OCEANE POV NAKARATING ako sa headquarters at umakyat sa kʼwarto. Nakita ko sa wall clock na may thirty minutes pa ako before mag—six ng gabi. Chinarge ko muna ang aking phone at mabilis na bumaba muli para makapaghilamos. Kailangan ay fresh ako kapag nagpakita ako kay Young Master Strove. Lalo naʼt hindi pa niya ako nakikilala at nakikita bilang bagong maid nila. Lumabas na rin ako sa bathroom, na sobrang naramdaman ko ang ginhawa sa aking katawan. “Ang aga mong naghilamos, Oceane?” Nakita ko ang pagtingin ni ate Betty sa wall clock. “Almost 5:45PM pa lamang.” takang tanong niya sa akin. “Ah—eh, may live po tonight si Young Master Strove, ate Betty... Kaya maaga akong naghilamos para mapanood ang live niya!” sabi ko sa kanya. “Oo nga pala... Bakit ko iyon nakalimutan... Na solid fan

