Hindi ako makapaniwalang kamuntik na akong hindi makapagbihis ng maayos. Hindi na nga natuloy ang pagpapa-spa ko dahil isang beses pa ulit naming ginawa iyon sa loob pa rin ng sasakyan. Imagine? Three rounds with multiple orgasms? I fell asleep in the car. At noong magising ako ay nasa kama na ako ng bahay at alas-sais pasado na rin ng gabi. Alas-otso iyong press conference! I wanted so badly to curse at myself for being so weak around him when it comes to love making. Lahat ng katatagang mayroon ako ay rumurupok kay Landon. Damn that man! “Now, you’re ready, Ma’am,” deklara ni Naomie pagkatapos akong maayusan. Light makeup lang ang ipinalagay ko at halos natural look nga lang. hindi ko kailangan ang makapal na makeup para humarap kay Betty. “Thanks, Naomie. Ang galing mo talaga,” pu

