CHAPTER 9

2111 Words
Nakarating na kami sa harapan ng hotel at natanaw ko na si Michael. Nagmessage siya sa akin na nandoon na daw siya. Alas onse pa lang ay nadoon na siya. Hindi naman siya excited na magkita kami. Napansin ko na nakayuko siya. Nakatulog kaya siya sa paghihintay sa akin? “naghihintay na ang ex mo.” sabi ni William na ikinagulat ko dahil masyado akong focus sa pag-iisip kung ano ang magiging reaction namin sa isa’t-isa. We build our dreams together but in just a snap of his fingers we just crashed by a huge wave that he created and that makes us separate. “Yeah, he texted me that he’s here already.” sabi ko sa kaniya na nakatingin parin kay Michael na nakayuko sa mesa. Pinark lang ni William ang sasakyan niya sa may tapat mismo ng coffee shop. Dahil may parking naman ang gilid ng coffee shop ay doon niya pa talaga pinark sa tapat pa ng table namin ni Michael. “Call me if you need anything.” sabi pa niya sa akin habang nagkakalas na ako ng seatbelt ko. “Oo na, siguro hindi naman kami magtatagal na mag-usap.” “Okay, I will wait here pero kung matagal kayo eh papasok ako sa loob para magkape.” “Paunahin mo muna akong pumasok.” nakasimangot kong sabi sa kaniya. Wala talagang isang salita ito. Sabi niya maghihintay siya dito pero nagbago ang isip. Bumaba na lang ako at hindi ko na lang sya pinansin. Nagtungo na ako sa table kung nasaan si Michael. Binati ako ng waiter. At sinabi ko na may table na ako at hinihintay na ako ng kameeting ko. Parang ayaw ko pang mag-ingay dahil mukhang natutulog siya. Dahan-dahan akong umupo sa katapat ng upuan niya. Hindi ko muna siya ginising at pinagmasdan ko muna siya. Hindi pa sana siya magigising kung hindi lang umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko. Nakalimutan kong isilent ang cellphone ko kanina bago ako lumabas. Unti-unting nagmulat ng mata si Michael at ganun na lang ang pagkagulat ko sa itsura niya. Hindi ko na makita ang Michael na nakilala ko. “hi! Kumusta?” nakangiting bati ko sa kaniya. Nataranta naman siya at inayos ang sarili niya. Ganito siya noon kapag natataranta siya. Lagi niyang inaayos ang kaniyang buhok. “Eto ok lang, ikaw kumusta? Pasensiya na nakatulog ako. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi.” saad niya ang nandoon ang lungkot sa mga mata niya. “Ahhm ok lang pasensiya kana at nagising din kita.” “No, it’s ok.” sabi niya at parang nagpapakiramdaman pa kaming dalawa. “I want to discuss things to you… but first I want to say sorry to you for not being a good wife.” malungkot kong saad sa kaniya ang may tumulong luha sa aking mga mata pero mabilis ko itong pinalis at ngumiti ng pilit sa kaniya. “Can I talk first?” tanongniya sa akin. “Okay lang you don’t need to say sorry I’m at fault. Kasalanan ko ang nangyari sa ating dalawa. I know naging marupok ako and we ended up things too soon. Pinagsisihan ko ang mga nagawa ko sa’yo. I should be the one to asked forgiveness to you. Sorry baby for all the things that I have done to you. I’m sorry…” sabi niya sa akin at kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa mesa pero unti-unti ko itong hinila. Yumuko siya ulit at inumpisahan na magexplain sa akin. “I gave you so much pain for one year and I know nandiyan parin yung sakit na naidulot ko sa’yo. I’m sorry for that. I can’t forgive myself too. I can’t forgive myself kung bakit ko nagawa yun sa’yo. Simula noong umalis ka nagsisisi ako. I almost kill myself but my parents lock me up in my room. Inalis nila lahat ng gamit na pwede kong gamitin para mamatay. I drunk everyday until I passed out. My life was at messed when you’re gone. That’s the biggest mistake that I have done in my entire life. I lose you, I loose the love of my life.” nakita ko ang pag-iyak niya at naiyak narin ako. “Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan moving forward is the best way to move on for the both of us.” sabi ko at pinatatag ko na ang sarili ko. “hindi ako nagpunta dito para sa pagsisisihan nating dalawa I came here to asked forgiveness too. And I forgive you too. Let us move on, siguro nga hindi talaga tayo ang para sa isa’t-isa and I know may mahahanap ka pang mas higit pa sa akin. Sana piliin mo ng maayos ang babaeng makakasama mo na sa habang buhay. Love yourself and forgive yourself. Ayusin mo na ang sarili mo. Muntik na kitang hindi nakilala. You look miserable. you should shave you face. Magpagupit ka din.” payo ko sa kaniya. Dahil mahaba na ang kaniyang mustache at buhok. Nagmatured lalo ang kaniyang itsura. “I came here para sana pag-usapan ang mga conjugal property natin. Can you sell the land and the condo that we bought? And the house retain it I will not get anything in that house. That will be yours.” sabi ko sa kaniya. “I already asked my lawyer regarding that matter. Pinalipat ko na lahat sa pangalan mo lahat ng mga nabili natin and the house sa’yo ko din ipinangalan.” “No I don’t want to get the house and I want to sell all our property except the house. Ikaw ang bahala kung ibebenta mo o hindi.” “sa’yo na lahat ng property natin nailipat ko na sa pangalan mo.” “But I want it to divide it into two. Ayoko naman na kunin lahat. Kunin mo ang parte mo at gamitin mo din ito sa kung ano man ang kailangan mo. Magagamit mo ang pera para sa paguumpisa nating dalawa.” “ikaw ang bahala, I will talk to Attorney Alvarez regarding that matter.” “Thank you, you can contact me anytime kung may buyer na and ikaw na ang bahala sa prize. Babalik din ako sa Canada after two weeks. Kaya ikaw na ang bahala sa lahat.” “Sure balitaan kita kapag nagkausap na kami ni Attorney.” Nagtagal ang pag-uusap namin at madami kaming mga napag-usapan. Nagkapatawaran narin kami at ngayon mas naging magaan na ang sitwasyon sa aming dalawa parang nabunutan ako ng tinik ngayon na nagkausap kaming dalawa at ganun din daw siya. Nag-uumpisa na daw siyang magbago na huwag na daw siyang uminom mga isang buwan na daw niyang binabawasan ang pag-iinom at paninigarilyo. Nagumpisa daw na malulong siya sa alak at sigarilyo noong umalis ako. He realize all the mistakes that he did to me before. May session din daw siya every week sa isang therapist. One on one therapy ang ginagawa sa kaniya para sa depression na nangyari sa kaniya. Sabi ko sa kaniya naging ganun din ako dahil hindi ko nakayanan ang sakit. Nakakatulong daw sa kaniya ang mga ginagawa ng doctor sa kaniya narelieved daw siya sa mga payo ng doctor sa kaniya. Gusto pa daw ng kaniyang mommy na iparehab siya pero hindi na pinayagan ng kaniyang daddy. Nagorder narin siya ng lunch namin at habang kumakain kami ay parang bumalik kami noong mga college days namin. He used to joke around. Kinalimutan muna sandali ang naging problema namin at sana tuloy tuloy na. Nagreminisce kami ng mga nakaraan noong college days kami. Kung saan kami nagdedate at kapag kasama namin ang mga barkada niya. Pansin ko din na walang taong pumapasok dahil kanina pa kaming dalawa lang ang customer nila. Napatingin ako sa labas at parang naguusap si William at ang isang waiter. “I rent the whole place para makapag-usap tayo ng maayos.” saad niya sa akin ng mapansin niyang nagpalinga-linga ako. Noon ganito siya kapag gusto niya akong isurprise. Madami siyang pakulo noong college days na kami. “Excuse me po Sir. Someone wants to dine in here and he said he’s alone. Baka daw gusto niyong payagan siyang madine in dito? Naexplain ko po sa kaniya pero mapilit po siya. He said he knows the owner of this restaurant and the building. He is also the supplier of some of our products here.” mahabang paliwanag ng waiter. “Yeah he you can accept him but please dapat malayo sa amin. Thank you.” saad ni Michael at ngumiti pa siya. Talagang nagbago na yata siya dahil noon mainitin ang ulo niya. “thank you so much Sir dahil pumayag kayon” yumukong pa ang waiter at nagpasalamat. Pumasok narin si William at inassist ng isang waiter gusto pa niyang pumwesto sa malapit sa amin pero pinandilatan ko siya ng tingin. Makulit talaga ang lahi ng lalaking ito. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. “Sir baka po pwede sa kabilang dulo na lang po kayo.?” narinig ko pang sabi ng waiter sa kaniya at sumunod naman siya sa waiter at sa dulo nga siya umupo pero nakaharap siya sa akin at nginitian pa ako ng loko. “Do you know him?” tanong ni Michael habang naghihiwa ng steak na order niya. “Yeah, kapatid siya ni Claire and barkada din ni Marco yung may-ari ng hotel na ito.” sabi ko sa kaniya. “Aah ok, is that William?” tanong niya “Yup, do you know him?” “I don’t know him personally but I heard a lot of things about him.” sabi niya na naging seryoso na siya. Parang nagseselos na din siya. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at nagpatuloy na lang ako sa pagkain at paminsan-minsan at nagkwekwento din ako sa nangyari sa akin sa loob ng apat na taon. “I’m working now with Lance Vasquez, he is my boss. You know him right?” tanong ko sa kaniya. “Yes he is the rival of my cousin in his college days. Do you remember Ian? May gusto siyang babae noon pero yung girl hindi siya gusto at ang gusto ay si Lance. Tapos iniiwasan pa yata nitong si Lance yung babae dahil may ibang gusto itong si Lance.” “What’s the name of that girl?” tanong ko sa kaniya. “I think Isay or Isa? I ca’t remember.” sabi niya “Isa? I think I heard her name in Batangas when we are in the restaurant.” “I think Isa owns a restaurant. Yun ang huling nabanggit sa akin noon ni Ian sa akin. Pero good thing at may nakilala na siyang iba. Hindi na siya nagpakabaliw dun sa Isa na yun. Masaya na siya sa pamilya niya at may isang anak na sila. Siguro kung hindi tayo nagkahiwalay may mga anak narin tayo.” malungkot na saad niya at pinunasan ang kaniyang bibig saka uminom ng tubig. “Huwag na natin balikan ang mga pangit na nakaraan. Masaya na ako kung anong meron ako ngayon at sana ganun ka din. Hanapin mo kung ano ang makapagpapasaya sa’yo ngayon. Kung ano ang gusto mong gawin.”payo ko sa kanya. Natapos kami sa pagkain at nagpaalam narin ako sa kaniya. Humiling siya sa akin na kung pwede ay yakapin niya ako sa huling pagkakataon. Pumayag naman ako sa gusto niyang mangyari. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nanginginig pa ang kaniyang mga kamay na yumakap sa akin. “Baby I’m really sorry for everything. I hope you’ll find you’re happiness soon.” bulong niya sa akin ang kinintalan ako ng halik sa aking ulo. Hinayaan ko na lang siya sa kaniyang ginawa at naramdaman kong may tumulong luha sa kaniyang mga mata dahil may tumulong luha sa kaniyang mga mata. “Masaya ako at malungkot na nagkita tayo. Masaya ako dahil nakita ktia at napatawad mo na ako pero malungkot ako dahil sa mga ginawa ko sa’yo noon at nagsisisi ako kung bakit ko ginawa yun.” “Okay na tayo huwag na tayo bumalik sa nakaraan hayaan na lang natin na totally maghilom ang mga sugat ng ating mga puso. Kaya natin ito. Kapag may kaniya-kaniya ulit tayong pamilya ay sana magkita parin tayo…” saad ko sa kaniya. Bumitaw na ako sa yakapan namin at pagtingin ko sa dulo ng restaurant kung saan nakapwesto si William ay wala na siya, siguro ay bumalik na siya sa kaniyang sasakyan.” “Bye, take care.” sabi niya “Bye, ingat ka din pauwi.” sabi ko sa kaniya at lumabas na ako. Gumaan ang pakiramdam ko dahil ngkausap na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD