KAHIT wala sa mood ay napilitan sumama si Desiree sa bahay na ipinagawa ni Ezekiel para kay Lola Ofen. Ang sasakyan ng binata ang ginamit nila.
Nakakalong si Zedrick sa kanya, habang ang tatlong matanda ay katabi niya. Si Anette ay nakipag-unahan kasi sa pag-upo sa may harap sa tabi ng driver seat kung saan nakaupo naman si Ezekiel. Pinabayaan na lang din niya iyon. Wala naman dahilan para magprotesta siya.
Mukha naman gustong-gusto din naman ni Ezekiel na katabi ang kababata niya. Sabagay, hindi na niya kokontrahin kung isang araw ay magkaigihan at magkatuluyan ang dalawa.
Parehas na single ang mga ito. Maganda at nanggaling sa mabuting pamilya si Anette. Pagkatapos mag-aral ng kolehiyo ito at nakapagtapos ng Educational Major in English ay agad itong nakapasok sa paaralan mismo rito sa Bayan ng Salvation.
Patuloy lamang nagdadaldal si Zedrick na ipinagpasalamat ni Desiree para ang lahat ay matuon ang pansin rito. Mabilis niyang ipinukol ang atensyon sa labas ng bintana ng sasakiyan ng binata ng mapansin niya ang sweet na sweet na pag-uusap ni Anette at Ezekiel. Nakagat niya ang labi at pilit na ibinabaling ang isip sa mga nadadaanan nila.
Parang nilalakumos kasi ang puso niya sa isipin na nagkakaigihan na ang dalawa. Habang siya hinihiling niyang magkamabutihan ang dalawa pero sobrang sakit naman epekto ang dulot ng isipin na iyon sa kanya.
MATAPOS na maiparada ni Ezekiel ang sasakiyan mula sa labas ay dali-dali na niyang sinususian ang gate.
Nang mabuksan iyon ay inaya na niyang bumaba ang mga kasama. Kitang-kita ang pagkamangha sa mukha ni Lola Ofen. Maging sina Lola Devina at Lolo Marcelino ay ganoon din naman.
"Wow Tito Ezekiel! Ang laki-laki ng bahay niyo ni Lola Ofen!"Manghang papuri ng batang si Zedrick.
"Sinabi mo pa apo, aba at parang mansyon na ang laki ng bahay na ito? Kailan niyo ba balak na lumipat dito ng Lola mo?"tanong naman ni Devina habang pinapasadaan ng tingin ang kabuuan ng sala na una nilang pinasok.
"Oo nga naman, sayang naman ang ganda nitong bahay na ito kung hindi natitirhan, baka pamahayan ng mga multo."Ayon naman ni Marcelino.
"Everyweek naman po ay bibisitahin ko ho ito,"sagot na lamang ni Ezekiel.
"Sa laki ng bahay ay tiyak kong mahihirapan si Ofen sa paglilinis dito. Kailan ka ba mag-aasawa at para may makatulong si Manang dito."Maya-maya'y nasabi ni Aleng Devina na sinipat-sipat pa ang babasaging flower base na nakalagay sa may matarik na hagdan papunta sa second floor.
"Hayaan niyo meron naman po akong pinapapunta dito na caretaker para maglinis,"sagot niya.
"Eh, kung bakit ba kasi maghahanap ka pa. Narito naman ako Ezekiel,"pagpaparinig naman ni Anette na umabrisiyete pa sa lalaki.
Kitang-kita ni Desiree ang matipid na pagngiti ni Ezekiel.
"Ah,excuse me saan pala ang kusina Kiel. Meron naman siguro mga stock food diyan, gutom na kasi itong si Zedrick,"agaw-pansin ni Desiree.
"Ah oo, sige ahmmm Anne pwedi pabantay kay Zedrick para masamahan ko si Desiree sa may kusina,"paghingi ng pabor na saad ni Ezekiel.
Dali-dali naman kinuha ng dalaga ang bata. Hinayaan na nilang magpunta sa may garden si Zedrick dahil may ipinagawa palang mini playground doon si Ezekiel ayon na rin sa plano niya.
Dire-diretso ng naghalungkat si Desiree sa ref na naroon pagkarating nila sa kusina. As her expectation ay katulad ng living room ay ganoon din naman ang kitchen room, fully furnished na iyon. Napa-wow na rin si Desiree dahil napakahightech na rin ng halos kagamitan roon.
"Oh, bakit hindi ka pa bumalik doon. kaya ko na ito, dalhin ko na lang ito mamaya kapag tapos na."Akala niya kasi ay umalis na ang binata. Ngunit ng lingunin niya ang papasok ng kusina ay naroon pala ito at mataman pinapanuod siya sa ginagawa niyang pagpre-pre-para ng mamemeryenda.
"Why you'll always like that Des, ang hirap mo naman basahin,"seryusong bulong ni Ezekiel.
"Ano bang pinagsasabi mo, umalis ka na nga rito. Doon ka na kay Anette!"Hindi na maiwasan ni Desiree na magtaas ng tinig. Inis pa rin siya sa nakikitang ka-sweetan kanina ng dalawa!
Bigla siyang nanigas ng maramdaman niya ang paglapit at pagyakap sa kanya mula sa likuran ng binata.
"Pwedi ba Kiel, lumayo ka nga baka may makakita sa atin ay kung ano pang isipin sa ating dalawa,"kinakabahan anas ni Desiree. Ngunit sa kabilang banda ay labis na nasisiyahan ang loob ni Desiree sa pagkakalapit ng katawan nilang dalawa ng binata.
"I don't care, hayaan mo sila sa iisipan nila. Just tell me a honest answer do you like me also Des?"tanong ni Ezekiel sa kanya ng sapilitan siyang iharap ng binata. Amoy na amoy tuloy ni Desiree ang swabeng hininga nito na pumaypay sa mukha niya.
Agad niyang iniiwas ang pansin, ngunit muli iyon ibinaling ni Ezekiel gamit ang sariling kamay nito.
"Please answer my question or else..."
"Ano? Anong gagawen mo? Pwedi ba kung laro lang sa'yo ito tama na dahil ayaw ko na maging kumplikado----".
Ngunit hindi na natapos ni Desiree ang mga sasabihin dahil tuluyan ng sinakop ng labi ni Ezekiel ang bibig niya.
Imbes na itulak palayo ni Desiree ito ay tila tuluyan naglaho ang lahat ng katinuan sa utak ni Desiree.
Sa totoo lang sobrang inasam ng dalaga na mahalikan siyang muli ng binata.
"OoooHhh Des, I miss this..."anas ni Ezekiel na patuloy lang sa paghalik sa labi niya.
Ipinikit na ni Desiree ang mata ng tuluyan bumaba at dumadampi sa leeg niya ang labi nito. Maging ang marahas na paglamas ng palad ng binata sa dalawang dibdib ni Desiree ay ramdam na ramdam niya.
Halos manginig ang binti ni Desiree ng tuluyan sapuin ng palad ni Ezekiel ang gitnang bahagi nito. Kagat-kagat na rin ng babae ang ibabang labi upang hindi kumawala ang ungol sa labi niya.
Halos nanguyapit at napasandig na siya sa katawan ni Ezekiel ng maramdaman niya ang pagsilid ng palad ng binata paloob sa suot-suot niyang jogging pants.
"Sweetheart your so wet, c-can I enter you?"Halos wala na sa sarili si Ezekiel na ibulong iyon sa gilid ng tainga ni Desiree. Ramdam niya ang patuloy na pagsagi ng gitnang daliri nito sa hiwa niya na basang-basa na.
Ang gagawin sanang pagtango ni Desiree ay biglang napigil ng makarinig sila ng papalapit na yabag. kasabay niyon ang pagtatawag sa pangalan niya. Mabilis pa sa alas-kwatrong naghiwalay sila.
Kahit nanginginig pa dahil sa naganap sa pagitan nila ay minabuti nang salubungin ni Ezekiel ang anak nila na kapapasok pa lamang sa kusina. Habang siya ay dali-daling naghalungkat sa fridge.
"Tapos ka na diyan?"Biglang wika ni Anette na nasa tabi na pala niya. Kamuntik pa niyang mailaglag ang basong hawak sa
kabiglaan.
"Ah o-oo p-pwedi mo ng dalhin iyang iba,"sagot ni Desiree na agad nag-iwas ng pansin kay Anette.
Hindi tuloy maiwasan kabahan ni Desiree sa ipinukol na kakaibang tingin ng kababata.
Hanggang sa buhatin na nga nito ang tray na pinaglalagiyan ng mga meryenda.
"Kakaunti pala ito eh, kataka-taka lang na antagal mong magprepare Bes. Oh, baka naman kasi iba ang inaasikaso niyo ni Ezekiel."Parunggit nito.
Hindi magawang sagutin ni Desiree iyon, dahil nagsasabi naman ito ng totoo. kung hindi pa dumating ang anak niya at ito`y tiyak saan na sila tinangay ng kapasukan nila ng binata.
"Anette,ahhh kasi kwan."Hindi alam ni Desiree kung ano ang dapat sabihin sa kasama.
"Ano ide-deny mo, totoo nga ang sabi ni Nanay. Ang isang katulad mong disgrasiyada wala talagang kahihiyan! Pamilyado ka na ngang tao nanlalaki ka pa! Ang kapal-kapal mo rin dahil sa lalaking nagustuhan ko pa mandin! Kaya pala kung makapagsalita ka tungkol kay Ezekiel akala ko pa mandin ay ako ang prinoprotektahan mo. Iyon pala---pok-pok ka Des!"Gigil nitong panlilibak sa kanya.
"Hey! stop that! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang ina ng anak ko at ang babaeng mahal ko!"Madilim ang mukha na pagtatanggol ni Ezekiel rito.
"Ano bang sinasabi mo iho?"tanong ni Marcelino na pinaglipat-lipat pa ang tingin sa apo nitong si Desiree na niyakap na ni Ezekiel.
"Ngayon pa lang po hinihingi ko na ng patawad ang lahat Lo, a-ako po k-kasi ang nakabuntis kay Desiree dati. A-ako po ang tunay na ama ni Zedrick,"matatag na siwalat ni Ezekiel.
"Huh?!"Sabay-sabay pang saad ng tatlo.
"T-talaga po, ikaw po ang real Papa ko?"Biglang sabat ni Zedrick na nagtatakbo sa direksyon ni Ezekiel. Tuluyan naman lumuhod ang binata.
"Yes Zeki, iho. Ako nga ang ama mo..."
Isang mahigpit na yakap ang pinagsaluhan nilang tatlo. Habang ang tatlong matanda ay bumalik na sa sala, nabibigla man si Devina at Marcelino ay hinayaan na muna nila ang tatlo.
Habang si Anette naman ay tuluyan ng nagpaalam na uuwi na lang. Mukhang nabad trip talaga ito sa mga nalaman.