NAPALUNOK muna ng laway si Desiree bago sinagot nito ng tuluyan ang asawa na agad tumabi sa kanya mula sofa na kinauupuan.
"K-kasi hon, m-may gumapang kasi n-na ipis sa floor..."
"A-akala ko kung ano na, okay ka lang ba?Namumutla ka honey. Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?"Sunod-sunod na pagtatanong nito kay Desiree. Marahan nitong hinaplos-haplos ang buhok ng babae.
Kita niya ang pagtango nito at matipid na pagngiti. Pinakiramdam ni Desiree ang tiyan ng mapagtanto niyang umokay na ang pakiramdam niya.
"Sige na honey, mauna na ko sa silid natin. Iidlip muna ko, napagod kasi ako kanina ng magpunta ako sa salon."Hindi na hinayaan ni Desiree na sumagot si Guiller. Dire-diretso na siyang tumayo at naglakad papasok sa silid nilang mag-asawa. Hindi na niya pinagkaabalahan pansinin si Ezekiel na nanatiling nakatitig sa kanya.
Nang maisarado ni Desiree ang pinto ay doon lamang umimik si Ezekiel.
"Sige Guiller mauna na ako, alalayan mo na lang si Des."bilin pa ng binata, pinagkukuha na niya ang mga gamit na nasa lamesa.
"Oo naman, obligasyon kong alagaan at pangalagaan ang asawa ko. Lalo sa mga bagay na makakasakit sa kanya,"malamig na turan ni Guiller na nakatingin sa likod ni Ezekiel.
Lihim niyang ikinuyom ang magkabilang kamao. Grabeng pagseselos ang naramdaman niya ng makita ang ayos ng dalawa. Lalo na kung paano titigan ni Ezekiel ang asawa niya.
Sa totoo lang ay matagal na niyang napapansin na may kakaiba sa tingin ni Ezekiel kay Desiree. Noong una palang niya ito nakita, ngunit ipinagwalang-bahala na lamang niya iyon dahil mabait naman ang pakikitungo ng binatang doctor sa kanya at kay Desiree.
Ngunit habang tumatagal ay unti-unting nag-iiba ang pananaw niya.
Nang bumaling ang pansin ni Ezekiel kay Guiller ay nginitian na lang niya ito. Kahit nahalata na niyang tila may laman ang sinabi nito.
"Alam ko naman iyon, sige I have to go..."Tinapik-tapik pa ni Ezekiel ang balikat ni Guiller.
Nang makalabas siya sa unit nina Desiree ay matagal munang tumayo roon si Ezekiel. Sa mga sandaling iyon ay nakabuo na siya ng desisyon.
Kahit sa labag sa loob ay kakailangan niyang itigil ang nasimulan.
Nagahapo siyang naglakad paalis. Sa bawat paghakbang niya palayo sa unit ng babaeng minamahal ay tila naiwan naman doon ang puso niyang patuloy na umaasang maangkin ito...
"AYOS ka lang talaga honey?"pangungulit ni Guiller kay Desiree. Tuluyan itong napaupo sa tabi ng kama nila.
"Oo naman honey, m-medyo nanigas lang ang tiyan ko."maya-maya ay tuluyan pag-amin niya.
"Nextime honey ay pwedi mo naman i-cancel ang session niyo ni Doc Abenedi. S-saka honey, pwedi next time ay huwag ng ganyan ang suot mo kapag pumupunta rito si E-Ezekiel,"nagseselos na saad ni Guiller.
"Sobrang init kasi sa labas honey, kaya nagpalit ako ng pambahay,"alabi ni Desiree na nanatiling nakapikit at nakatalikod sa asawa.
"Ayaw ko lang na may nakakakitang ibang lalaki ng katawan mo hon, sana maintindihan mo..."patuloy ni Guiller.
"Sige honey, maari mo na ba akong iwanan. Gusto kong magpahinga,"pagtataboy ni Desiree.
"Okay hon, gisingin na lamang kita mamaya para sa dinner."sagot pa ni Guiller.
Nang hindi sumagot ang asawa ay isang halik na lang sa may sentido ang ginawa niya.
Mahal na mahal niya ito, walang sino man ang pweding makaagaw kay Desiree sa kanya. Kahit si Ezekiel ay hindi papayagan nito. Dahil noon pa man ay alam na niyang anak ito ng babaeng legal na asawa ng walang-hiya niyang ama na si Rodel.
Ayaw niyang isipin totoo ang mga sinabi ng ina niya kanina ng magpunta ito sa kumpaniyang pinapasukan. Na ang pakikipaglapit ni Ezekiel ay kasama sa pagganti nito sa ginawang pagkakamali ng Nanay niya dati.
"Hinding-hindi ko hahayaan na maagaw mo ang asawa ko. Sirain mo ang binuo kong pamilya, hindi siya sa'yo. Ako ang pinakasalan kaya akin lang siya Ezekiel..."malamig na anas ni Guiller matapos niyang maisarado ang pinto.
Nagmulat naman ng mata si Desiree ng maramdaman niya ang pagtunog ng caller alert tone ng smart phone niya.
Biglang tumahip ang excitement sa dibdib ni Desiree nang makita niya mula sa screen ng hawak na aparato ang pangalan ni Ezekiel na kasalukuyan tumatawag. Hindi na siya nagdalawang-isip na sagutin iyon.
"H-hello Des... Sweetheart,"may hatid na pagsuyo ang nahimigan ni Desiree sa tono sa tinig ni Ezekiel.
"B-bakit ka napatawag?"tanong niya. Pinilit niyang langkapan ng kalamigan ang boses niya. Ayaw niyang mahalata ng binata na tense na tense siya. Para sa kanya ay bagay lamang iyon. May atraso ito, masama pa rin ang loob niya sa ginawang pagsigaw nito sa kanya kanina. Lalo na ang tila gusto pa nitong kuhanin ang anak niya sa kanya.
Bigla ay nag-alala siya sa kalagayan ng anak. Sa mga susunod na araw ay pupuntahan niya ito.
"Gusto ko lang mag-sorry sa inasta ko kanina. I didn't mean to shout you, hindi na mauulit iyon..."sabi pa ng binata mula sa kabilang linya.
"S-salamat at sana hindi ka na mangulit na alamin kung nasaan a-ang bata."sabi pa niya.
Mahabang patlang muna ang nagdaan bago muling madinig ni Desiree ang tinig ni Ezekiel akala niya'y nawala na ito sa kabilang linya.
"Hindi sa ngayon sweetheart, in the meantime ay ang pagbubuntis mo ang isipin mo. Ingatan mo lagi ang sarili mo..."
Hindi mabatid ni Desiree ang kabang rumaan sa dibdib niya.
Hanggang sa tuluyan na ngang pinatay ni Ezekiel ang tawag.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong iyan pare?"si Nickolai.
Dumiretso kasi si Ezekiel sa opisina ng huli, sakto naman naabutan niya pa ito roon.
"Oo naman,"sagot pa ng binata muli niyang ininom ang tangan na baso na naglalaman ng mamahaling alak.
"Mabuti naman nagising ka na sa katotohanan na walang kahihinatnan ng mga pinaggagawa mo sa buhay nina Desiree."maya-maya'y nasabi ni Nickolai na nanatili ang pansin sa mga papeles na nasa desk nito at busy na binabasa ang mga ito.
"The least I can do for now Nikz,"nasabi ni Ezekiel upang bumaling muli ang atensyon ni Nickolai dito.
"What do you mean?"
"Hindi naman ako ganoon kasama na isakapalaran ang kalagayan ni Desiree sa pansarili kong motibo. Ina siya ng anak ko, ang babaeng mahal ko. Kaya kong manahimik, maghintay ng tamang pagkakataon. Pero hindi magiging dahilan iyon para bitawan ko siya, balewalain ang lahat ng mga nabuo kong plano. Sa pagbabalik ko mas higit pa roon ang mangyayari..."seryusong sagot nito.
"Anong ibig mong sabihin? w-wait, so sasabay ka na sa flight ko pabalik ng America?"usisa ni Nickolai na ibanalik muli ang pansin sa pinipirmahan.
"Yes, marami akong aasikasuhin doon nasabi ni lola na may problema sa isang factory doon. Saka ako babalik dito, titiyakin kong makukuha ko na ang mag-ina ko kay Guiller... sinisiguro ko iyan Nikz. Hindi ko mapapayagan na hayaan mawala pa si Desiree, katulad ng ginawa ko 5 years ago."
Hindi makapaniwalang napatitig si Nickolai sa matalik na kaibigan. Wala na siyang masabi sa kung ano man binabalak pa nito sa kasalukuyan.