CHAPTER TWENTY TWO

1220 Words
HINDI aakalain ni Desiree na aabot ng tatlong araw ang bagyo sa lugar nila. Nang lumabas siya ng bahay ay kitang-kita niya ang grabeng naging dulot nito. Naroon ang ilang nagsintumbaan ng mga punong kahoy. Ilang naputol na wire ng kuryenti kaya upang sa tatlong araw na nakaraan na walang elektrisidad. "Mukhang bukas ka pa makaluluwas pa Maynila?"Ang biglang pag-imik ni Ezekiel mula sa tabi niya. "Sinabi mo pa, nakakatakot naman bumiyahe na sanga-sanga pa ang kalat sa highway."explain ng babae. Bumalik na ito sa lamesa upang ipagpatuloy ang almusal, buhat sa pagkakasilip sa may pinto. Sa mga lumipas na tatlong araw ay natuwa naman si Desiree kay Ezekiel. Wala siyang masabi rito, ito kasi ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan nila sa loob ng pamamahay. "Siguro naman mamayang hapon kapag naalis na ng mga taga Barangay ang mga kalat sa daan ay makasama ka sa pagbisita ng bahay na ipinatayo ko?"Nakangiting pagtatanong muli ni Ezekiel. Upang mabaling muli ang pansin ni Desiree rito. "Sige okay lang naman,"ayon na niya. "Yes!"Naiumang pa nito mula sa ere ang kamao sa labis na katuwaan sa sinabi nito. "Happy si Tito Zeck,"nagtatawang sabat naman ni Zedrick na patuloy lamang sa pagkain ng noodles na nasa maliit na mangkok. Naiiling na lang na napapangiti si Desiree. "Bilisan niyo na at para mailigpit ko ito at ng makapagwalis ako sa labas ng bakuran,"wika ni Desiree. Patapos na sila sa pagkain ng pumasok ang kababata niyang si Anette. Automatikong naalis ang masiglang mood ni Desiree pagkakita rito. "Magandang umaga sa lahat! Heto dinalhan kita ng Champorado Doc Ezekiel,"Paunang bati ni Anette pagkalapag nito ng mangkok sa lamesa na dala-dala nito. "Hindi mo naman kailangan na dalhin ako ng pagkain araw-araw Anette,"pagkuwa`y tugon ni Ezekiel. "Ayos lang gusto ko naman eh, katulad ng pagkagusto ko sa'yo."Diretsang sabi nito sa lalaki. Agad iniiwas ni Desiree ang pansin, pasimple niyang pinagkukuha ang mga mangkok na kinainan nila para hugasan mula sa lababo. Nakita na niyang nagtatakbo papunta sa sala si Zedrick, narinig kasi nito ang pagdating ng Lola Devina at Lolo Marcelino niya. Nakasimangot siya habang patuloy na naghuhugas. Paano ba kasi kahit hindi siya tumingin sa kinaroroonan ni Ezekiel at ni Anette ay tiyak niyang nakadikit na naman ang huli rito. "Sige na kainin mo na itong niluto kong champorado, da best iyan dito sa San Salvation. Baka kapag natikman mo hanap-hanapin mo."Kasabay niyon ay malandi nitong hagikhik. Napairap si Desiree, kitang-kita kasi niya kung paano hawak-hawakan sa may braso ni Anette ang binata nang pasimple niyang sulyapan ang mga ito. Padabog tuloy niyang inilagay ang hinugasan sa lagayan. Mabuti na lamang at plastic ang mga ito. Kung `di tiyak nagkadabasag-basag na iyon. "Sige mamaya na lang Anne, nabusog na kasi ako sa kinain ko."maginoong pagtanggi ni Ezekiel ng akmang susubuan pa siya ng babae. Sa tatlong araw na lumipas ay madalas na nagpupunta roon si Anette, lalo ng malaman nito na magtatagal sa pagtuloy doon ang binatang si Ezekiel. "Sige labas lang ako,"pag-e-excuse ni Ezekiel. "Sige Doc, wait kita!"Sabay niyon ang pagkindat pa ni Anette sa binata. Nang makaalis ito ay dali-daling lumapit si Anette kay Desiree. "Bes! Kinikilig talaga ako kay Ezekiel. Ang gwapo-gwapo kasi talaga!"Halos mangisay na ito sa kilig. "Ah oo, gwapo talaga iyan. Huwag ka ngang pahalata."Wala namang ganang tugon niya. Pakialam nito kung masyado ang sarkasmo sa tono ng boses niya. "May girlfriend na kaya siya?"Patuloy nito na sinundan pa siya habang pinupunasan niya ang lamesa. "H-hindi ko alam,"tugon ni Desiree. Malay ba niya kung meron. Wala naman naikwe-kwento ang lalaki kung may kasalukuyan itong karelasyon. "Owww! Sayang naman kung meron, willing ko na siyang sagutin ng matamis kong oo sakali na ligawan niya ako, eh!"Pabebe pang saad ni Anette na nag-beautiful eyes pa pagkatapos. Kulang na lang ay sabunutan niya ito sa lantaran pagsasalita nito ng ganoon sa lalaki. Lihim na nairap ni Desiree ang mga mata. "Loka ka! uy grabe ka. Hinay-hinay naman. Dapat may renda ka pa rin, dalagang Pilipina ka okay!"Sambot niya. "Eh bakit ba, magpapakipot pa ba ako kung ganyan na kagwapo Des! Ano kaba, nasa edad na ako. Mukha naman matino si Doc Abenedi."Naiiling na lang ni Desiree ang ulo ng makita niyang nangalumbaba pa si Anette sa lamesa. Kitang- kita sa itsura nito ang tila pangangarap ng gising sa binatang Doctor. "Bahala kana nga diyan, basta pinapaalalahanan lang kita."inis ng sabi ni Desiree. Tuluyan na niyang tinalikuran ito ng makita niyang papasok sa may pinto si Ezekiel. Kitang-kita niya ang pagngitian ng dalawa na tila wala siya roon! Dali-dali na siyang pumasok sa silid na tinutulugan nilang mag-ina. Walang pabalang na isinara niya ng malakas ang pinto, badtrip siya. Napadako ang pansin ni Desiree sa banig na nakalatag sa ibaba ng kanilang katre. Magmula ng unang araw na dumating siya roon ay doon na rin natutulog si Ezekiel sa silid nilang mag-ina. Hindi niya maintindihan pero lihim siyang umaasam na may mangyari sa kanila ni Ezekiel sa tatlong araw na lumipas na nasa iisang silid lang silang natutulog ng binata. "Ano ang gusto mong mangyari Desiree? Ang galawin ka ni Ezekiel sa mismong silid na ito na kasama pa ang anak niyo?"Piping akusa ng isang bahagi ng utak niya. Nanghihina siyang napaupo sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob na mag-isip ng romansa sa pagitan nila ni Ezekiel. Hindi niya alam kung para saan ang pakiramdam na bumabalot sa kanya sa tuwing maiisip niyang wala silang chance na maging sila nito. Nag-umpisa lang naman kasi iyon ng hindi niya sinasadiya ay marinig niya ang pag-uusap ni Lola Ofen at ni Ezekiel. Dinig na dinig niya kung paano umamin ang binata sa harapan ng Lola nito. Na may lihim pala itong nararamdaman sa kanya. Imbes na magalit, matakot at mabigla sa mga narinig. Tila nasiyahan pa siya. Ang malala, parehas sila ng nadarama nito. Sa bigat ng nararamdaman ay hindi na napigilan ni Desiree na maiyak sa sobrang pagka-frustated. Oo sa tingin niya'y nadedevelop na siya sa ama ni Zedrick, pero pamilyado na siya. Ayaw niyang mabihiran ng padalos-dalos na pasya ang gagawin niya dahil nakasalalay doon ang buong buhay niya hindi lang iyon pati kinabukasan ng mga anak niya. "Are you okay?"Biglang tanong ni Ezekiel ng makapasok ito sa silid at makita siyang nag-iiyak. Agad na iniiwas ni Desiree ang mukha rito, marahas niya rin pinalis ang mga luhang nag-uunahan sa magkabilang pisngi niya. "C'mon sweetheart tell me, anong problema?N-nagseselos ka ba pagdikit-dikit sa akin ni Anette?"Ang narinig ni Desiree sa naaliw na tinig ng binata. Akala ni Desiree namali lang siya ng dinig pero ng tumingin siya sa gawi nito ay kitang-kita niya ang nakakalukong ngiti sa labi ng binata. "Kapal mo! Hindi huh! Asa ka!"Pagde-deny niya. Kahit na anong mangyari ay hinding-hindi siya aamin sa nararamdaman rito. "Ganoon, talaga? bakit ka umiiyak? Namimiss mo na ang kambal? O... s-si Guiller. Miss mo na ba ang asawa mo,"mababanaag sa tono ng boses ni Ezekiel ang kapaitan sa mga binanggit na pangungusap. Hindi naman umimik si Desiree. Pinanindigan na niyang ito ang dahilan kung bakit siya umiiyak. "Akala ko pa naman dahil nagseselos ka, na nagkakagusto ka na rin sa akin. Pero maling-mali yata talaga ako, ang sakit lang umasa na hindi mo talaga ako magugustuhan,"malungkot na ani ni Ezekiel na iniwan siyang natutulala sa mga sandaling lumipas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD