Blaire Mackenzie’s POV Inikot ko na ang buong suite namin ni Douglas pero hindi ko pa rin siya nakikita. Iniwan na kaya niya ko rito sa Tagaytay? Parang sinasaksak ang puso ko nang dumaan sa isip ko ang bagay na ‘yon pero mahal ako ni Douglas kaya hindi niya gagawin ‘yon. Baka naman lumabas lang siya. Kaya naman kahit naka-pajama silk lang ako ay binuksan ko ang pinto ng suite ko at nakita ko agad ang mga tauhan ni Douglas na nagbabantay sa tapat ng pinto namin. “Nasaan si Douglas?” tanong ko agad. “Miss, may meeting po sa restaurant sa baba si Sir Douglas,” sagot ni Axel sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sagot na nakuha ko. Bakit ba kasi parang iiyak agad ako. Nawala sa isip ko na may meeting nga pala siya ngayong umaga. Hindi man lang kasi ako ginising ni Douglas

