Pagdating sa bahay ni Aileen ay nagkaniya-kaniya na kaming pahinga. Ako na nagdala ng maleta ko dahil magaan lang naman pero biglang inagaw sa akin ni Lance dahil siya na daw ang mag-akyat sa taas. Humilata ako kaagad sa kama dahil feeling ko sobrang exhausted ko ngayon. Grabe ang pagod ko sa buong maghapon ngayon daig ko pa ang nagtrabaho sa construction site. Napapapikit na ako pero may biglang tumawag sa akin. Kaya parang nagising ang diwa ko.
“H-hello” inaantok kong sagot ko sa tawag at hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag sa akin.
“Hi, are you home already?” tanong ng nasa kabilang linya. Nagulat ako kasi ngayon lang siya tumawag sa akin. Tinignan ko pa ang caller kung nakasave sa akin ang number nya.
“Yeah kanina pa, ikaw nasaan na kayo ni Claire?” tanong ko kay William. At naririnig ko si Claire na inaasar ang kuya niya.
“Sis naiinis parin si kuya, isama mo daw siya sa pagkikita nyo ng ex mo.” sabad ni Claire sa kabilang linya.
“Shut up will you?” inis na sabi ni William kay Claire. Pero ang loka at tumatawa lang siya.
“ when are you going to meet your ex?” tanong niya sa akin.
“I don’t know yet. I haven’t talk to him dahil kadarating lang natin at ngayon ko pa lang sana siya imemessage.”
“If you already talk to him tell me when are you going to meet I want to be with you.” matigas niyang sabi.
“Huwag ka ngang mapilit William. Call me kapag hindi kana nagmamaneho.”
“Okay sige na pahinga kana, bye.”
Okay, ingat kayong dalawa.” sabi ko naman at pinatay ko na ang tawag niya.
I get up at pumunta ako sa banyo para makapglinis ng katawan ko para makapagpahinga narin ako ng maayos. Dahil gusto ko narin matulog. Pagkabihis ko ay kinuha ko ulit ang cellphone ko para matawagan ko si Michael. Pero nagbagoa ng isip ko at minessage ko nalang muna siya at baka hindi siya sumagot sa tawag ko.
“Good evening! Can we meet tomorrow?Just set your time. - Bea” sabi ko sa text ko sa kaniya.
Wala pang dalawang segundo na nasend ko ang message ay tumawag na siya sa akin.
“Hello.” sagot ko sa tawag niya.
“Hi! How are you?” tanong niya sa kabilang linya.
“I’m great, how about you?” tanong ko narin sa kaniya baka sabihin niyang bitter pa ako hanggang ngayon.
“I feel mess since you left.” saad niya sa akin.
“Can we talk tomorrow?”tanong ko sa kaniya.
“Sure do you want to have lunch with me?”
“Okay lunch time then, where?”
“In M&G Hotel. I will wait you there.
“Sure, so that’s settled then.” sabi ko sa kaniya.
“Yeah, see you tomorrow.” saad niya sa akin.
“Yeah, see you tomorrow then.” ulit ko at nagpaalam na ako sa kaniya. Dahil sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako kaagad. Nagising ako umaga na at nakita kong may message sa akin si Michael at madami ring tawag at messeges sa akin si William. Wala yatang magawa itong taong ito. Akala ko ba busy siya sa pagpapalago sa kanilang hacienda. Itong si Mr. Farmer eh makulit.
Inuna ko munang replayan si Michael dahil sa magkikita kami ngayon na dalawa. Kailangan ko din na ihanda ang mga documents na kailangan niyang pirmahan. Para sa mga conjugal property namin. May mga nabili kaming mga lupa and condo unit na nakapangalan sa aming dalawa. Gusto ko ng totally na wala na akong connection sa kaniya kaya gusto kong ibenta na ito at gawin kong puhunan para sa future business ko.
Kung gusto niya ay sa kaniya na ang bahay dahil regalo sa amin yun ng parents niya kaya hindi ko na iyon pagiinteresan. Siguro naman sapat na ang four years na pagmomove on naming dalawa. Sapat na ang panahon para kahit paano ay mabawasan ang mga sakit na dulot ng mga pangit na nangyari. Kahit siya ang may gawa ay kailangan ko din na bigyan siya ng panahon para makapag-isip. Pero ngayon kailangan namin totally na maghiwalay ng maayos. I want to say sorry to him kung may nagawa man ako sa kaniya. Forgiving him personally is my to totally giving him up, to totally not be connected to him. Para kahit magkita kami in the future ulit wala ng sakit. At para maayos ang paghihiwalay namin.
“Hi! Good morning. I will be there lunch time. Thanks for reminding me.” sabi ko sa kaniya.
“No problem. See you later.” reply niya sa akin pero di ko na siya nireplyan at tinignan ko na lang ang ibang mga messeges na dumating sa akin. Madaming messages si William. Nagmessage pa siya sa akin na nakarating na sila. At nakailang tawag din siya kagabi at ngayon.
“Good morning, we will meet today but please huwag ka ng sumama. Mag-uusap lang kami ng maayos ni Michael.”
“I just you to be safe at ihahatid kita. Hindi naman kita sasamahan na makipag-usap sa kaniya. Hintayin kita sa kotse.” makulit niyang reply.
Hindi ako makapagdecide sa kakulitan ni William hindi naman siya ganito noon sa akin. Pinagtatabuyan pa nga niya ako noon na ayusin ko ang marriage namin ni Michael pero ngayon gusto pa niyang sumama sa akin.
Nagtataype pa lang ako ng reply ko sa kaniya pero heto at tumatawag na siya. Napakaimpatient talaga ng lalaking ito.
“Hello, I’m still typing my reply to you.” sabi ko sa kaniya.
“I will fetch you now.” sabi niya sa kain.
“Okay fine, you can come but please don’t come near us nor interrupt our conversations.” sabi ko sa kaniya.
“Yes, don’t worry hindi ako mangingialam sa inyo. Just clear things out to him para wala ka ng problema sa kaniya in the future.”
“okay fine! Sige na para makapagprepare pa ako.” nakaismid kong sagot sa kaniya. Demanding, kainis.
“Baka naman magmake up ka pa sa pagkikita nyo.” tanong niya sa akin.
“Ano ka ba naman William. Pwede ba!” sigaw ko sa kaniya at kakainis pati pagmake up ko pakikialaman ano siya boyfriend ko kung makaasta.
“OK fine. I’m coming over now.” sabi niya at hindi ko na siya sinagot. Pinatay ko na lang ang tawag niya. Ipipilit naman niya ang gusto niya, fc talaga ang lalaking yan. Naligo na lang ako para kapag dumating siya ay pwede narin kami umalis. Mabilis na lang din ako maligo para hindi na siya maghintay ng matagal.
Hindi ako makapili ng isusuot ko dahil ngayon na lang ulit kami magkikita. Simula noong nagkapirmahan kami ng divorce paper ay hindi na kami nagkita kahit na pinipilit niya ako noon na magkita kami pero hindi ako pumayag. Naging sarado na ang puso at isipan ko noon sa kaniya. Sa sobrang sakit ay nagkasakit din ako noon sa Canada. HIndi ko kinaya ang sobrang sakit. Mahaba din ang process na pinagdaanan ko para makapagmove on. Acceptance and forgiveness is the best key to move on. Accept the truth and forgive yourself and the one who hurt you.
Nagsuot lang ako ng denim pants and simple blouse and white sneaker shoes. Ganito naman ako dati pa. Bakit pa ako mag-iiba ng pananamit eh simple lang naman ako kung manamit.
“Hi! Good morning!” bati ko sa kanila pagbaba ko.
“Good morning titaninang.” bati sa akin ng kambal at humalik pa sila sa akin.
“You smell good ninang, where are you going?” tanong sa akin ni Josh
“I’m going to Manila I have a meeting with my friend.” sabi ko sa kaniya.
Tumango lang siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagkain.
“Magkikita kayo?” tanong sa kain ni Aileen at alam ko na ang sinasabi niya.
“Yes, We need to talk. Mahirap magmove on kung may mga grudges pa kami sa isa’t-isa. Kahit sabihin kong nakamove on na ako, wes till need to talk.”
“Yeah, kailangan talaga. At alam kong may ibang umaasa sa’yo at mukhang matagal na yan naghihintay.” sabi niya na may ngiti sa labi.
“Tumigil ka nga porket nagkabalikan kayo ng Mr. Mo eh ginaganiyan mo na ako ah.”
“I wish you happiness in the near future dear.” sabi niya sa kin at niyakap pa niya ako.
“Thank you friend. Dahil nandiyan kayo ni Lance noon. At alam kong may pinagdadaanan ko noon pero your strong to face all those things pero ako naging mahina talaga ako.”
“Pero kinaya mo din kaya congrats!”sabi niya sa akin at tinapik pa ang balikat ko na parang sinasabi niya job well done.
Wala pang isang oras ay may huminto ng sasakyan sa harap ng bahay ni Aileen at alam ko na kung sino ito. Maya-maya ay nagdoorbell narin siya.
“Mukhang may bisita ka?” sabi ni Marco kay Aileen at nakakunot pa ang noo nito.
“Wala ako ineexpect na bisita.” sabi naman ni Aileen.
“Ahhmm si William yan ako na.” sabad ko sa dalawa.
“Good morning. Are you ready?” bati niya sa akin
“Good morning, pasok ka muna. Kumakain kami. Kain ka muna at medyo malayo pa ang pupuntahan natin.” sabi ko sa kaniya.
"Pre” sabi niya kay Marco at nagtanguan pa ang dalawa na parang nagkaintindihan sa tinginan nilang dalawa.
“Kain muna pre.” sabi naman ni Marco.
“Huwag na pre nagcoffee ako kanina sa bahay. “ sabi niya kay Marco
“Okay. Upo ka muna diyan at hintayin mo na lang ang dalaga namin.” natatawang sabi ni Marco.
Mapang-asar din pala ito kagaya ni Lance. Mas matanda lang itong dalawa ng isang taon kay Lance. Ang kaibigan talaga ni Marco at Liam ay ang kuya nito. Tinapos ko ang pagkain ko at nagexcuse na ako sa kanila para kunin ko na ang bag ko.
Pagbaba ko ay siyang pagpasok ulit ni William at may mga bitbit itong gatas at mga prutas. Siguro galing ito sa farm nila.
“I bought something from our farm. Fresh cow milk and mangoes, may buko din.” sabi niya kay Marco.
Hinintay ko na lang silang mag-usap saglit para makapagpahinga naman siya saglit. Ilang minuto pa silang nag-uusap ay binalingan na niya ako. Nagpaalam na din siya kay Marco at Aileen.
“Galingan mo kasi pare.” pangkukutsa pa ni Marco sa kaniya.
“Kuya William fighting!” sabad naman ni Lance sa kaniya.
At nag FU sign nalang siya sa dalawa at humalakhak naman ng pagkalakaslakas ang dalawa.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. At pagpasok ko ay ang bango ng loob ng kotse niya. Gusto ko ang amoy hindi masakit sa ilong. Mild lang ang kaniyang pabango. Hindi kagaya ni Michael na matapang kung magpabango.
Binagtas na namin ang daad papuntang Makati. Ilang oras ay narating din namin ang M&G Hotel. Sa isang coffee shop kami magkikita pero parang gusto ko sa ibang lugar yung walang makakakita sa aming dalawa. Yung kaming dalawa lang, walang ibang tao dahil alam ko na maiiyak parin ako. Kahit papaano may konting puwang parin siya sa puso ko pero bilang kaibigan na lang. Doon naman kami nagsimula sa pagiging magkaibigan.
“Are you okay?” tanong sa akin ni William dahil tahimik lang ako sa aking kinauupuan.
“Yeah, I’m just a little bit nervous and may alam ka bang place na yung kaming dalawa lang sana ang mag-uusap. Baka kasi maiyak ako.” sabi ko sa kaniya.
“Bakit mahal mo pa?” tanong niya sa akin.
“The pain is still here” sabi ko sa kaniya at tinuro ang puso ko. Malungkot parin ako kapag kasi naalala ko. Kahit naman siguro naaceppt ko na na wala na kami ay may sakit parin.
“I know a place, in my office. You can talk there at sound proof din.” sabi niya sa akin at alam ko na ang sinasabi niya. May sarili din pala siyang opisina sa Makati.
Ninenerbyos parin ako kahit anong gusto kong pagpapakalma sa sarili ko. Mahirap pala kahit ilan taon hindi nagkita. There are lots of emotions na lumalabas sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko. Parang hindi tuloy ako makahinga sa mix emotions kong nararamdaman.