PATRIZ’s POV Grabe ang emosyon sa araw na ito. Hindi ko alam kung ganito ba ang buntis masyadong emosyonal. Masaya ako na okay na kami ni mare este Mommy Sonia. Humingi siya ng tawad sa aming dalawa ni Zandro. Naiintindihan ko naman siya. Initial reaction niya iyon lalo na’t nasa ibang bansa sila para magbakasyon pagkatapos uuwi sila dito na kasal na ang anak nila. Tapos na kaming kumain. Hindi na muna pinag-usapan ang tungkol kay Monica sa kagustuhan na rin ni daddy Anton. Ang kailangan naming gawin ay mag-bonding. Nandito na kami sa living room. Kinuha ni Zandro sa sasakyan ang photo album ng aming kasal. Kaka-deliver lang din noon sa kanyang opisina noong nakaraang araw. Hindi pa lang niya naibaba kaya ngayon masaya naming ipinapakita kanila mommy at daddy ang mga kaganapan. Naka-n

