“I am very sorry for all the pain I’ve caused you, Grandpa. I never meant to hurt you or disappoint you. I was just desperate to break my engagement with Densel because I don’t like him to be my husband,” diretsahang sagot ko kahit halos hindi na ako humihinga habang nagsasalita. Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha ni Densel at ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao. Maging ang lolo niya ay tumindi rin ang mababanaag na galit sa mukha. “I can’t believe you can say that in front of my grandson!” tiim-bagang niyang sambit. Naging delikado ang awra niya at namumula ang mukha niya sa tinitimping galit. “I’m really sorry,” iyan na lamang ang nausal ko. Pinipigilan ko rin ang sariling maiyak. Isa pa ito sa kinaiinisan ko sa kanila. Masiyado nilang kinukunsinti at pinagbibigyan si Densel sa lahat

