Blaire Mackenzie’s POV Hindi ako tinigilan kahapon ni Douglas at talagang hindi na siya nakapagtrabaho hanggang sa makatulog na ko. Pinagod ako ng asawa ko at hindi talaga ko nakalabas na ng kwarto namin simula nang pumasok kami pagkatapos namin mananghalian. Inabot ko ang cellphone ni Douglas sa bed side table at tinignan ko agad ang oras. Nagkaroon ng liwanag sa kwarto dahil sa cellphone niya at sumalubong agad sa akin ang wallpaper niya na muna ko. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw at ramdam na ramdam ko naman ang lamig ngayon dahil sa lakas ng aircon at wala pa kong kahit na anong saplot sa ilalim ng comforter namin mag-asawa. “Wife…” Pinatay ko ang cellphone ni Douglas at tinabi ko na lang ‘yon sa gilid ko. Bumalik na ko sa pagkakahiga sa kama namin. Yumakap siya sa akin a

