PATRIZ’s POV Two weeks na naririrto si Zandro. Nagluluto siya pero hindi ko naman gusto. Hindi ko makain. Kasalanan ko rin dahil hindi ko siya kinakausap. Hindi ko sinasabi sa kanya ang gusto kong kainin, dahil ayaw ko siyang kausapin. Umiiwas akong magka-usap kami. Ilang beses na rin akong kinausap ni Mommy Sonia bago pa lumipat dito si Zandro. Nagpalit pala sila ni Perla pero si Zandro ay sa sala lang namin nahihiga. Sinilip ko siya isang beses. Maingat kong binuksan ang pinto kaya nakita ko na hindi siya mismo sa may sala, nasa labas lang siya ng pintuan ko. Humihilik pa ito, mukhang kakatulog lang. Nangingitim na rin ang palibot ng kanyang mga mata. Bakit? Binabantayan ako kahit nakakulong ako sa kwarto. Iginala ko ang aking paningin sa sala. Nakakalat ang gamit niya. Nagtitiis

