“Ma’am, alam mo, humahanga talaga ang lahat sa iyo kasi kahit halos patayin ka na nila sa mga comments at paninira nila, parang wala lang sa iyo. Ang cool mo lang po,” natatawang papuri ni Alona. “Kasi, kilala ko ang sarili ko at alam kong wala naman akong ginagawang masama. Saka, sa totoo lang, nagko-comment lang naman ang karamihan para makisabay sa uso. Pero ang totoo, wala naman talaga silang pakialam dahil mismong sila ay may kani-kaniyang isyu rin sa buhay. Tapos, hindi ko rin naman sila kilala, so, why should I stress myself for them?” mahabang katuwiran ko. Hindi naman siya nakapagsalita pa dahil narating na namin ang lobby. Ang malawak naming entrance at lounging area ay napuno na ngayon ng mga reporters at cameramen mula sa iba’t ibang TV, Radio at newspaper company. Maging ang

