nasa iba’t ibang dako ng bahay ang mga katulong at ginagawa ang kani-kaniyang trabaho nila. I heaved a sigh, remembering how alone I was with only the helpers around me – again. This has been my life for the past eighteen years and still counting. Growing up having my breakfast, lunch and dinner alone with my nanny and the other helpers we have. Nakasanayan na nga rin nilang sabayan ako sa pagkain, maging sa pag-celebrate ng birthday ko kapag hindi makakauwi ang mga parents ko. “Oh, ang saya mo lang kanina bigla ka na namang sumimangot? Bakit na naman ba?” may pag-aalalang tanong ni yaya. Malungkot akong ngumiti at umiling sa kaniya. Kahit hindi ako magsalita ay alam naman niya ang nararamdaman ko. “I will be turning eighteen next week and my mommy and daddy made sure that I will have the best and the biggest debut party the world could ever have. All the biggest and the most important names will be on the list. I should be happy, right?” nanunuyang tanong ko. Pero sa halip ay nagtagis ang mga ngipin ko sa pagguhit ng kirot sa dibdib ko. Sa wakas, makakasama ko ang mga magulang ko sa birthday ko, pero parang hindi naman magiging masaya ang araw na iyon dahil siguradong mabibilang lang sa kamay ang kakilala kong dadalo. Most of the visitors will surely be my parents’ acquaintances and business partners. “Nag-ingles ka na naman e magaling ka naman managalog. E halos kalahati lang ng sinabi mo ang na-gets ko. Itong batang ito talaga, oh!” nagkakamot ang ulong reklamo ni yaya. Natawa na lang ako sa reaksyon niya at nagtungo na kami sa dining area para kumain. Gaya ng dati ay tinawag ang lahat para saluhan ako, maliban sa mga guwardiya na hinatiran na lang ng pagkain sa puwesto nila. Pagkatapos niyon ay nagtungo na ako sa school. Today is my first day in the university. My parents wanted me to study abroad but I refused. I decided to apply for UP instead and passed the admission test. I chose to drive my latest limited Lamborghini sports car and I saw how other students’ eyes almost fell to the ground. Napangiti ako at walang pakialam na lumakad patungo sa building kung nasaan ang classroom ko para sa unang klase. I am taking up BS in Clothing Technology. In just two years of studying in college, I have already established my own clothing line and some of my designs were even featured in the biggest fashion shows in the country. In just a year, I became known in the industry of Fashion Design. Before finishing my degree, I managed to build my own modelling agency. Nakapagtapos ako nang pag-aaral na kumikita na ng sarili kong pera at hindi lang basta-bastang halaga kung’di bilyones. Dahil na rin sa impluwensiya ng pamilya ko ay lalong naging mabilis at madali ang paglago ng dalawang negosyong pinamamahalaan ko. Both my clothing line and agency went international. I am currently handling international supermodels that could match the Victoria’s Secret Angels. But of course, they are still better in some ways. “Come in,” pormal kong tugon ng makarinig ng katok mula sa pintuan. “Ma’am, Mr. Ibanez sent you this,” mula sa mga dokumentong pinipirmahan ko ay napa-angat ako ng tingin sa sekretarya ko. Doon ko nakita ang malaking bouquet ng pulang rosas na dala niya. Natatakpan na nga ang kalahati ng katawan niya dahil sa laki niyon. Kaya patagilid siyang sumisilip sa akin. I rolled my eyes. This is the fifth today and I’m already pissed. “Send that f*****g flowers back to the sender. Didn’t I instruct the ground floor to not accept any gifts for me? Sawa na ba sila sa trabaho nila kaya hindi na nila nagagampanan ng tama?” mataray kong puna. Kitang-kita ko ang pagkataranta ng kawawa kong sekretarya. Gano’n pa man ay alam kong naiintindihan niya ako. “E, ma’am ipinangalan ito kay Sir Gerald Corpuz, tapos iyong