Pagkahatid sa akin ni Michael ay hindi na kami nag-ktia at nag-usap. Ipinadala nalang sa akin ni Michael ang mga papeles na kailangan para sa aming divorce.
Mahigit isang buwan bago ko natapos ang mga kailangan kong tapusin bago ako lumipad papuntang Canada. Sinabi ko narin sa parents ko na wala na kami ni Michael. Nalungkot sila dahil sa tagal namin ay sa hiwalayan din ang patungo. Siguro ganun talaga ang buhay. Hindi lahat ay ibibigay sayo.
Tinapos ko ang mga pending works ko at nagtrain narin ako ng papalit sa akin. Nalulungkot si Claire dahil matatagal na hindi kami magkikita. Nagtampo siya nung sinabi kong magreresign na ako at susunod na sa Canada sa pamilya ko. Nung unang sabi ko sa kanya ay hindi niya ako kinausap pero kalaunan ay naintindihan niya rin.
"friend baka naman makalimutan mo ako ha pag nasa Canada kana."
"friend anong silbi ng socmed kung hindi tayo magtatawagan, basta may oras."
"basta lagi ka tumawag ha, alam mo naman na always free ako."
"oo friend lagi kitang tatawagan"
"ok, ihahatid mo ba ako?"
"oo naman bakit sino ba maghahatid sayo? ang ex husband mo?"
"please don't say bad words"
"yeah yeah sorry"
"sabi mo yan ah, sa Linggo na pala ang flight mo"
Tumawag sa akin ang secretary ng aming big boss at pinapaakyat daw ako sa kanyang opisina
"Ms. Garcia tawag ka po ni Sir Jack." sabi sa akin ng secretary ni Sir Jack na si Ms. Maricar Ramos
"ok po"
Pagdating ko sa floor kung saan ang office ng aming CEO ay kinabahan ako bigla dahil pinatawag niya ako. Alam naman na niya na aalis na ako sa linggo and last day of work ko today siguro ay may sasabihin pa kaya siya sa akin.
"pasok kana po Maam sa loob kanina ka pa hinihintay ni Sir."
Kumatok muna ako bago pumasok.
"come in" sabi ng boss namin na nasa loob.
"Sir pinapatawag nyo daw po ako?"
"yes ms. Bea, have a seat" sabi niya sa akin at tinuro ang upuan na nasa harap ng kanyang mesa. Umupo ako sa kanang bahagi ng upuan.
"May sasabihin po ba kayo sir?"
"yes, may ibibigay ako sa'yo I know you'll be leaving this Sunday and I want to give you a token of appreciation. Dahil sa biglaan pagalis mo hindi na ako nakagawa ng meeting natin but please accept this." sabi niya sa akin sabay bigay sa isang maliit na box.
"naku thank you po sir"
"if you want to come back and work again you are still welcome."
"thank you po Sir sa pangunawa nyo sa akin kahit na ang dami kong absence of leave."
"I understand you're situation at pinaliwanag ni Claire sa akin."
Ngumiti lang ako sa kanya.
Nagpaalam na ako at nagpasalamat ulit sa Boss namin.
Pagkauwi ko ay sabay kami ni Claire na umuwi dahil magkalapit lang ang aming condo.
"maglunch and dinner tayo bukas last day na magkasama tayo bukas, mamimiss kita friend" malungkot na sabi niya sa akin sabay yakap.
"may videocall naman, ikaw talaga."
"I know pero iba parin talaga pag magkasama tayo."
Pagkatapos namin magpaalam sa isa't-isa ay bumaba na ako sa kanyang sasakyan at hinintay ko muna na makaalis na siya.
Pumasok na ako sa entrance ng Condo at umakyat na sa aking unit. Madami pa akong liligpitin na mga importanteng gamit.
Hindi ko na idadala ang ibang gamit ko dahil sobrang madami kung idadala ko lahat may mga naiwan pa nga akong ibang gamit sa bahay namin ni Michael.
Pag-iisipan ko kung kukunin ko din itong condo para in case na umuwi kami ng pamilya ko at magbakasyon ay may matutuluyan kami.
Sinabihan ko na si Claire na iiwan ko nalang ang gamit ko dito sa condo at magbabayad nalang ako ng monthly rental para sa mga gamit ko. Hindi ko pa talaga alam ang aking plano sa buhay. Basta ang gusto ko ay kasama ang aking pamilya sa ngayon.
Nailigpit ko na ang aking mga gamit kaya kampante ako na lumabas ngayon kasama si Claire.
Pagkatapos namin kumain sa labas ni Claire ay sumaglit muna sa isang na Bar af nagpalipas ngbilang oras doon.
"I will miss you friend, I wish you will find true happpiness sa pupuntahan mo."
"thank you friend" umuwi na kami pagkatpos namin magdinner sa labas at hindi na kami naglibot dahil maaga ang alis ko kinabukasan. Ihahatid daw niya ako kaya kampante ako na para bukas.
Kinabukasan ay maaga siyang dumating kasama ang kaniyang kuya William. Nahihiya ako dahil hindi niya nabanggit sa akin na dalawa silang maghahatid.
"Friend thank you sa paghatid sa akin." naiiyak kong paalam sa kanya at niyakap ko siya.
nagpasalamat din ako kay William.
"mag-iingat ka doon and please move forward and be happy. I wish next time I see you are smiling." nakangiti niyang sabi sa akin.
At nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at pumasok na ako sa loob ng airport.
Pagdating ko sa boarding area ay pinakawalan ko na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Nasa may dulo ako na upuan at wala akong katabi. Nagulat nalang ako ng may tumabi sa akin ay pagkakita ko sa kanya ay katatapos niya ding umiyak.
Nagkakilala kami at pareho kaming aalis dito sa bansa para makapagmove on. Moving on for the better and we will find our happiness in our new journey.
Aileen is such a strong woman. She recommended me sa dati niyang manliligaw and now they are good friends. Mabait siya and nagtutulungan kami. She found out na buntis siya noong una ay natatakot siya but as day past by naging ok narin siya and she accepted the blessing.
After four years ay naisipan namin na magbakasyon pero si Aileen ay uuwi at doon siya magsisimula ulit. Pero ako hindi ko pa alam. Dahil tuwing naiisip ko ang dating asawa ko ay nasasaktan parin ako.
Lagi kong tinatanong kung nakapamove on na ba ako? sapat na ba ang apat na taon para masabi nakapag move on na ako? Sa tuwing uuwi ako galing work ay I still make mgself busy dahil kung hindi ay lagi ko maiisip ang aking ex husband. Minsan ay I baked cakes kapag may time pero minsan ay pinupuntahan ko sila Aileen sa kanilang bahay at makikipaglaro sa mga anak niya.
Minsan naman ay nagoovertime ako sa work.
"Hi! are you prepared na sa pag-uwi natin?" tanong ko kay Aileen. Nandito ako ngayon sa bahay nila.
"Yes, Iam." sagot niya sa akin.
"What if magkita kayo? Ipapakilala mo ba ang mga anak mo sa kaniya?"
"I don't know yet pero sana hindi ko muna siya makita. Ikaw it's been four years. Wala ka bang balak na magmove forward. It's time for you to find your happiness."
"I dont know,siguro I need to see him and forgive him totally to free myself from the past. The past is still haunting me." malungkot kong sabi sa kanya.
"why? why are you letting yourself to be in that box and hiding what you feel. yes, Im still not move on sa pagmamahal ko sa ama ng mga anak ko but I need to be strong for myself and for my babies. I don't want to be look pity sa mata ng iba at lalong lalo na sa mga anak ko. I need to fight my own self para maging matatag ako and look at me now, yes I'm not totally heal or totally happy but I'm happy for what I have. Maybe it's time for you to be out of that box and find yourself hindi yung sa office and bahay at dito sa bahay namin umiikot ang mundo mo. You need a total vacation."
"You think so?"
"Yes naman kaya sana magextend ka pag-uwi natin."
"I will try, don't forget kasama natin ang boss ko." natatawa niyang sabi.
"magresign kana sa kanya at doon na lang tayo sa Pilipinas. Baka doon mo mahanap si Mr. Right mo." natatawang sabi sa akin ni Aileen.
"mars nakabili kana ba ng mga pasalubong mo?"
"hindi pa nga eh, ikaw mars?"
"same tayo, do you wanna go shopping? remember may friends tayong mga naiwan doon lalong lalo kana at alam kong matagal kang nagblock ng mga soc med mo so you need pasalubong for them."
"Ok kailan tayo magshop?"
"Hmm maybe sunday?"
"ok set na natin yan."
Madami pa kami napagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin for the past years na nandito kami sa Canada. Lumipat sila ng bahay malapit sa amin kaya madalas na nagpupunta ako dito sa bahay nila dahil isang block lang kami.
Nagpaalam na ako sa kaniya at sa mga anak niya dahil late narin.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil ngayon maaga ang meeting ng boss ko sa isang client niya. May mga client kami na gustong manligaw pero kapag nagbibigay na sila ng motive ay sinusungitan ko na sila. Mahirap masaktan at mahirap mag move on.
"My wala kang pasok?" tanong ko sa mommy ko dahil nakapangbahay lang siya.
"Night shift ako anak." sabi niya sa akin.
"aah ok, anyway we already have a ticket going to PH ayaw mo ba talagang sumama?"
"anak alangan naman iwan ko ang daddy mo dito."
"well bahala kayo."
"kailan ka ba magkakapamilya ulit? I want a grandchild na anak. para may maalagaan naman kami, and you're not getting any younger."
"aahmmm I don't know my wala pa ako nakikita."
"walang nakikita o sinarado mo na ang puso mo sa mga lalaki?"
"my naman ang aga aga yan an topic mo."
"because lagi mo parin siya iniisip"
"hindi na my."
"hindi na nga ba? eh bakit minsan umiiyak ka parin."
natahimik ako sa sinabi ni mommy sa akin.
"I have to go my at may meeting si Lance ngayon sa isang big client niya."
"ok, you take care."
"Yes I will you too my!"
Maaga akong nakarating sa office, wala pang masyadong empleyado na pumapasok.
"good morning Ma'am"bati sa akin ng isang guard.
"Good morning Henry"bati ko naman pabalik sa kanya. At nagderederetso na ako sa office table ko malapit sa table ni Lance.
Inayos ko muna ang mga papeles sa table ko bago pumunta sa table ni Lance para ayusin ang mga gamit niya at ilagay ang mga papers na kailangan niya for the meeting.
"Good morning Sir.Coffee?"
"Good morning Bea, yes please."
Pagkalapag ko sa ginawa kong kape niya ay sinimulan kong idiscuss sa kanya ang nakaschedule sa kanya ngayong araw na ito. routine na namin ito. And maayos ang naging trabaho ko dito at naging good friends narin kami dahil kay Aileen. Minsan akala ng ibang kaofficemates ko ay may relasyon kami ni Lance pero purely boss lang ang turing ko sa kaniya. May mga babae na pumupunta dito siguro mga babae at kung minsan pinagtatakpan ko pa siya. May mga modelo pa siyang nakakarelasyon. Naku buti na lang at hindi siya sinagot ni Aileen noon dahil babaero pala ang lalaking ito, pero infairness mabait naman, kaya nagkakasundo kaming dalawa. Pareho kami mindset, it's all about work work and work.
"Did you prepare the files that I need in my meeting today?"
"yes sir!" sabi ko sa kanya.
"ok that's all." sabi niya at lumabas na ako sa kanyang opisina.
"haaay natapos na naman ang isang araw. I survive again, congrats self." bulong ko sa aking sarli.
Nakita ako ni Lance na nagaayos na ng aking mga gamit at siya ay malamang pauwi narin or should I say papunta na naman ito sa bar.
"hindi ka pa uuwi? tanong niya sa akin.
"pauwi narin inaayos ko lang ang mga gamit ko. I remember don't forget na uuwi tayo next next week so you better fix your things at hindi yung puro laman ka ng bar." paalala ko sa kanya.
"yeah, thanks for reminding me. Sige na alis na ako at manenermon ka na naman. kahit laman ako ng bar naging loyal ako noon" habol pa niyang sabi sa akin.
"hmmp." nasabi ko nalang sa kanya.
Pero bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa mga inaanak ko dahil bumili ako ng pasalubong para sa kanila.
"Good evening titaninang" bati nila sa akin at inabot ko sa kanila ang donut na dala ko para sa kanila. Ang sarap siguro ng may anak. Binigyan nila ako ng tig-isang kiss sa magkabilang pisngi ko, nakakatuwa at ang lambing nilang pareho pero mas malambing si Josh at si Jacob naman kapag hindi niya kilala ay masungit siya.
Tuwang tuwa sila sa binigay ko dahil isa ito sa mga favorite nilang kainin.
"where's your nanay?"
"she's in her room fixing her clothes."
"ok, I will go to her."
Pagdating sa kwarto ni Aileen ay nakita kong nag-aayos na nga siya ng mga iuuwi niyang mga gamit.
"ready to face your enelove?" tanong ko sa kanya.
"anong enelove ang pinagsasabi mo diyan.? natatawa niyang sagot sa akin.
Napangiti ako sa sinabi ko sa kanya.
"enelove enemy at the same time ay love mo."
"Oh gosh Bea kung anu ano ang pinagsasabi mo diyan."
"here's you one way ticket, pwede pa magbago ang isip mo sabihin mo lang sa akin." sabi ko sa kanya at inabot na sa kanya ang ticket nilang mag-iina.
"loka ka talaga, bakit excited ka ba na umuwi?"
"not sure, siguro dahil magkikita kami ni Claire haaay."
"well sa akin ang dami kong mga extra extra baggage na dala pag-uwi ko." at umupo siya sa edge ng kanyang kama.
"kaya mo yan at alam kong maiintindihan nila kung bakit ka hindi nagparamdam sa kanila. four years is not that long."
"yeah four years is not that long pero ang four years ay four years medyo matagal din ako nagtagao sa kanila."
"be happy at uuwi ka at alam kong sa pag-uwi mo ay may chance na makukumpleto ang pangarap mo doon."
"baliw ka talaga, anong nakain mo at ganiyan ka magsalita?"
"sabi mo lumabas ako sa lungga ko? ito ako ganito ako dati. you're right I need to be happy for myself tama na ang pag-iisp tungkol sa kaniya at baka nakamove on na siya sa akin, pero alam ko naman na matagal na dahil kung hindi ay hindi niya sisirain ang aming pamilya."
"Amen."
"tama na nga yan ayoko na siyang isipin nasa finish line na ako ng pag-iisip sa kanya kay move forward na tayo, no looking back na sa feelings ko sa kaniya."
"tama!" sabi naman niya. Alam kong sasangayon siya sa akin dahil nakamove on na daw siya.