Blaire Mackenzie’s POV “Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko kay Douglas. Napatingin ako sa harapan ng sasakyan— sa upuan na katabi ng driver dahil kanina ko pa napapansin ang isang bulaklak doon na nakalagay sa basket. Ang sabi kasi niya ay ilalabas niya ko pero hindi niya naman sinabi kung saan ba niya ko dadalhin. “To someone important to me,” he replied. Ngumiti ako sa kanya at pinulupot ko ang braso ko sa braso niya. Suot niya ang itim na pantalon at itim na t-shirt. Simple lang ang suot niya pero gwapo pa rin talaga. Habang suot ko naman ay puting t-shirt na inipit ko sa puting pantalon ko. Ang hilig mag-itim ni Douglas samantalang ako naman ay mas gusto ko na magsuot ng maliliwanag na damit tulad ng puti. Nasa back seat kami ng sasakyan habang si Axel ang driver. Sa

