Blaire Mackenzie’s POV “Thank you, Prof. Ingat sa pag-uwi,” pagpapaalam ko sa professor ko. Natapos na rin ang class ko ngayong araw at antok na atok na talaga ko pero pinipigilan ko lang dahil nakakahiya naman sa professor ko na pumunta pa rito. “See you tomorrow, Mrs. Parker.” Ngumiti ako sa kanya at pinanood na lang ang professor ko na makalabas ng library. Nang mawala siya ay napaupo muli ako sa upuan ko at napadukok ang ulo ko sa table. Inaantok na talaga ko kaya pinikit ko na ang mga mata ko. Nang marinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng library. Hindi ko na nilingon kung sino man ang pumasok at nanatili akong nakaunan sa lamesa kong makalat pa dahil katatapos lang ng tatlo kong course. “Wife, I prepare snacks for you,” ani ni Douglas. Nanuot agad sa ilong ko ang amoy ng

