ZANDRP’s POV Kumain na muna kami sa labas bago ko sila ihatid sa condo. “Kuya Zandro, dito po kami titira ni Ate for two weeks?” masayang tanong ni Perla habang nakatanaw sa glass wall na kita ang busy streets dito sa Makati. “Oo Perla, pero depende pa rin kung gaano katagal aayusin ang ipapaayos ko sa bahay ninyo. Kailangan safe kayo doon lalo na kapag wala ako.” Sagiot ko dito. Hindi pa namin napag-uusapan ng masinsinan ni Patriz kung paano ang magiging set-up namin after the civil wedding. Plano ko ay itira ko siya dito. Gusto kong mamuhay kaming dalawa lamang. Gusto kong enjoy-in namin ang bawat sandali na kami pang dalawa. Dahil dadating ang buwan o taon na magkakaroon na kami ng mga anak. Pinag-iisipan ko kung paano si Perla. Isa na nga iyong maipagawa ko ang bahay nila lalo

