CHAPTER SEVENTEEN

1112 Words
ONE YEAR LATER... AGAD nagbeso-beso si Jaime at Desiree. Matagal-tagal din ng huling nabisita ng una ito dahil sa pagkakalipat nito sa Cebu dahil sa trabaho. "Kumusta na mare? Oh! Wow! malalaki na sila huh!"Galak na usal ni Jaime habang pinaglipat-lipat nito sa kambal na lalaki na anak ni Desiree na pawang nakaupo sa baby chair. "Sinabi mo pa ngayon three months old na sila,"nakangiting pagmamalaki nito. "Nakakatuwa naman kamukhang-kamukha mo sila mare!"Saka nito pinanggigilan ang pisngi ng dalawang bata na sabay pang napahagikhik. "So ikaw kailan mo balak magpakasal? Nasaan pala si June, ba't parang hindi mo siya kasama ngayon?"Usisa ni Desiree na agad kinuha si Darren ang panganay niyang anak sa kambal. Habang si Warren ay kinuha naman ng bestfriend niya. Lantaran naman ang pagsimangot ni Jaime. "Oh bakit ganyan ang mukha mo parang nakakain ka ng ampalaya sa itsura mo huh,"kantiyaw ni Desiree sa nakikitang mapait na ekspresyon sa mukha ng kaibigan. Agad na silang naupo sa upuang bakante, malayo sa mga bisitang umattend sa binyag ng kambal na anak ni Desiree. "Tinanong mo pa kasi Mare, limot na limot ko na nga iyong tao eh!"Himutok ni Jaime na agad umalsa ang mood. Pero muli rin siyang ngumiti ng tuluyan hawak-hawakan ni Warren ang mukha nito. "Bakit ano ba ang nangyari?"patuloy na pagtatanong ni Desiree. "Ayun! nawala, akala ko nga noong una ay baka napano na. Iyon pala, may iba na siyang tinutuhog sa opisina nila. Kakainis! kung alam mo lang mare gabeng sakit ang naranasan ko rati..."naghihinakit na saad ni Jaime. Gulat na gulat naman si Desiree sa nalaman akala niya in good term ang bestfriend at ang long time boyfriend neto ngunit maling-mali pala siya. "Eh bakit hindi mo man lang ipinaalam mare? di'ba bestfriend tayo?" "Buntis ka kaya Des, ayaw ko naman na pati ikaw ay abalahin ko pa at madagdagan ko pa ang mga isipin mo. Kaya ayun pinabayaan ko na lang sarilinin ang lahat..."pagkwe-kwento pa ni Jaime. Nagpatango-tango naman si Desiree, nginitian na lang niya ito. Dito siya bilib e kahit sobrang hirap na ng pinagdadaanan nito ay never itong sumuko. "Ikaw anong balita sa'yo? Bukod siyempre dito sa dalawa mong junakis. Si Zedrick, kumusta na pala ang batang iyon? malaki na siguro iyon ano. Limang taon na rin ang nakararaan."tukoy ni Jaime sa anak nila ni Ezekiel. "Oo nga, bibong-bibo. N-naasikaso naman siya nina Lola Devina at Lolo Marcelino eh. Hindi naman ako nagmimintis sa pagdalaw sa kanya..."wika ni Desiree. "Oh kailan mo ba balak ipakilala siya sa asawa mo? Nasaan pala ang lalaking iyon?"Pagtatanong ni Jaime na luminga-linga pa. "Nasa may pool area ang mga iyon mare, nag-iinuman kasama ng office mate niya,"agad na sabi ni Desiree. Gusto sana niyang ikwento rito ang nalaman na ang lalaking nakialam ng katawan niya dati sa may private resort ng boss niyang si Nickolai ay si Ezekiel. Ngunit naisip ni Desiree na marami pa namang ibang araw na maari niyang i-open ang paksa roon. "Ah ganoon ba, tara doon baka may single at yummy na katrabahong pwedi kong asawain!"Hagikhik ni Jaime. Natawa na rin si Desiree na pati ang mag bitbit nilang bata ay nakitawa rin. Wala na siyang magawa ng tuluyan tumayo at naglakad nga papunta sa may pool si Jaime. Malapit na sila sa mga ito ng biglang tumigil sa paglalakad ang bestfriend Desiree. "Oh bakit natigilan ka riyan mare?"Takang-tanong niya. Hindi na niya hinintay na sumagot ito dahil tuluyan na niyang tinignan ang direksyon kung saan nakahayon ang atensyon ni Jaime . Napaawang ang bibig ni Desiree ng makita niya kung paano sumandig si Guiller at amoy-amoyin nito ang leeg ng babaeng kaopisina nito na si Melissa na tila gustong-gusto naman ang pinaggagawa ng mister niya! Hindi pa siya nakahuma ay dali-dali na ngang naglakad palapit ang bestfriend niya sa kinaroroonan ng mga ito. "Huwag mo kong pigilan mare!"sigaw bigla ni Jaime at kahit hawak pa nito sa isang kamay si Warren ay matagumpay pa rin na nasabunutan nito ang babaeng nagpapalandi sa asawa ni Desiree. "Grabe! Ang kapal ng mukha mong babae ka para lumandi sa asawa ng may asawa!"Hysterical na banat ni Jaime na patuloy sa pananabot kay Melissa. Dali-daling lumapit si Laila ang Mama ni Desiree upang kuhanin si Warren. Lalo pang nanggalaiti ang bestfriend niya ng makuha na nga ng tuluyan ng ginang ang bata. "Hey! stop it! sino kaba? Bakit ikaw ba ang asawa aber?"Mataray na sabi ni Melissa na nagpapalag sa pananabot ni Jaime. "Ahy! Ang kapal mo miss pasawsaw! Syempre hindi! Dahil kung ako talaga ang asawa niyang si Guiller ay wala ka ng mukhang maihaharap dahil titiyakin kong manghihiram ka ng mukha ng aso!" Nagulat na lamang sila ng biglang ilayo at itulak ni Guiller si Jaime. Maski si Desiree na nagulat ay mabilis na lumapit sa kinaroroonan nito. "Guiller! bakit mo naman ginawa 'yan kay Jaime! Bestfriend at ninang siya ng mga anak mo!"Hindi makapaniwalang bulalas ni Desiree. "I'm sorry n-nabigla lang ako."si Guiller. "Nabibigla?Wow naman kumpareng Guiller! so ang paglalandian niyo nitong babaeng ito hindi mo sinasadiya?"sarkatiskong dagdag ni Jaime. "Problema mo, may binubulong lang ako kay Melissa napakamalisyosa mo naman. Magkatrabaho lang kami,"katwiran ni Guiller. "Totoo ba 'yun Des?"tanong ni Jaime na hindi pa rin naniniwala sa sinabi ng asawa ng bestfriend niya. Tumango naman si Desiree pagkaraan ang ilang sandali. Hindi umimik si Jaime, naglakad na ito palayo ngunit isang matalim na tingin muna ang iniwan ng dalaga kay Guiller at Melissa. Dali-dali naman sinundan ni Desiree ang bestfriend niya matapos niyang mailagay sa babychair si Darren ang mama na muna niya ang nagbantay sa kambal. "Sandali! Jaime! Mare!"Habol ni Desiree. Malapit na ito sa sariling kotse ng tuluyan niyang maabot ang braso ni Jaime. "Ano Des, matapos mo kong ilaglag sa ere ay susunod-sunod ka? My God Desiree! lantaran ka na ngang niluluko ng asawa mo pinapabayaan mo lang,"pangaral Jaime sa kaibigan. "H-hindi naman sa ganoon mare, b-baka nagkamali lang talaga tayo. T-tara na bumalik na tayo sa party, hindi ka pa nakakain,"puno ng pagpapasensyang saad ni Desiree. Ngunit mabilis na binawi ni Jaime ang braso na hawak-hawak ng kaibigan. "Ayaw ko, nawalan na ako ng gana. Pero sana mare, gumising ka sa pagbulag-bulagan mo! Kung dati kinukunsinti ko ang mga katangahan at desisyon mo sa buhay ay iba na ngayon. May mga anak ka na Des, matuto ka naman manindigan at ipaglaban ang karapatan mo bilang babae at asawa..."Matapos iyon ay nagdudumali ng pumasok sa loob ng kotse si Jaime. Wala ng nagawa si Desiree ng paandarin iyon nito. Habang si Desiree ay naiwan naman na nasasaktan ang loob sa huling pag-uusap nila ng bestfriend niya. Dahil totoo naman ito, panahon na siguro para ipaglaban niya ang karapatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD