ZANDRO’s POV Kakatapos lang nang check-up namin sa OB-Gyne. Safe na safe ang baby. Maayos ang lagay niya. Healthy ang aking mag-ina at sana ay magtuluy-tuloy. Iba ang pakiramdam na marinig mismo sa doctor na positive at may baby sa tiyan ng misis ko. Hindi namin mapiggilan na mapaluha nang marinig niya na may baby na kami. Pareho kaming emosyonal ng aking misis. Tuwang-tuwa rin si Zandra, at gusto niyang sumama sa sunod na check-up ko. Ipaparinig daw sa amin ang heartbeat ni baby. Dahil sa kasiyahan na nararamdaman naming tatlo ay kumain kami sa favorite fast food chain ni Zandra, ang Shakey’s. Tamang-tama dahil nag-crave rin ang buntis sa kanilang mojos. Alagang-alaga ko ang aking asawa sa pagkain. Sinusubuan ko pa siya. “Hon, nganga, say ah,” lambing ko sa aking asawa. Masaya lang

