PATRIZ’s POV Nairaos ang aming simple pero puno ng emotions na kasal. Kasama ang aming mga kapatid, si Perla at Zandra para kay Zandro. Dumating din sina Mommy Art at Madam Lucila pati na rin sina David. Suot ko ang simpleng dress pero napakamahal ng presyo. Para na rin akong nagpagawa ng gown. Pero ito ay dress lang na pinili ni Zandro. Siya naman ay naka white long sleeves at gray na slacks. Mas lalong lumutang ang kanyang kagwapuhan. Sabi rin niya sa akin ay napakaganda ko sa aking suot. Para lang kaming nag-uutuan na dalawa. “Finally, you’re truly mine. Mrs. Patriz Dela Cruz Agoncillo.” Sambit nito at sinelyuhan ng matamis na halik ang aming pag-iisang dibdib. Masaya ako sa desisyon ko kahit mabilisan. Narinig pa namin si Mommy Art. “Close your eyes, baby.” Kaya nagtawanan ang

