CHAPTER TWENTY FOUR

1472 Words
KAHIT may nangyaring kaunting aberya sa pagpunta nila roon ay hindi naman nasira ng tuluyan niyon ang magandang momentum nila habang nililibot ang buong bahay. "H-hindi namin aakalain ni Lola Devina mo na ganito kaganda ang ipinatayo mong bahay para sa Lola mo Ofen."Si Lolo Marcelino. "Oo nga Manang, ang layo ng iginanda nito kaysa noon. Nagtaka nga ako, kasi lagi kaming napapadaan dito dati. Ang dugyot-dugyot pa ng ilog sa tabi nito. Pero kita mo, sobrang linis at napakalinaw na ng tubig. Hindi ako magtataka kung may nabubuhay ng isda diyan,"singit naman ni Lola Devina. Napakamot naman ng ulo si Ezekiel. Ngunit tuluyan din naman niya sinagot ang mga tanong. "Matagal ko po kasing pinag-isipan ho. Nasa America pa lang po ako ay plinaplano ko na ang pagtatayo ng malaking bahay para kay Lola Ofen. A-at tama po kayo, kumuha po ako ng mga tao para maglinis ng ilog. Mayroon din naman po akong kakilala na nagta-trabaho sa sea reef marine kaya ayun paunti-unti ang dating patay na ilog ay nagka-buhay muli,"mahabang salaysay ni Ezekiel tuluyang napangiti ng maluwang si Desiree ng sumulyap ito sa kanya. Hindi niya aakalain na ganito kalaki ang pangarap ng binata sa pamilya nito. Lalo siyang napapabilib nito kung gaano nito bigyan halaga ang mga taong nakapalibot dito. Alam niyang mapapabuti na ang anak niya sakali. Matapos pa ang ilang pag-uusap mula sa roof top ay napag-pasiyahan na nilang umuwi. Sa tabi na ng binata si Desiree naupo. Dahil sa kapaguran ay tuluyan nakatulog si Zedrick sa kandungan niya. Nakakalahati na sila mula sa biyahe ng umimik si Ezekiel sa tabi niya. "S-salamat Desiree at pumayag kang sumama. Nag-enjoy ka ba?"tanong ng binata na nanatili ang tingin mula sa harap. Bigla ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Desiree ng maalala niya ang eksena nila sa kusina. "Ah Okay lang, ayos lang Kiel."Parang nakalulon siya ng buto ng santol dahil halos hirap siyang nabigkas iyon. "S-sana next time na bumalik ka ay makapasyal sana tayo ulit doon,"dagdag pa ni Ezekiel. "Titignan ko,"tugon niya. Hindi niya alam kong mapapayagan pa niya ang sariling bumalik sa bahay nito na sila lang dalawa, baka hindi na niya kayang magpigil ay bumigay na siya rito. "Don't worry relax sweetheart, isasama naman natin si Zedrick."Kita ni Desiree ang pagkindat nito at tila nahulaan nito ang tumatakbo sa isipan niya. Hahampasin na sana niya ito ng bigla ay nagpreno ito. Mabuti na lamang at nakaseat-belt siya. Medyo umungol lang naman si Zedrick ngunit nanatili pa rin mahimbing ang tulog ng bata. "Ano ba Kiel, muntik na akong sumubsub sa harapan oh!"inis na bwelta ni Desiree. I-cheneck ng dalaga ang mga matatanda. Maayos naman ang mga 'tu. Ang muling pagbaling ni Desiree kay Ezekiel ay napigil. Dahil kitang-kita ni Desiree si Guiller na nakatayo sa tabi ng bintanang katabi. Nagulat pa si Desiree ng katukin ni Guiller ang bintana. Kung kanina ay wala siyang makitang reaction dito, ngayon ay kitang-kita niya ang galit sa mukha ng asawa. Nang tuluyan siyang makababa ay naglakad na si Guiller hanggang sa kotse nito. "Pumasok ka na Des,"mando ni Guiller na hindi man lang siya tinatapunan ng pansin. "G-Guiller, maari bang pumasok ka muna sa loob. S-sina Lola naghihintay sila,"nakikiusap ang tinig ni Desiree. "Kung hindi lang nakakahiya sa Lola at Lolo mo'y hindi kita pagbibigyan,"malamig nitong sabi. Pagkatapos ay napadako ang tingin ng lalaki sa bit-bit niyang si Zedrick na nagising na. Marahan pa nitong kinusut-kusot ang magkabilang mata. Halos lumabas ang puso ni Desiree sa sumunod na sinabi ng anak. "Mama, sino po siya?"takang-tanong ni Zedrick na itinuro pa si Guiller. Kitang-kita niya ang pagkuyom ng kamao ng asawa. "Ibigay mo muna siya sa akin Des, mag-usap muna kayo."Si Ezekiel na nakatitig din kay Guiller na madilim na madilim pa rin ang mukha ng mga sandaling iyon. Nang makaalis si Ezekiel ay tuluyan nitong idineretso sa silid nila ang bata. "M-maupo ka muna, i-ikukuha lamang kita ng maiinom,"ani ni Desiree. Ngunit patayo pa lang siya ay agad ng nagsalita si Guiller. "Huwag ka ng mag-abala Des, gusto kong mag-usap tayo ngayon. Sabihin mo nga ang totoo, kaano-ano mo ang batang iyon na tumawag sa iyo ng Mama?" Huminga muna ng malalim si Desiree saka niya tuluyan sinagot ito. "I'm sorry Guiller, pero tama ang narinig mo anak ko siya. Ang pangalan niya ay Zed---". "Tama na, wala akong pakialam sa pangalan ng anak mo. Pero how dare you Des na ilihim sa akin ang lahat ng ito? Sa halos dalawang taon na pagsasama natin. Wala kang kabalak-balak na sabihin na may anak kana pala?"napapantastikuhan na saad ni Guiller. Hindi maitanggi na sobra itong nasaktan ng labis sa paglilihim ni Desiree. Tuluyan naman iniiwas ng babae ang pansin. Hindi niya makayang makipagtitigan rito ng matagal. "A-ano pa ba ang mga hindi mo sinasabi sa akin huh! Ano pang inililihim mo sa akin. Ngayon pa lang ay sabihin mo na ang lahat-lahat. Alam mo Des, ayaw na ayaw ko pa naman na pinagmumukha akong tanga at alam mong alam mo`yan!"halos matulig si Desiree sa lakas ng boses ni Guiller. Nagpipigil na siyang mapaiyak. "S-sorry h-hindi ko sinabi agad. D-dahil natakot ako n-na baka hindi mo matanggap na may anak na ako. N-na nadisgrasya ako."Dahil doon ay tuluyan napahagulhol si Desiree. Masakit na masakit sa kanya ang kumpontrasyon na iyon. Pero kailangan na niyang harapin iyon, dahil ngayon ay gusto na niyang panindigan ang anak na si Zedrick. Gusto na niyang ipaalam sa kung sino man ito sa buhay niya. Dahil ayaw niya na kinukwestiyon ang pagiging ina niya sa panganay na anak. "Please calm down Guiller, walang kasalanan si Desiree dito,"biglang pamamagitan ni Ezekiel. Dahil sa ginawa ng huli ay inisang hakbang ni Guiller ang pagitan nila nito. Walang pasintabi na kinuwelyuhan nito si Ezekiel. "Hayop ka! Sino ka ba para makialam sa usapan namin mag-asawa, huh!"bulyaw ni Guiller. "A-ako ang ama ni Zedrick, Guiller,"diretsong sagot ni Ezekiel. Nagtagis ang ngipin ni Guiller. Tuluyan niyang binitiwan ang manggas ng damit nito. "Ah ganoon, kaya matapang ka. Bakit? A-akala mo maagaw mo ang asawa ko sa akin dahil sa may anak kayo? Puwes! Kahit na kailan ay hindi ko siya ibibigay sa'yo! Tara na Des, naghihintay na sina Darren at Warren sa apartment!"asik ni Guiller. Pero bago pa siya mahila ay mahigpit naman na siyang nahawakan sa braso ni Ezekiel. "Papayag lang ako na umalis si Desiree, kung hahayaan mong dalaw-dalawin niya ang anak namin dito,"seryusong sambit ni Ezekiel na titig na titig kay Guiller. "Paano kong hindi ako pumayag, may magagawa ka ba?"Galit na sagot ni Guiller. Nagsukatan ng tingin ang dalawa sa mga sandaling iyon. Hanggang sa... "Pwedi ba tumigil na kayo, tama na! Guiller sasama ako pauwi. But, please g-gusto kong madalaw-dalaw ang anak ko rito kina Lola. K-kung mahal mo talaga ako, pakiusap respetuhin mo ang mga kagustuhan ko bilang ina ng mga anak mo,"matatag na saad ni Desiree. Mayamaya'y tuluyan binitiwan siya ni Guiller. Tila nahimasmasan na rin ito. "S-sige na payag na ako, pwedi ka ng magpaalam sa bata. Hintayin na lang kita sa kotse,"pagpayag ni Guiller. Dahil sa katuwaan ay nayakap ni Desiree ang asawa. "Thank you! Thank you Honey!"hindi mapigilan bulalas ni Desiree. "Alam mong hindi kita kayang tiisin hon,"mababa na ang tinig ni Guiller na nakatitig naman kay Ezekiel na biglang iniiwas ang pansin sa kanila. Matapos silang magyakap ay dali-daling pumasok si Desiree sa loob ng silid nilang mag-ina. Naiwan naman si Ezekiel at Guiller sa sala ng mga sandaling iyon. "Kung ako sa'yo Doc Abenedi ay layu-layuan mo ang asawa ko. Hindi ba't noon pa kita sinabihan?"walang patumangging imik ni Guiller. "Ginagawa ko naman iyan Guiller, ngunit hindi mo ba nahahalata. Na ang tadhana na mismo ang naglalapit sa amin ng asawa mo,"mapang-uyam na baling naman ni Ezekiel. "Aba makapal ka ngang talaga ano! asawa na nga ng iba pero pilit mong inaari. Ganyan ka na ba kadesperado."Naiiling at natatawang patutsada ni Guiller. "Baka iyang ipinapalandakan mong pag-aari mo'y bigla humulas sa'yo ingat-ingat ka rin sa pagsasalita." "Hinding-hindi mo maagaw ang asawa ko. Mamatay muna ako bago siya mapasayo!"bulyaw ni Guiller. Tuluyan itong napatayo. Hindi na sumagot si Ezekiel, ngunit sa paraan ng pagkakatitig ng binata kay Guiller ay nakuha niya ang gustong iparating sa kanya ng binatang Doctor. Kaya upang magngitngit lalo ang kaloob-looban ni Guiller mabilis nitong tinalikuran si Ezekiel pagkatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD