Chapter 2 The Deal

2553 Words
Taas ang kilay habang ang ngisi ay namumutawi sa mga labi ko. Kasalukuyan kong binabasa ang mga impormasyong hiningi ko sa tauhan ko. Landon Abellama is the son of Darion Abellama. They owned one of the biggest oil companies in the country. Pero may isang bagay ang umagaw ng atensiyon ko. Pilit mang itinatago ay matibay naman ang ebidensyang hawak ko na nanganganib ang Abellama Group of companies. Lulong sa sugal at babae si Darion kaya nagkaroon ng mahigit limang bilyong utang ang kumpanya niya. Ayon dito sa report ay milyon-milyon ang natatalo sa kaniya sa tuwing magka-Casino siya. “Are you really sure you want to have a business partner like that?” napaangat ang paningin ko kay Jonas. Si Jonas ang vice president ko at mas matanda siya sa akin ng anim na taon. “Well, I heard Darion’s son is really good in business. They just need someone to save them from their doom,” simpleng sagot ko at muling ibinalik ang paningin sa mga dokumentong hawak ko. Tumitig sa akin si Jonas na tila ba hindi makapaniwala sa desisyong gusto kong gawin. “Well, according to my source, Landon is no better than his father. Babaero rin at kilalang notorious pagdating sa mga taong hindi niya gusto. He might be a dark horse in the business world, but I just couldn’t trust his attitude,” pahayag pa niya. Ako naman ang natigilan sa narinig. May point siya. Pero kailangan ko si Landon para sa pinaplano ko. “Marami na ang nagpakita at nag-offer ng proposal sa akin simula nang malaman nilang gusto kong pasukin ang oil industry. Pero wala akong makitang katulad ng TechGas. Actually, malakas at matatag ang kumpanya nila. Talagang medyo nauuto lang ng mga babae niya itong si Mr. Darion Abellama. Pero ngayong ang anak na niya ang bagong chairman at CEO, palagay ko ay makababangon sila. And they will have my money to do that,” mahabang paliwanag ko. Mataman lang na nakikinig si Jonas at bumuntong-hininga pa siya pagkatapos pakinggan ang paliwanag ko. “Kilala kita, Lyra. Hindi mo ito gagawin nang walang kapalit. Ano talaga ang dahilan at gusto mong matuloy ang partnership na ito?” naninimbang na tanong ni Jonas. Ako naman ang nagbuga ng hangin. “You’re right. I will give them the money they need to pay their debts in exchange of one thing,” pag-amin ko. Kumunot ang noo ni Jonas at bahagya pang umawang ang mga labi niya. “What is it?” curious niyang tanong. Hindi agad ako nagsalita at binalikan ang mainit na pagtatalo namin sa bahay kamakailan. Halos mapapapikit ako sa matinding pagkainis na maalala iyon. “Dad! Ayaw ko pong magpakasal sa taong hindi ko ganap na kilala!” pagmamatigas ko nang sabihin sa akin ng mga magulang ko na bibisita raw sa bahay ang lalaking naipangako nilang mapapangasawa ko. “You already agreed to this marriage when you were in high school. Nakapag-commit na tayo sa pamilya nila kaya hindi puwedeng basta-basta mo na lang iyon babawiin. You know Densel always wanted you as his bride. You like him, too, right?” mataas na rin ang boses ni daddy nang magsalita. Maging si mommy ay kinakabahan na rin. Minsan lang kasi magalit si daddy, pero ang nakakatakot ay iyong atakihin siya. “I had a crush on him before. But as I said, I was just young and stupid. Dad, may sarili na po akong isip, at isa pa, hindi ko gusto ang ugali ng lalaking iyon. Masiyadong mayabang. Akala niya siguro mapapasunod niya ako sa gusto niya. Well, that would never happen. No man can tell me what I should and should not do. I will always decide for myself!” matatag kong tugon. Nagpupuyos ang dibdib ko dahil hindi ko matatanggap na matatali ako sa walang kuwentang lalaking iyon. Kung wala nga lang ang kayamanan at kumpanya ng daddy ni Densel ay wala rin siyang silbi. Ni wala nga siyang maipagmamalaki na sarili niyang achievement! “They will be here next week dahil uuwi na mula sa mahabang business trip ang mga magulang ni Densel. If you want to call off this engagement, you must marry first. Pero kapag dumating ang araw nang pagpunta nila rito at wala ka pa ring asawa, you’re going to marry Densel. And my decision is final!” seryosong banta ni daddy. Agad akong nawalan ng ganang kumain at kumuyom ang kamao ko. Kapag ganito na ang tono ni daddy ay kinakabahan na ako. “Dad, 23 pa lang po ako. Bakit ni’yo ba ako minamadaling mag-asawa?” pahabol ko pang reklamo. Nabagbag naman ang kalooban ko nang makitang bahagyang lumungkot ang mukha ni mommy. Miracle baby kasi ako. Forty-three na si mommy noong ipagbuntis niya ako. Himala nga rin daw na lumaki akong normal na bata, pero hindi maitatangging mataas ang IQ level ko na 174. Seventy-eight years old na si daddy at sixty-six naman si mommy. Alam ko at naiintindihan ko naman kung bakit atat na atat na silang magka-asawa ako. Talagang ako lang itong hindi pa handa dahil marami pa akong gustong marating sa buhay. Kahit pa nga sinasabi ng marami na malayong-malayo na ang narating ko sa edad kong ito, hindi pa rin ako ganap na makuntento. “Hija, alam mo namang matatanda na kami. Bago man lang kami mawala sa mundo ay makita man lang sana namin ang magiging apo namin sa iyo,” malamlam ang mga mata at basag ang boses na saad ni mommy. Dahil nga sa pangyayaring iyon ay napilitan akong bumuo ng isang plano. Muntik na nga akong kumonsulta sa isang dating site dahil nadedesperada na ako. Marami naman akong mga manliligaw at mismong ito ngang si Jonas ay nakapila rin. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit wala akong magustuhan ni isa sa kanila. Gusto ko iyong lalaking mapapasunod ko sa lahat ng gusto ko, pero gusto ko rin ay iyong kahit paano pasok sa panlasa ko. “Hey, tinatanong kita. Bakit bigla ka nang natulala riyan?” nabalik sa reyalidad ang isip ko dahil sa pag-agaw ni Jonas sa atensiyon ko. “Ano na nga uli iyong itinatanong mo?” naguguluhang tanong ko. “Sabi ko, ano iyong pinaplano mo at gusto mong maka-partner sa business iyang si Landon Abellama?” ulit niyang pahayag. Sa pagkakataong ito ay napangiti ako. Ngunit hindi ako nakasagot sa kaniya dahil dumating na ang hinihintay kong bisita. “Speaking of the devil,” nakangising bulalas ko nang bumungad sa pintuan si Landon. He looked really gorgeous and hot. Kaya siguro maraming babae ang nababaliw sa kaniya at iyon naman ang ginagamit niya para mauto ang mga ito. Pero sorry siya dahil hindi uubra sa akin ang mga gimik niya. “Let’s talk again later, Jonas. My visitor is here,” I dismissed him. Kita ko ang inis sa mukha niya nang bumaling siya kay Landon. Hindi naman siya pinansin nito kaya tuluyan na siyang lumabas ng opisina ko. “Good morning, Miss Gomez. I am Landon Brent Abellama. I am here as the representative of Abellama Group of Companies, especially the TechGas,” pormal niyang pakilala sa sarili. Bahagyang tumaas ang kila ko at saka siya pinasadahan ng tingin. Sumandal ako sa swivel chair ko habang nakade-kuwatro at nakahalukipkip ang mga braso. “Do you have a history of any severe diseases such as weak heart or lungs. Kidney failure or any rare diseases?” diretsahang tanong ko. Nagulat naman siya roon. Hindi siguro niya inasahang itatanong ko iyon sa kaniya. Ni hindi ko pa nga siya inaalok na maupo kaya nakatayo pa rin siya sa harap ng lamesa ko. “What? Ano namang kinalaman ng tanong na iyan sa negosyong pag-uusapana natin kung–” “Just answer it!” mariin at dominante kong utos. Muli ay tumiim ang mukha niya. Base sa itsura niya ay halatang hindi siya sanay na inuutusan o minamanduhan. “I don’t have any of those, as well as, the members of my family,” mahinahong sagot niya, kahit kitang-kita ang pamumula ng mukha niya. “What about history of mental problem, impotence or infertility?” dagdag ko pang tanong, na lalong nagpainit yata ng ulo niya. Pero alam kong hindi siya magpapakita ng galit sa akin dahil kailangan niya ako. Kailangan niya ako kung ayaw niyang tuluyang mamulubi at bumagsak ang kumpanya nila. “I don’t know why you’re asking that, but we don’t have any history of such,” mababa ang boses niyang tugon pero may galit ang tono niya. Napangiti ako. “Then, you are a perfect husband material. Guwapo ka naman, matangkad, walang sakit sa katawan at pag-iisip. Galing ka rin naman sa prominenteng pamilya so payag na akong tulungan ka. Basta susundin mo ang lahat ng ipagagawa ko sa iyo!” walang kagatol-gatol kong saad. Mangha siyang tumitig sa akin na parang hindi rumehistro ng tama sa utak niya ang sinabi ko. Kung pagbabasehan ang mga mata niya ay talagang nagulantang siya sa sinabi ko. “What did you just say?” manghang tanong ni Landon. Hindi ko itinago ang pagkaaliw ko sa nakikita kong reaksyon sa mukha niya ngayon. Ni sa hinagap ay hindi niya siguro inakalang may isang tulad ko ang susubok sa p*********i niya. “It’s so simple, Mr. Abellama. I will pay for your debt, and you’re going to marry me and warm my bed. Playboy ka, ‘di ba? Sikat ka nga sa ilang mga modelong hawak ko, so hindi mo naman na siguro kailangang mag-inarte. Besides, it’s Lyra Celestine Gomez you are facing, right now!” I playfully reminded him. Lalong tumiim ang bagang niya at kumulimlim ang mga mata niya. Sabihing nagimbal siya sa mga narinig ay kulang pang paglalarawan sa itsura niya ngayon. “Look, Miss Gomez, I am willing to sell you some of my company’s share and give–” Itinaas ko ang mga kamay ko at saka tumayo na sa kinauupuan. Kitang-kita ko ang pagkataranta niya nang maningkit ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. “Take it or leave it, Mr. Abellama. Be my husband and submit yourself to me wholeheartedly and I will help you regain your company’s status. End of discussion!” I firmly said. Nang akmang aalis na ako ay bigla siyang humakbang at nagsalita. Lihim akong napangiti ngunit inalis ko rin nang humarap ako sa kaniya. “Wait! Fine. I agree with all your terms and conditions. So kailan tayo puwedeng magpirmahan ng kontrata?” halos magmakaawa na siya. Kaya nang makilala ko si Landon Abellama ay na-challenge ako. Kahit pilit nitong itinatago ang pagkaakit niya sa akin ay nahalata ko pa rin iyon. Dumating ang araw ng linggo at katatapos ko lang mag-ayos ng sarili. Bumaba ako at nakangiting tiningnan ang malaking orasan. Alas otso ang usapan namin ni Landon na pagpunta niya rito sa bahay at alas siyete palang ng gabi. “O? May inaabangan ka bang bisita, anak?” napalingon ako kay mommy nang magtanong siya. Ngumiti akong kasabay nang pagtango sa kaniya. “Yes, mom! I’m waiting for my fiancé,” masigla kong tugon. Natulala naman si mommy at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. “Anak, seryoso ka ba? Hindi magandang biro iyan,” salubong ang kilay na paninita niya. Pero lalo lang akong napangiti at humalik pa sa pisngi niya. “I’m serious, mom. Darating na mamaya iyong fiancé ko para mamanhikan. Alas otso po,” balewalang tugon ko. Ngayon nga ay napanganga na sa labis na pagkagulat si mommy. “Nalintikan kang bata ka! Bakit ngayon mo lang sinabi? Aba, dapat ay nakapaghanda rin tayo para bisitahin siya. Kasama ba niya ang mga magulang niyang pupunta rito?” natatarantang tanong ni mommy, pagkatapos ay pasigaw na tinawag si Yaya Maring. Natawa naman ako dahil tulirong-tuliro ang itsura niya. “Mom, huwag na kayong mag-abala. Ayaw ko rin naman ng malaki at engrandeng kasal kaya ayos na po iyong simple lang. Ang mahalaga ay mapapangasawa ko ang gusto ko at hindi iyong ipinipilit ninyo ni daddy sa akin,” saway ko sa kaniya. Eksakto namang narating na ni Yaya Maring ang kinaroroonan namin. Kawawang matanda, hingal na hingal. Dahil siguro sa boses ni mommy kaya mabilis na napatakbo rito sa sala. “Ano ho ba iyon, ma’am? Bakit parang may sunog kong makatawag kayo sa akin?” nagpupunas ng pawis na tanong ni yaya. Natawa ako sa itsura niya dahil talagang hingal-kabayo siya. “Darating daw ngayong gabi ang mapapangasawa ni Lyra para mamanhikan. Pilyang bata ito, ngayon lamang sinabi. Hindi man lang tayo nakapaghanda,” aburidong reklamo ni mommy. Muling umikot ang mga mata ko. “Huwag ni’yo na kasing alalahanin sabi, eh!” nakabusangot kong tugon. Balak palang sana akong sermunan ni mommy nang biglang dumating iyong isang maid namin. “Ma’am, pasensya na po sa pang-iistorbo sa pag-uusap ninyo. Kaya lang may mga dumating po tayong mga bisita. Hinahanap po si ma’am Lyra,” pagbibigay-alam nito. Kumunot naman ang noo ko. “Mga bisita?” takang tanong ko. Agad naman itong tumango. “Ang sabi ho eh mamamanhikan daw po,” kinakabahang saad pa ni Sheng. Si Sheng ay anak ni yaya Maring. Dito rin siya nagtatrabaho sa bahay habang nag-aaral sa kolehiyo. Nagkatinginan kami nina mommy at yaya Maring. Si Landon lang ang inaasahan kong darating at wala ng iba. Bakit ‘mga bisita’ raw? May kasama pa siyang iba? “Naku, Lyra, ito na nga ba ang sinasabi ko,” lalong natutulirong sambit ni mommy. “Sige papasukin mo na sila at tatawagin ko lang ang daddy mo,” utos niya sa akin. Saka siya bumaling kay Yaya Maring. “Maring, ihanda ni’yo ang dining area, bilis!” utos niya rito, at mabilis namang tumalima kasunod si Sheng. Tinungo ko ang pintuan at nagimbal sa dami ng taong naroroon. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa sampung tao sila. Ngumiti sa akin si Landon pagkatapos ay nilapitan ako. Mabilis siyang humalik sa mga labi ko kaya nagulat talaga ako. Bumilis nang bumilis ang pintig ng puso ko. “Ano’ng ibig sabihin nito? Bakit ang dami ni’yo?” pabulong ang gigil kong tanong sa kaniya. Nagtatagis ang mga ngipin ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Pero mabilis kong nahamig ang sarili at ngumiti sa lahat ng naroroon. “Good evening po. Pasensya na po kayo at hindi ko kayo agad nayayang pumasok. Tuloy po kayo,” magalang kong tawag sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin at lumapit pa sa akin iyong isang matandang babae. “Hindi mo naman nasabi sa akin, apo, na napakaganda pala nitong mapapangasawa mo. Parang artista,” komento nito kaya natawa ako at bahagyang nahiya. Pakiramdam ko ay nag-init ang magkabilang pisngi ko. “Salamat po,” kiming sagot ko. “Tawagin mo na akong Lola Digna. Ako ang mommy ng daddy ni Landon,” pakilala nito sa sarili. “Hi po, lola Digna. Tara na po sa loob,” yaya ko sa kaniya. Ngumiti at tumango naman ito. Hinaplos pa nga niya ang pisngi ko. Pagpasok namin ay muli akong namangha nang mayroon pang dumating ulit na mga tao. “That’s the catering service that I hired for tonight. They are here to deliver the foods,” pagbibigay-alam sa akin ni Landon. Gulong-gulo ang utak ko dahil hindi ko talaga inaasahang ganito ang mangyayari. f**k!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD