ZANDRO’s POV Nabigla ko si Patriz sa nasabi ko sa kanya. Ilang araw pa lang kaming mag-girlfriend, heto ako at in-offer-an ko siya nang kasal. Nakapag-sumbong na si Monica kay Mommy. Nagulat ako nang tumawag ito sa akin kagabi. Tinanong niya ako at sinabi ko sa kanya ang totoo. Gusto ko sana na dito pag-usapan pagbalik nila ngunit hindi ko pwedeng i-deny ang aking girlfriend. Mahal ko si Patriz at tulad nang sinabi ko ay handa ko itong ipaglaban. Uunahan ko na si Mommy. Papakasalan ko si Patriz ngunit tumanggi ito sa aking proposal. Madalian pero sigurado ako at hindi ako magsisisi. May meeting ako kanina at hindi ko na nasabi sa kanya. Hindi na rin ako ang sumundo kay Zandra pero pinahatid ko agad ito sa bahay dahil baka kung ano pa ang gawin ni Monica. May mga bagay na kailangang m