assistant niya ang nagdala rito sa atin,” paliwanag nito. Pansin ko ring nangangawit na siya sa laki ng hawak niya kaya lalo lang nadagdagan ang inis ko. “Then, send it back to Gerald. Huwag na huwag ka ng tatanggap niyan sa kahit na sinong lalaki, naiintindihan mo ba?” hindi ko na naiwasan ang iritasyon sa tinig ko habang sinasabi iyon. Napakarami kong gagawin pero nasasayang ang oras ko sa mga walang kuwentang bagay. “Noted, ma’am. I’m sorry. Siya nga po pala, pupunta raw po ang daddy ninyo rito mamayang lunch at sasabay sa inyong kumain,” pagbibigay-alam nito. Kung kanina ay naiinis ako ngayon ay talagang galit na ako. Mula kasi nang itayo ko ang sarili kong negosyo ay hindi na ako nakialam sa pera nila. Ngayon ay sila naman ang atat na atat makasama ako. Samantalang noong mga panahong kailangang-kailangan ko sila lagi naman silang wala at busy sa trabaho. “Tell him I have a meeting so I couldn’t meet him today,” pagbabalewala ko sa sinabi niya at muling itinuon ang atensiyon sa mga papel na nasa harap ko. “Okay, ma’am,” narinig kong sabi niya. At ang sumunod ay ang pagsara ng pintuan ng opisina. Napaunat ako sa kinauupuan at isinandal ang ulo sa swivel chair. Marami pa rin ang malalakas ang loob na ligawan ako sa kabila ng masamang ugaling ipinakikita ko sa aknila. I always wanted to look intimidating especially to men. Bigla ko tuloy naalala iyong isang eksena noong college ako. “Lyra, I really, really like you. Unang beses pa lang kitang makita noon talagang nahulog na ang loob ko sa iyo,” pagtatapat ni Grayson. Napahinto ako sa pagbubukas ng sasakyan ko dahil sa sinabi niya. Grayson Escalante is the team captain of the basketball team and is taking up BSBA. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Guwapo, matangkad, sikat at mukha namang matalino. But for me, he’s not good enough. “Hindi kita type,” diretsahang sagot ko. Pero humarang siya sa pintuan ng kotse ko at puno ng pagsusumamo ang mukha na tiningnan ko. Ni hindi man lang siya nahiya sa mga ilang estudyanteng nakakakita sa ginagawa niya. Palagay ko nga ay sinasadya pa niya dahil parang gusto niyang patunayang makukuha niya ako. In his dreams! “Please, Lyra, just give me a chane to prove myself!” patuloy niyang pakiusap. Pigil na pigil ko ang sariling sapakin siya kahit buwisit na buwisit na ako sa kaniya. “Really?” sa inis ay hindi ko napigilan ang pagsagi ng isang ideya sa utak ko. “Yes, Lyra. Ask me anything and I will do it. Just let me date you!” nagliwanag ang mukha niya at parang baliw na ngumiti sa akin. “Gagawin mo kahit ano?” paniniguro ko pa, habang may pagdududang nakatunghay sa kaniya. Sunod-sunod ang naging pagtango niya at nag-uumpisa na akong maaliw dahil sa naiisip kong gustong ipagawa sa kaniya. “Yes, Lyra, my love! I promise!” itinaas pa niya ang kanang kamay at excited na nagpalinga-linga pa sa paligid. Para bang sinisiguro niyang may ibang nakatingin sa amin at nakikita kaming dalawa. “Well, then, maghubad ka saka ka pumunta roon sa gitna ng parking lot at ipagsigawan mong mahal mo ako. I know you’re just seeking for an attention. This is your time to shine!” maluwang ang ngiting utos ko sa kaniya. Napipilan ito at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Ako naman ay lalong naaaliw at kita ko rin ang ibang mga naroon na nagbubulung-bulungan at tumatawa. Maging sila ay naghihintay sa gagawin ni Grayson. “What did you say?” pabulong na tanong niya. Tumaas ang kilay ko. “You heard me. Sabi mo gagawin mo ang lahat para patunayan ang sarili mo, di ba? Go!” iminuwestra ko pa ang kamay ko sa maluwang na espasyo ng parking lot. “You’re crazy!” halos hingalin siya sa pinaghalong galit at pagkapahiya. Pero tinawanan ko lang siya. Unti-unti siyang umatras at nagmamadaling lumayo sa akin. Hindi ko na napigilan ang matawa ng malakas at tuluyan nang sumakay ng kotse. Mula noon ay bibihira na lang ang mga nagtangkang lumigaw sa akin. Mayroon naman iyong ilan na tapat naman ang hangarin nila, pero masiyado na akong busy ng mga panahong iyon kaya naging kaibigan ko na lang sila hanggang ngayon. Sina Maricar at Carlota lang ang matatawag kong naging malalapit na kaibigan ko noong college. Parehong nasa New York na ang dalawang iyon at kumukuha ng Master’s degree. Ako naman ay hindi ko na maharap na ituloy dahil kulang na kulang na ako sa panahon. “Ang ganda-ganda mo talaga, hija,” papuri ni yaya habang sinisipat ko ang sarili sa malaking salamin. Katatapos lang akong ayusan para sa dadaluhan kong fashion show kung saan isa sa ipaparada ang aming summer collection. “Thanks, ya…” ngumiti ako sa kaniya mula sa repleksyon sa salamin. “Hindi ka pa ba mag-aasawa hija? Parang gusto ko nang mag-alaga ng magiging anak mo,” biglang biro nito kaya natatawang nilingon ko siya. “Yaya 23 pa lang po ako. Grabe ka naman sa akin. Ni wala pa nga sa isip ko iyang pag-aasawa tapos gusto na akong magkaanak?” kunwa’y reklamo ko sa kaniya. Sinimangutan pa ako nito kaya lalo akong natawa. “Naku, e masiyadong mataas ang standards mo. Kapag nagkaka-boyfriend ka tinatakot mo naman!” tugis niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama ko. Kasalanan ko bang pera at katawan ko lang ang habol ng mga iyon? Akala ba nila porke naging girlfriend na nila ako ay sila na ang masusunod? No way! “Ikaw talaga, yaya. Sige na po, aalis na ako at baka mamaya umiyak ka pa riyan,” biro ko pa sa kaniya pero napailing na lang ang matanda. Sinamahan at inihatid niya ako hanggang makasakay sa sasakyan ko. Eksaktong magsisimula na ang show nang dumating ako. Kasunod ko ang sekretarya ko sa upuang nakalaan para sa akin. “Ma’am, naipa-reserve ko na iyong meeting ninyo with the CEO of TechGas. He said he was willing to work with you in your new business venture,” bulong ng sekratarya kong si Alona. “When will that be?” tanong ko sa kaniya pero ang atensiyon ko ay nasa entablado. Masaya akong makita ang pagrampa ng mga modelo ko habang suot ang mga damit na ako mismo ang nagdisenyo. “Tomorrow at lunch, ma’am,” sagot nito. “Okay. Make sure I don’t have an appointment after that. Gusto kong magpa-spa bukas. Saka ano na nga ulit ang pangalan ng CEO na iyan?” patuloy kong pag-uusisa. Lumalakas na lalo ang palakpakan nang lumabas na ang mga modelong nakasuot ng aming summer collection, kung saan lahat ng klase ng beach outfits and summer clothes ay ipinakikita. “Si Mr. Landon Abella, ma’am,” napalingon ako sa sekretarya ko nang marinig ang pangalang binanggit niya. The name just sounded familiar. It’s like I already heard it somewhere. “Why his name sounded familiar? I just couldn’t remember where I heard his name, but I swear this is not my first time hearing it,” kunot-noong tanong ko. Bahagya pang bumungisngis si Alona kaya lalo akong nagtaka. Lumapit siya sa akin at bumulong. “Iyon po iyong lalaking pinag-awayan nina Tanya at Scarlet noon, ma’am,” pigil ang tawang sabi niya. Umikot ang mga mata ko. Yeah, I remember now. Scarlet ditched one of her endorsement engagements para makipag-date sa lalaking iyon na ipinagpipilitan naman ni Tanya na boyfriend daw niya. Hindi ko pa nakikilala ng personal ang lalaking iyon pero naaasar na agad ako sa kaniya. But business is business, and I don’t mix business with personal affairs. “Fine. Tawagan mo si Attorney Garcia and ask him to do a thorough background investigation with this Landon Abellama. I want all the information on my desk at nine o’clock tomorrow,” utos ko sa kaniya. Agad naman itong tumango at umalis sa tabi ko para sundin ang iniuutos ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD