Chapter 6

1421 Words
Nasa mall kaming dalawa at tumitingin na kami ng mga pasalubong niya at pasalubong ko kay Claire at sa family niya. Well apat lang naman ang bibilhan ko siya ang mommy, daddy at ang kuya niya. Kumusta na kaya siya, nakapag-asawa na kaya siya? Pero baka hindi dahil wala naman nababanggit sa akin si Claire. At hindi rin namin napag-uusapan ang tungkol sa kaniya. "Look ito nalang kaya ang ibigay ko sa kaniya? What do you think? Maganda diba?" tanong niya sa akin sa hawak niyang bag na MK "oo maganda kung sa tingin mo gusto niya yan eh di yan nalang ang bilhin mo." "oo ito nalang at ito isa naman para kay Kyla." Bumili din siya ng mga pasalubong para sa mga kasama nila sa bahay at sa nag-asikaso daw sa kaniyang bahay na si Wil, silang dalawa lang ang nag-uusap ni Lance tungkol sa pinagawa niya bahay dahil maaalala ko lang ang mga nakaraan namin ng ex "husband ko. Memories na mahirap ilet go pero ngayon I'm willing to let go na four years is long enough for me. I need myself to stand on my own na. "ay ito rin sa akin tiyak magugustuhan ito ng mommy ni Claire at ito rin kay Claire." sabi ko sa bag napinakita ko sa kanya. At pumunta narin kami sa men's section at doon nagtingin tingin. "kain muna tayo before tayo umuwi? grabe napagod ako sa kakaikot natin." "oo nga eh, tara kain na tayo."sabi naman ni Aileen. Habang nasa isang Italian restaurant kami ay may nakakita sa akin na isang kakilala." "Bea? is that you?" "Yes?" sabi ko at hindi ko maalala kung saan ko siya nakilala. "It's me Meghan, Michael's cousin remember?" "aaah yeah I remember you, I'm sorry hindi kita nakilala kaagad grabe ang tagal na nung huli tayong nagkita." "yup, I'm sorry sa ginawa ng cousin ko." hinging paumanhin niya "nakamove on na ako sa chapter ng buhay ko na yun, anyway who's with you?" tanong ko sa kanya. "I'm with mom sana pero hindi daw siya makakapunta." sabi niya sa akin. "you can join us, by the way this is my friend Aileen, Aileen si Meghan."Pagpapakilala ko sa kanila "Hi!" bati nila sa isa't isa at nagshake hands pa sila. Tinawag ko ang waiter at nagpaadd na kami ng food para kay Meghan. "So kumusta kana?" tanong sa akin ni Meghan. "I could say I'm perfectly fine now, nandiyan lagi ang mga kaibigan ko to support me. Especially Aileen laging nandiyan to cheer me up. how about you kumusta? dito ka din ba nakabase?" sagot ko sa kanya. "No ate, im just having my vacation here with mom dahil she's meeting a client dito pero ewan ko kung anong oras siya matatapos. Nakacheck in kami sa hotel at naiwan ako dun kanina." "Buti at lumabas ka nagkita tuloy tayo." "true ate nabagot kasi ako sa hotel kaya naisipan kong kumain at magikot ikot." Nagkwentuhan pa kami sa mga ganap sa aming mga buhay buhay. Hanggang sa napagpasiyahan namin na umuwi na. "Hello Mars ready ka na ba?" tanong sa akin ni Aileen sa kabilang linya. Ngayon na ang araw ng alis namin at susunduin niya ako dito sa bahay. Ihahatid sila ng mommy at daddy niya. "Yes mars ready to go na ako.Ikaw ba? ready to meet na siya hahaha?" "heeeh magtigil ka nga kahapon ka pa, ano ba nangyari sayo at ganiyan ka na?" "I changed for the better." sabi ko sa kaniya. "ok that's better kesa magmukmok ka lang." sabi naman niya sa akin. Umuwi kami ng Pilipinas kasama ko sila Lance and Aileen with her kids. "babies welcome to Philippine!!" sigaw ko ng nasa labas na kami sa airport at idinipa ko pa ang aking mga braso. Masaya ang mga anak ni Aileen dahil madami silang makikita dito. Si Lance ay tulak tulak ang troley na naglalaman ng aming mga maleta. Huminto si Lance at nakita na daw niya ang sasakyan na magsusundo sa amin. Lumabas ang lalaki na driver nito. At nagulat ako dahil si William ang driver ng Montero. Hindi ko naisip na magkakilala sila ni William dahil hindi na ako nagtatanong kapag may mga transactions siya na nasa Philippines. Nakatulala ako dahil sa gulat at bumalik lang ako sa aking sarili nun niyugyog na ako ni Josh "Titaninang what's wrong why you look horified?" at niyugnog pa niya ang kamay ko. "h-huh" gulat king sabi sabay tingin sa kaniya. "titaninang you looked tensed." "no, no I'm not." sabi ko kay Josh at hinila ko na siya at nauna na kaming pumasok sa gitna. At sumunod narin sila Aileen sa akin at tinanong kung bakit ako natataranta. "Wala friend I feel tired lang kaya nauna na kami ni Josh."paliwanag ko kay Aileen. "Ok" sabi niya at natahimik narin kami dahil pumasok na ang dalawa. Ipinakilala kami ni Lance sa kaniya at nauna ko ng ipinakilala ang aking sarili dahil ayaw kong malaman nila na magkakilala kami. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa bahay na pinagawa ni Aileen. Ang ganda at sobrang organized kahit ang mga gamit. May mga nakadisplay na sa bahay kaya hindi na kailangan na maglagay pa si Aileen. Umakayat na si Aileen at si Marco sa taas pero nagpaiwan ako dito sa baba. Biglang lumabas si Claire sa kusina at siya pala ang ngpreprepare ng pagkain. "Bea?" tanong niya sa akin at siya ang nakapansin sa akin. "Claire friend kumusta?" at nagyakapan kami. "This is a surprise magkakilala pala kayo nila Lance?" tanong ko sa kaniya. "Yes barkada niya si kuya, kahit na mas matanda si Kuya sa kaniya ng dalawang taon ay naging magbabarkada sila. Actually ang barkada ni kuya ay ang nakakatandang kapatid nito na si Kuya Laurence." paliwanag niya. "Aww what a small world." sabi ko naman at nagkwentuhan na lang kami habang hinihintay sila. "So wala ka na bang balak na subukan ulit na magtrabaho dito?" "Actually gusto ni Aileen na umuwi na din ako for good kasi gusto niyang magput up ng accounting firm niya." "Why don't you try? Siguro naman nakamoved on ka na?" "Yes I am, but I have a job at nakakahiya naman kay Lance kung iiwan ko na lang siya ng basta-basta." "Naku maiintindihan ka niyan." "I will try to think about it, pero siguro babalik muna ako and clear things out. I also need to talk to my parents about it." "It's been so long you need a new beginning friend. Why don't you open your heart again to someone. Malay mo nasa tabi-tabi lang pala ang the one mo. "Yeah I think so, but ayoko muna pumasok sa isang relasyon at mahirap na at baka masaktan ulit ako." "Friend pain is part of a relationship pero yung sayo nagpakamartir ka. Harap harapan kang niloko pero you keep on forgiving him before." "That's called love. Forgiving is part of a relationship." "Yes, I agree pero yung harapan at paulit ulit t**g* na ang tawag mo dun." "Naku huwag na nga tayo magpakaffected sa past ko. Nakamoved on na nga ako di ba. I'm already healed from the pain. At strong person na ako ngayon." ""Oo nga dapat kalimutan na natin ang mga ganoong tao. Negative ang dala lang niya sa buhay mo. Hanap ka ng positive vibes. Gaya niyan! Pero matapang at dati kagaya mo din na tat*ng* t*ng*."Turo niya sa kuya niyang pababa sa hagdan kasama ni Aileen at Lance. "Haay naku are you planning to be a cupid? Ano magpapalit ka naba ng career mo?" "Naku i loved too basta kayong dalawa ang magkatuluyan. Gusto ko yun at I want you to be my sister in law na rin" "Huwag ka ngang ganiyan nakakahiya sa kuya mo!" Naiinis kong tugon sa kaniya. "Pero masarap yan magmahal, di ba kuya? oo ka na lang huwag ka ng kumontra." nakataas ang kilay niyang sabi sa kaniyang kapatid. "Oo na lang." sabi naman ni William sa kanya at pailing iling. Habang nagkakainan kami ay tahimik na lang ako at parang nahiya ako kay William dahil alam kong hindi ko siya pinansin kanina at hindi ko rin nasabi kina Lance at Aileen na kakilala ko na si William. Madami silang napag-usapana at paminsan minsan lang ako sumasali sa kanila. At hindi nagtagal ay nagpa-alam narin sila sa amin. "Mars magpahinga kana at alam kong napagod ka din sa biyahe." sabi sa akin ni Aileen. "Oo mars ikaw din magpahinga." saad ko sa kaniya. Umakyat na din ako sa taas upang magpahinga na at baka bukas ay aalis din kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD