Blaire Mackenzie’s POV Nagsuot ako ng puting bistida at ang pinasuot ko naman kay Douglas ay puting polo button down. Dahil ako ang namili ng isusuot namin, syempre pinili ko na ‘yong white. Minsan lang naman kasi siya magsuot ng mga light color tulad nito. Nakapag-ayos na rin ako at handa na rin kaming umalis pero sinasapatusan pa ko ni Douglas. Kaya ko naman pero mas gusto niya talaga na siya ang gumagawa ng ibang bagay. “Douglas, cute ba ng suot mo?” nakangiting tanong ko sa kanya habang kinakabit niya ang strap ng sandals ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama namin habang nakaluhod naman siya sa harapan ko. Inipit ko ang kulot kong buhok sa likod ng tenga at tumayo na matapos masuot ni Douglas ang sandals ko. Tumayo rin ang asawa ko at napatingala ako sa kanya dahil ang tangkad niya.

