PATRIZ’s POV Nasa kwarto na kami ni Zandro dito sa malaking bahay nila. Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako. Hanggang ngayon ay nag-uumapaw ang puso ko sa galak. Ngayon lang bumalik sa aking alaala noong gabing iyak ako nang iyak dahil sa panlolokong ginawa ni Edward sa akin. Paano pala kung sa iba ako nakasakay? Baka kung anong masamang nangyari sa akin? Dahil wala ako sa huwisyo noong panahon na iyon, hindi ko man lang natingnan ang mukha ng driver kung matino ba ito. Mabuti at si Zandro ang good Samaritan noong gabing iyon. Hindi niya sa akin sinabi kahit nagkita kami sa parlor nang sumunod na araw. “Hon, tara na dito sa tabi ko. Matulog muna tayo,” tawag nito sa akin. Nakahiga na siya sa kama at tanging boxer na lang ang suot. Inalis niya para hindi malukot ang kanyang dam

