SA mga sandaling iyon ay pinauna na siyang pinalabas ni Ezekiel mula sa silid nilang mag-ina.
Dumiretso na siya sa may sala kung saan malayang naglalaro ang anak nilang si Zeki.
"Kumusta ang tulog mo iha?"Tanong agad ni Lola Ofen na siyang naratnan niyang nagbabantay sa bata.
"A-ayos lang po ako Lola,"sagot niya. Bahagiyang natigilan ang matanda sa tinuran ni Desiree. Maya-maya`y kusa nitong ibinuka ang kamay na tila minamanduhan siyang yumakap.
Ginawa naman ni Desiree iyon.
"S-salamat iha, kahit paano ay napatawad mo ang apo ko. S-sana hindi mo ipagkait sa amin dalawa na makasama si Zedrick,"bulong ng matanda na nangilid pa ang luha sa magkabilang mata.
"O-opo makakaasa po kayo La,"tugon naman ni Desiree.
"Bakit po umiiyak si Lola?"Ang nagtatakang pagtatanong ni Zedrick matapos itong makalapit sa kanila.
"Wala ito apo, napuwing lang ako. Sige diyan na muna kayo at magsasaing na ako, baka gabihin sina Devina at Marcelino.
"Bakit po saan ho sila nagpunta?"Usisa ni Desiree.
"Sa ospital ng Bayan iha, nagpa-check sa puso si Lino. Halla! Sige baka magblock out, eh hindi na maluto iyong bigas sa rice cooker kapag nagkataon."Matapos sagutin ng matanda iyon ay nagdudumali na itong naglakad papasok ng kusina.
Gusto pa sanang magtanong ni Desiree ng tungkol sa kalagayan ni Lolo Marcelino, hindi niya kasi alam na may iniinda pala itong karamdaman. Wala rin kasing nababanggit ang Mama niya, sabagay paano ito malalaman ng ina kung tinitikis nito ang sariling mga magulang na hindi yata niya kayang gawin rito.
Ipinagpaliban na lamang niya ang pagtatanong sa tunay na kalagayan ng Lolo Marcelino niya. Tama rin naman ang Lola ni Ezekiel, baka maputol ang linya ng kuryenti, dahil sa malakas na ihip ng hangin. Halos magsayaw ang ibang kalakip na ibang punong kahoy sa labas. Dinig ni Desiree ang kalampag niyon sa bubungan. Sumilip siya sa bintana mag-a-alas-sais pa lang ay kalat na ang dilim mula sa labas.
Matipid naman nangiti si Desiree pagkakita kay Ezekiel na iniaabot pa ang laruan na pinapakuha ng anak nila.
Sa salitang nabanggit ay patuloy na nagbibigay ng kaiga-igayang pakiramdam sa babae iyon. Masama man isipin na kahit asawa na siya ng iba ay naroon ang kabilang dako sa isipan ni Desiree na nangangarap ng magandang bukas kasama ang anak niyang si Zedrick sa ama nito.
"Hindi ka ba naiinip?"Tanong ni Ezekiel maya-maya pagkatapos niyang tumabi sa pag-upo ng binata.
"Ayos lang naman ako, nakakarelax nga kasi ang buhay probinsiya. Hindi katulad sa Manila parang hindi natutulog ang mga tao roon,"share niya.
Nakaupo lang naman silang dalawa sa pasadiyang upuan na gawa sa kawayang ratan. Ninanam-nam nilang parehas ang panunuod sa abalang paglalaro ni Zedrick.
"Hanggang kailan ka pala rito?"Muling pagtatanong ni Ezekiel.
"Baka bukas ng tanghali ay pauwi na rin ako, hindi kasi pweding maiwan ng matagal sina Darren at Warren kina Mama. Ahmm eh, ikaw hanggang kailan balak mo mag-stay rito kina Lola?"Naitanong ni Desiree. Bahagiya niya lamang binalingan ito ng pansin, agad niya rin iniiwas ang pagkakatitig niya rito dahil naaasiwa siya sa sulyap nito.
"In the meantime ay dito muna ako, wala naman kaso kung matagalan ako rito. May mga tao naman akong mapagkakatiwalaan sa mga business na naiwan ko sa Manila. I can also ask favor through phone call si Nickolai. May ibang plano ako at kasali ka roon."
Bigla naman nangunot ang noo ni Desiree sa tinuran ni Ezekiel.
"Huh? A-anong plano? Halla siya, baka iba iyan."Naiiling niyang wika.
"Sweetheart kung ano man ang iniisipi mong kakaiba diyan.Dismissed it, iyong dati kasi na tinitirahan na dampa nina Mama Dhalia. Pinatayuan ko na i ng malaking bahay, hinihintay ko lang bumalik si Lola Ofen doon. kaso, ayaw na niyang iwan sina Lola Devi at Lino, naiintindihan ko naman iyon. Mas nasanay na siya rito kasama si Zeki. Sana maikunsidera mo bago ka sana bumalik sa Maynila na mapasyalan mo iyon kasama ka at ng anak natin."
"B-bakit pa kailangan ng approval ko huh, aber?"Taka niyang tanong pero deep in side kinikilig siya.
Bigla na lang nanigas at awtomatikong nag-iba ang ritmo ng puso niya. Tila ba biglang may nagtatakbuhan mga kabayo roon. Amoy na amoy niya tuloy ang sugo perfume na paborito yata nitong ipinapabango.
Kapag nagka-oras siya ay dadaan siya sa pamilihan ng pabango sa pinakamalapit na mall sa kanila at iyon mismo ang ipapagamit niya sa asawa. Swabe kasing amuyin ang pabango na gamit ni Ezekiel. Habang ang gamit ng asawa niya ay sobrang tapang ang amoy.
"Siyempre, ina ka ng anak ko. Alam mo Des, hindi ka na iba sa akin. Tandaan mo iyan, you can count on me kapag may kakailanganin ka,"patuloy nito. Halos hindi humihinga si Desiree sa pagkakadikit nilang iyon ni Ezekiel. Para na siyang timang sa pagkakangiti niyang iyon.
Maya-maya ay bigla na lang bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Kaya upang mapa-igtad si Desiree at mapalayo sa katabing lalaki.
Hanggang sa bigla ay nagdilim ang buong kabahayanan. Maski saan man dako ng lugar na malapit sa kanila ay ganoon din naman.
"Mama! May mumu!"Nahihintatakutang sigaw ni Zedrick na nagtatakbo sa kanilang direksyon. Agad itong niyakap ni Desiree. Nag-iiyak ito at halos takot na takot sa mga sandaling lumipas.
Kasabay naman ng paglabas ni Lola Ofen sa may kusina, habang tangan-tangan nito ang lampara na may sisidlan ng apoy.
"Diyos ko mga apo, mukhang may paparating na bagyo,"ani ng matanda.
"H-ho?"Biglang kinabahan saad ni Desiree.
Napatingin siya sa direksyon ni Ezekiel. Mula sa mapusyaw na sinag ng lampara ay nahinuha ni Desiree ang pag-aalala na bumalong sa magandang mukha ni Desiree.
"Ang mabuti pa'y kontakin ko na sina Lola Devi at Lolo Lino, baka nasa bungad na sila at sunduin ko na lamang sila gamit ng rellover na dala ko."Tumayo na si Ezekiel at inilabas nito ang smart phone.
Hinayaan ni Desiree na makipag-usap ito. Ang isip niya'y nasa kambal niyang naiwan sa Mama niya.
Napasulyap si Desiree sa palapit na binata.
"Mukhang stranded ang Lola at Lolo mo Des, sa isang malapit na kaibigan na lamang daw nila sila makikituloy muna,"anunsiyo nito.
"Mas mabuti na ang ganoon kaysa sumuong pa sila sa lakas ng ulan,"pakikisali ni Lola Ofen sa usapan nila.
"Halika muna sa silid anak,"yakag ni Desiree.
Agad-agad naman sumunod ito. Naiwang naman ang dalawang magLola.
"Iniinit ko na pala iyong ulam kanina, maya mag-aahin na ko,"agaw pansin ng matanda sa binata.
"S-sige po La,"maiksing tugon niya.
"Mabuti na lamang at malaki ang pang-unawa ni Desiree apo. Dahil kung ibang babae ang naging ina ng anak mo' y tiyak kong mahihirapan ka."Mayamaya`y biglang open ng topic ng matanda.
"Siya nga Lola, likas pong napakabait ni Des,"pagbibida pa ni Ezekiel.
Totoo ang sabi nito, napakalaki ang hinihingi niyang pabor sa babae. Dahil kung sino man ang nasa sitwasyon ni Desiree ay mapupuot sa ginawa niyang kasalanan dito dati.
Naramdaman niya ang biglang paghawak ng kamay ng lola niya sa palad niya na nakapatong sa armchair.
"Napapansin ko lang iho, magmula ng dumating ka at mapag-alaman mong narito si Desiree ay hindi na nawala ang kislap sa mga mata mo. Magtapat ka nga, m-may gusto ka ba sa babaeng nagluwal sa anak mo?"Direktang tanong ni Aleng Ofen.
Napatingin muna sa silid si Ezekiel kung saan naglalagi ang mag-ina niya, pagkatapos ay muli nitong ibinalik sa kanyang Lola ang buong pansin. Napalunok pa siya at kabadong-kabado sa sandaling iyon.
"H-hindi po magandang pakinggan ang isasagot ko, p-pero opo, g-gusto ko po si Des. Ang totoo po niyan matagal na ho, mahal ko na siya bago pa man may mangyari sa amin at mabuntis ko siya..."amin niya.
"Naiintindihan ko apo, pero sana pag-isipan mo muna kung ipagpaptuloy mong mahalin ang babaeng nakatali na sa iba. Alam mo ang ibig kong sabihin, ayaw ko lang na matulad ka sa naging kapalaran ng magulang mo."
"O-opo naiintindihan ko La,"naisagot ni Ezekiel.
"Huwag mong masamain ang mga ipinapayo ko apo, para sa iyo rin naman ito. Marami ka pang makikilala, gusto ko rin naman may makasama ka pa sa pagtanda. Mahirap ang wala kang karamay kapag tumanda ka na,"mahabang paliwanag pa ng matanda.
"Sige po huwag kayong mag-aalala susubukan ko po."Iyon na lamang ang itinugon ng binata. Dahil kung sasalungatin pa niya ang mga sasabihin nito ay hahaba lamang ang usapan nila. Tama naman ito.
Alam niya ang pakiramdam niyon, dahil mismo ang Nanay niyang si Dhalia ang nagkwento sa kanya. Pati si Carl ng malakas-lakas pa ito dati at nakukuha pang makipag-kwentuhan sa kanya.
Akala niya dati, madali lang. Pero ibang-iba na pala, kapag siya na ang nasa sitwasyon na katulad ng pinagdaanan ng mga magulang.
Ang magmahal sa isang taong pagmama'y ari na ng iba...