KAGIGISING lang niya sa hapon na iyon, naisipan niyang mag-siesta, kasama si Zedrick. Dahil sa ilang Buwan na walang pahinga dahil na rin sa pag-aalaga sa kambal. Ganoon yata talaga ang Ina, walang pahinga-pahinga. Gagawin ang lahat para sa mga anak kahit sobrang pagod na siya.
Nag-inat na siya matapos ang ilang sandali, agad niyang hinagilap ang anak na katabi. Ngunit wala na ito, sa tingin niya'y nasa labas na ito at nakikipaglaro sa mga pinsan nitong kapit-bahay din naman ng mga ito.
Alas-singko na pala ng hapon ayon sa smart phone niya, mahaba-haba rin ang oras na naitulog niya.
Napansin niya ang madilim na kapaligirin mula sa labas ng bintana ng bahagyang dumako ang pansin niya mula roon. Nagtaka si Desiree dahil halos kalat na ang maitim na ulap, mula sa malayo ay kitang-kita niya ang kidlat at kasabay niyon ang mga nakatutulig na tunog ng kulog. Marahan niyang iniyakap ang mga braso sa katawan niyang nanginig na sa lamig na dulot ng hangin mula sa labas na malayang pumapasok sa bintanang nakabukas.
Agad na niyang hinagilap ang pares ng tsinelas niya matapos niyang maisarado iyon ng tuluyan. Naglakad na siya palabas ng silid pagkatapos, tinatamad pa siya dahil sa tagal ng pagkakatulog niya. Akma niyang hihilahin pabukas ang pinto ng kusang bumukas iyon at iluwa ang pigura ng taong kailanman ay hindi niya aakalaing makita.
"E-Ezekiel,"nauutal niyang bigkas.
Malaya niyang pinaglakbay ang mata sa kabuuan ng kaharap na lalaki. Sa halos isang taon na mahigit na hindi ito nagpakita sa kanya ay malaki ang ipinagbago ng hitsura nito.
Balbas sarado ito, ngunit hindi nakasagabal iyon upang matakpan dati ang kagwapuhan nito. Lalo pa nga itong naging kaakit-akit sa kanya kahit mukhang hindi na nito nagagawang ahitin man lang iyon.
Maski ang buhok nito'y humaba na rin ng kaunti, katulad na katulad na rin ito ng mga foreign actor na napapanuod niya sa mga movie mula sa ibang Bansa. Sa totoo lang ay may pagkakahawig ito sa Hollywood Actor na si Chris Evans.
Kaya siguro nahumaling siya rito noong college days niya, dahil kahit ten years ang agwat ng edad nila ay super crush niya ito noon. Pero dati iyon.
"Dati lang ba? Baka ang dapat mong sabihin ay magpahanggang ngayon."
Pilyang singit ng isang kontra bidang tinig sa isip niya.
"Matutulala ka na lang ba diyan Des? Alam ko naman na namiss mo ko."Birong tugon ng binata. Lumabas tuloy sa magkabilang pisngi nito ang dalawang biloy.
"Hindi, ah! Asa ka pa! Bakit ka ba pumapasok bigla-bigla ng silid ng may silid."Pagsusungit ni Desiree na napairap pa sa binata. Nanatili siyang nakaharang doon.
"C'mon ang akala ko walang tao rito. Hindi kasi naikwento ng anak natin na andito ka sweetheart,"ani nito.
Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Desiree. Mabilis niyang iginala-gala ang pansin sa paligid ng matiyak niyang walang tao ay dali-dali niyang hinila paloob si Ezekiel. Agad niya rin ini-locked iyon pagkatapos. Naupo siya sa kama habang ang binata nanatiling nakatayo sa harap niya. Wala siyang pakialam kung mangalay ito!
"Pwedi ba, huwag mo ngang basta sinasabi iyan. Baka may makarinig!"Mariin anas ni Desiree.
"Maano, totoo naman na anak natin si Zedrick."patuloy ng binata. Wala naman na siyang maitatago, kaya no choice sya kung `di pabayaan ang lalaki. Pero sana ay hindi ito basta maging kumportable at ipagkalat pa na may anak sila! For God sake! Ano na lang iisipin ng ibang tao.
"Ano ba! eh, sa ayaw ko ngang may makaalam! At isa pa, bakit ka narito?"Humalipkip si Desiree. Mabilis niyang binistan ang outfit ng binata. Ngayon niya lang kasi nakitang nakasuot ito ng maong na jacket na panloob ay puting t-shirt na tenernuhan ng black maong pants. Bagay pala rito ang may pagka-rudge , nagmukha tuloy itong bad boy sa paningin niya. Pero infairness, hindi pangit tignan rito. Sa totoo lang ay ang sarap nitong titigan.
Maya-maya mariin niyang binura ang nasa isip. Dapat magfocus siya. Pinanitili niyang nakasimangot ang mukha. Ngunit, halos lumukso palabas ang puso niya ng bigla na lamang hawakan siya sa kamay ni Ezekiel.
"Sorry naman, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Nang malaman kong may anak nga tayo ay agad akong nag-hire ng imbestigador."Paliwanag nito.
Nagtataka siya kung bakit nito alam ang lahat.
"Ang Mama ni Guiller, s-siya ang nagsabi ng tungkol sa pagkakaroon natin ng anak..."biglang sabi nito. Marahil ay nabasa nito ang tumatakbo sa isipan niya.
Ano ba kasing laban niya. Psychiatrist ito, malabong may maitago siya rito. Dahil tila basang-basa nito ang nasa utak niya.
Lihim na sumama ang loob ni Desiree sa biyenan. Ang sabi nito ay safe ang mga sikreto niya, bakit nito hinayaan na malaman ni Ezekiel ang bagay na iyon. Ano bang plinaplano nito?
"Sweetheart, huwag mo munang isipin iyan okay? Ang mabuti pa`y bigyan na muna natin ng quality time si Zedrick, a-ang anak natin. M-maliwanag ba?"Dahil sa narinig ni Desiree buhat sa lalaki ay tila may humaplos na mainit na bagay sa puso niya.
Nanatili siyang nakaupo roon, habang nakayuko. Si Ezekiel naman ay napabuntong-hininga na lamang. Pinabayaan na muna niyang makapagisip-isip ang babae.
Agad na siyang lumayo rito, kapag kasi hindi niya ginawa iyon ay baka hindi niya mapigilan ang sarili na itulak ang babae sa kama na kinauupuan nito mismo at angkinin ito ng mga oras na iyon. Lalo`t hindi yata nito napansin na nakalimutan nitong isuot ang bra nasa ibabaw ng hinigaan nilang mag-ina. Bakas na bakas din kasi ang nipp*** sa kasalukuyan nitong suot na bestidang floral .
Nang makatalikod siya`y pasimple niyang hinimas ang tigas na tigas niyang b*r*t.
Agad na niyang hinahanap sa kabinet ang laruan na pasalubong niya dati na ipinapakuha lang naman ni Zedrick. Ang robot na si Iron man na binili pa niya at ibinigay ito noong isang taon, bago siya magtungo sa America.
"So anong binabalak mo Kiel? B-balak mo ba siyang kunin sa akin? S-sinabi mo na ba kay Zedrick na ikaw ang ama niya?"Sunod-sunod na pagtatanong ni Desiree upang matigilan ito sa paghalungkat ng mga laruan.
"Hindi ko pa sinasabi sa kanya Des, hinihintay kong ikaw mismo ang magpakilala sa akin sa kanya bilang tunay niyang ama. At para sa isang tanong mo, hindi ko gagawin iyon. Wala akong karapatan na kunin siya sa iyo, dahil ikaw na ina niya ang mas higit na may karapatan mag-alaga sa kanya..."explain ni Ezekiel na tuluyan humarap rito.
"S-salamat,"tugon niya. kitang-kita ni Ezekiel ang tila nakahinga ng maluwag na babae.
"Pero, kay Lola Ofen, nasabi ko na ang lahat-lahat sa kanya."Bigla ang kabang bumadha sa mukha ni Desiree. Ang tinutukoy nito ay ang matandang kasa-kasama ng Lola Devina at Lolo Marcelino niya. Kaya pala iba na ang tingin nito sa kanya magmula ng pagkadating niya. Naroon ang pagkagiliw at pakikisimpatiya.
"So t-totoo na a-apo ka niya?"
"Oo at si Guiller, alam niya rin na magpinsan kami."dagdag pa ng binata. Kaya upang manahimik lalo si Desiree.
"A-ano ba iyan, n-nakakahiya... baka kung anong isipin ni Manang na napakalandi ko. D-dahil tinuhog ko k-kayong m-magpinsan at nagpaanak pa sa inyong dalawa!"Hiyang-hiya niyang sabi. Nahigit na lamang niya ang hininga ng bigla ay sa isang kisap-mata yakap-yakap na siya ni Ezekiel.
"Please! Shut up sweetheart. Huwag na huwag mong pingsasalitaan ng ganyan ang sarili mo. Maliwanag ba? Hindi mo kasalanan, actually walang ibang may kasalanan ng lahat rito sa mga nangyayari ngayon. Biktima lamang tayo ng nakaraan sitwasyon. Oo, aaminin ko... Plinanano ko ang lahat ng nangyari sa atin sa beach resort. Dahil hindi mo siguro mapaniniwalaan pero attractive na ako sa'yo mula noong under pa kita sa kolehiyo niyo noon. Akala ko nga dati'y simpleng attraction lamang iyon Desiree. Pero nang muli kitang makita sa kumpaniya ng bestfriend ko, k-kinuha ko na iyon na chance para makuha ka. Pero sobrang wrong move ako dati, imbes na ligawan kita ay nagtake advantage ako. Sorry for being jerk that time Des, iniwan kita sa ere dahil kinailangan kong puntahan si Papa sa ibang Bansa, dahil 50-50 chance na maari siyang makasurvive sa last operation nito. Hindi ko naman aakalain na matatagalan ako, sa muli kong pagbabalik. Iyon nga bumalik ako pero huli na ang lahat, dahil ikakasal ka na kay Guiller, s-sa anak ng babaeng nanira sa buhay ng Mama Dhalia ko at sa pamilya namin. Sorry dahil pati i-ikaw nadamay!"Kitang-kita ni Desiree ang lubos nitong paghingi ng despinsa sa kanya. Lumuhod pa ito sa paanan niya. Kahit hindi ito tumingin sa babae ay napansin pa rin ni Desiree ang tuluyan payugyog ng mga balikat nitong nakapatong sa tuhod niya. Tanda na umiiyak ito.
Hindi mawari ni Desiree, ngunit ang susunod niyang pagtatanong sa mga bagay-bagay ng tungkol sa hindi nito paninindigan sa kanya rati ay tuluyang naglahong parang bula. Hindi niya maamin sa sarili or she must have say...
Sana nga, sana, nakapaghintay pa siya ng matagal-tagal. Baka nagkaroon sila ng chance nito. Who knows, baka mas masaya ang buhay pag-aasawa niya kapag ito ang nakatuluyan niya.
Sadiyang minsan, napaka unfair ng mundong ginagalawan nila...