CHAPTER NINETEEN

1559 Words
TULUYANG bumaba ng taxi si Desiree. Agad siyang nagbayad sa driver ng pamasahe niya, humigit isang oras din ang ibiniyahe niya sa pagpunta sa bahay ng Lolo't Lola niya. Excited na siyang ibigay ang mga pinamiling regalo sa anak na si Zedrick na kaka-anim na taon pa lamang ngayon. Nakita niya ang ilang kapit-bahay at kamag-anakan nila na naroroon. "Kumusta apo, mabuti naman at nakaluwas ka ngayon galing Maynila. Tiyak matutuwa si Zeki na nakarating ka..."ani ni Lola Devina na sumalubong sa kanya sa may tarangkahan ng bungalow nitong bahay. Iginala niya ang paningin, ibang-iba talaga ang buhay-probinsya kaysa sa Maynila na kung saan siya nagdalaga. "Oo nga po, mabuti at pumayag si Mama na maiwan sa kanila ang kambal,"sagot ni Desiree. "Ah ganoon ba, hayaan mo kapag lumaki na sila ay pwedi mo na silang isama rito para makilala nila ang Kuya Zedrick nila,"napatango-tango ang matanda. Magpahanggang pa rin kasi ngayon ay may samaan pa rin ng loob ang Mama niya at ang Lola niya. Hindi kasi matanggap ng Ina ni Desiree na nagbuntis siya dati, lalo ng hindi niya maibigay rito ang pangalan ng nakabuntis sa kanya. Grabeng hirap dati ang naranasan niya may limang taon na rin ang nakararaan na nagalaw siya ng lalaking hindi naman niya kilala. Later ay napag-alaman niyang si Ezekiel nga iyon. Masakit sa kanya dati na pinalayas siya ng magulang na hindi man lang iniintindi ng mga ito ang kalagayan niya. Mabuti na lamang at mababait at makunsiderasyon ang Lolo at Lola niya na siyang nakasama niya noong magbuntis siya hanggang sa makapanganak. Ang dalawang matanda na rin ang sumehistyon na mag-alaga sa anak niyang si Zedrick. Matapos niyang manganak ay bumalik siya sa poder ng magulang. Iilan lamang ang nakakaalam sa pagbubuntis niya dahil ayaw ng Mama niya na magkaroon ng eskandalo sa pamilya nila. Ganoon kahigpit ang pamantayan ng Mama niya. Paunti-unti ay ini-oopen na ni Desiree ang tungkol sa anak niyang si Zedrick sa magulang. Dahil kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo ay dugo't laman pa rin ng angkan nila ang nanalaytay dito. Kaya dati'y tuwang-tuwa ang Mama niya na may nagseryuso at nagpakasal sa kanya bagama't sa naranasan niya. Kaya siguro dahil gustong magkapamilya ng buo ay hindi na nagpatumpik-tumpik si Desiree na ikasal kay Guiller, kahit hindi pa kaganoon kalalim ang nararamdaman niya rito. Sa isipin iyon ay nag-aalangan pa rin siya kung paano aamin sa asawa na may anak na siya bago pa man niya ito nakilala . Paano ba tatanggapin ni Guiller na ang ipinagbuntis niya na si Zedrick at ang tunay nitong ama ay walang iba kung 'di si Ezekiel. Malapit na siya sa bungad ng terrace ng makita niya ang pagsalubong sa kanya ni Zedrick. Nasa mukha ng bata ang labis na katuwaan. "Mama! Mama! mabuti at nandito ka na!"Galak na galak at halos maluha-luha itong napayakap sa may binti niya. Agad siyang napaluhod at katulad ng ginawa ni Zedrick ay mahigpit niya rin niyakap ito. "Sorry anak, p-pagpasensyahan mo ang Mama, sobrang busy lang sa trabaho." Iyon ang sinabi niyang dahilan dito, kahit ang totoo sa loob nang mahigit isang taon ay nagbuntis siya sa mga kapatid nito. Ayaw niya kasing maguluhan pa ang anak sa sitwasyon mayroon sila. Kahit unexpected pregnancy si Zedrick ay never na sumagi sa isip ni Desiree na ipalaglag ito dati. "A-ayos lang po Mama, wow! para sa akin po ba ang lahat ng ito?"Namimilog ang matang saad ni Zedrick. "Yes baby, sige na kunin mo na ito. Happy birthday nga pala, dalhin mo na iyan kina jarwin para maumpisahan niyo ng laruin..."Tukoy ni Desiree sa mga laruang de kotse, robot at lego na pinagbibili pa niya mula Maynila. "Yeheey! Thank you Mama!"Hiyaw ni Zedrick at dali-dali ng binitbit ang mga iyon, sumalubong naman ang mga kalaro nito. Sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng anak ay labis-labis na ang katuwaan nadarama niya. Tila sa pamamagitan niyon ay napupunan niyon ang malaking pagkukulang niya sa napalayong anak. Habang tumatagal ay nagiging kahawig na rin ito ng ama na si Ezekiel. Natatakot siya na balang-araw ay basta na lang itong kunin sa kanya ng binata. Nagtataka siya dahil bigla na lamang itong naglahong parang bula. Noong una'y ikinasiya niya iyon, pero habang tumatagal ang araw na wala siyang balita rito ay doon naman siya nakakaramdam ng kakaiba. Tila ba nakakaramdam siya ng pangungulila sa presensya nito. Magkagayunman kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya ibibigay rito ang karapatan kung sakaling magpakita ito. Ang maging ama sa anak niyang si Zedrick. Para sa kanya, inabandona siya nito matapos lang makuha nito ang puri niya. Sa tuwing naiisip niya na totoo ang sinabi ng biyenan niya dati na ginamit lamang siya nito upang gumanti sa ina ng asawa niyang si Guiller. Ngayon pa lang ay nag-aalala na siya na iyon pa ang maging dahilan ng pagkasira nila ng asawa---- ang pagkakaroon nila ng anak ni Ezekiel. Dahil kahit saan tignan ay inilihim niya ang tungkol kay Zedrick na karapatan naman talagang malaman nito. "Halika na apo, kain ka na. Hayaan mo munang maglaro si Zeki diyan,"pagtawag sa kanya ng Lola Devina niya. "S-sige po La,"sagot niya rito bago tuluyan sumunod ito sa abuela niya papasok ng kusina. Napanatag naman siya na magiging okay sa paglalaro ang anak niya dahil naroroon naman na nakabantay ang Lolo Marcelino niya. "Halla! Ang sasarap naman ng mga 'yan."tukoy ni Desiree sa mga lutong ulam na nakahilera sa lamesa. May pakbet, paksiw na bangus, chapsuey, papaitan, inihaw na tilapia at ang old time favourite niyang adobong palaka na natitiyak pa niyang huli ng Lolo Marcelino niya sa may bukid. Halos maglaway siya habang nanandok ng kanin, panay lagay lamang siya ng ulam. Nagutom siya mula sa biyahe, hindi na siya bumaba ng mag-stop over sa isang gasolinahan ang taxi na sinakiyan niya. Masagana siyang kumakain ng makita niya ang pagpasok ng isang matanda. "Hello Manang kumusta na po?"Magalang niyang sabi sa matandang babae na kasa-kasama ng Lola at Lola niya sa bahay. Matagal na itong nakatira roon, naroroon na ito bago pa siya magbuntis. "Okay lang ako iha, halla sige kain ka lang diyan. May bibilhin pa ako sa Bayan ire, magbabakasyon kasi rito sa atin ang apo ko,"sagot ng matandang babae na ngiting-ngiti. Nagulat pa si Desiree sa narinig, ang alam niya kasi ay nasa malalayong lugar na ang mga kamag-anak nito. Magmula ng pumisan ito sa Lolo't Lola niya na siyang matalik na kaibigan ng mga ito ay never pang may pumasyal na kamag-anakan sa kanila. "Mabuti naman po Manang na naalala kayo ng apo niyo,"galak niyang sabi. "Oo naman iha, noong isang taon pa siya nagpunta rito. Kaso may inasikaso sa business nila mula sa ibang bansa kaya sa video calling muna kami nag-uusap nito, mabuti na lang at mabait si Anette na kababata mong gumagabay sa akin sa tuwing tumatawag ang apo ko,"pagsasalay pa nito. "Ah see, gusto niyo ho bang samahan ko kayo mamaya sa Bayan Manang, oo nga po pala may pasalubong po akong bestida sa inyo na tiyak na babagay sa inyo!"Inilipag na muna niya ang kinakain at dali-daling naglakad sa silid nilang mag-ina sa tuwing narooon siya. Agad niyang kinuha ang paper bag na katamtamang lamang ang laki na katabi ng shoulder bag niya. "Naku, iha! nag-abala ka pa, lagi na lang na may dala-dala ka kapag lumuluwas ka rito galing Maynila,"may ngiting sambit nito matapos nitong maabot ang paper bag. "Hay naku! Manang wala ho iyon, pasasalamat ko iyan sa lahat ng tulong niyo. Malaki po ang utang na loob ko sa pag-aalaga niyo sa anak ko kapag nasa Maynila ho ako. Napakabuti niyo po,"sinsero niyang sabi. Hinayaan na niyang yakapin siya ng matanda pagkatapos. Ramdam niya ang lubos nitong kaligayahan sa ginawa niya. "W-wala iyon 'nak, napakaswerti ng magulang mo at nina Devina na ikaw ang naging apo nila. Alam mo bang naaalala ko ang pangalawa kong anak sa'yo,"tukoy ng matanda kay Desiree. "Po? B-bakit po? Nasa malayong Bansa rin ho ba siya?"Nagtataka niyang pagtatanong matapos na humiwalay sa yakap nito. Lumabas na sila ng kwarto at muli niyang binalikan ang pagkain. Hindi umimik ang matanda na tila malalim ang iniisip, bumadha rin sa mukha nito ang kalungkutan. "Sige po, okay lang kung ayaw niyo po silang pag-usapan. Ngiti na po kayo diyan, tiyak ko hong maraming pasalubong ang apo niyo ano, ho?"Pag-iiba ng paksa ni Desiree. "Ah oo iha, may mga pasalubong din daw siya sa anak mo, sa inyo..."tuloy-tuloy nitong nasabi. "Naku! ba't pa siya nag-abala."iiling-iling niyang nasabi. "Sabi ko nga eh, kaso mabait kasi ang batang iyon. Galante kamo, matagal din daw kasing hindi nakapasyal rito, saka namiss niya raw ako lalo na ang anak mong si Zeki. Lagi silang naglalaro dati."pagbibida ng matanda sa apo nito. "Ahh, ganoon po ba mabait ho kasi kayo. Kaya sa inyo nagmana Manang,"ani ni Desiree na uminom na ng tubig. "Kung wala ka pa ngang asawa eh ilalakad ko sana sa iyo ang apo kong iyon. Kaso nahuli na si Ezekiel..."dagdag pa ng matanda. Muntik na niyang maibuga ang iniinom na tubig pagkarinig sa pangalan ng apo na binanggit nito. Sa isip niya'y mali lamang siya ng dinig o masiyado siyang paranoid dahil lately ay laging sumasagi sa isipan niya ang tungkol sa binata. Pero paano nga ba, kung ang apo ni Manang at si Ezekiel ay iisa? Makakaya ba niyang harapin ito oras na magkita sila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD