CHAPTER FOURTEEN

1264 Words
PAGKAGISING ng umagang iyon ni Desiree ay wala na sa tabi niya ang asawang si Guiller. Kahit paano ay nakaramdam ng pagkalungkot ito. Ngunit mabilis niyang binalewala iyon. Inisip na lang niyang kakaumpisa pa lamang nito sa bagong trabaho kaya marahil ay kailangan nitong magpakitang gilas. Ganoon naman eh. Bumangon na siya at nag-inat, kahit tinatamad pa'y inayos na niya ang pinaghigaan nilang mag-asawa. Naisip niya ang Mama niya na dapat ay umakto na siyang may bahay magmula ngayon dahil iyon na ang pinili niyang landas. Kaya dapat mapanindigan niya. Eversince na nakatapos siya ng pag-aaral ay nagtrabaho na siya. Naging independent na siya dahil iyon ang gusto niya. Gusto niyang nachachallenge siya. Matapos niyang magligpit ay dumiretso na siya sa banyo para maligo. Sanay na siyang maligo muna bago mag-almusal. After fifteen minutes ay natapos na siya. Pagkalabas pa lamang niya ng pinto ng banyo ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na pagkatok sa may pinto sa labas. "S-sino kaya 'yun?"Pagtatanong ni Desiree sa sarili. Kumuha muna ng maisusuot ito, minadali na niya ang pagbibihis. "Sandali..."sagot niya ng muling naulit ang pagkatok. Nakasimangot tuloy siyang binuksan iyon. Inayos niya ang itsura ng makitang isang babae iyon. Ngayon lang niya ito nakita, pero pakiramdam niya ay kilala siya nito. "H-hello s-sino po sila?"Tanong ni Desiree na tutok na tutok sa magandang mukha ng babae. Sa tingin niya'y kaedad lamang ito ng mama niya. "So ikaw ang wife ni Guiller."The older woman stated. "O-opo, ako nga. Kilala niyo po ang asawa ko?"Nasabi ni Desiree. "Of course, I'm Badette Jacinto. I'm Guiller's mother dear..."may kakaibang kislap ng mata na nasabi ng babae sa kanya. Bigla ang pamimilog ng mata ni Desiree, agad-agad ay niluwagan nito ang pagbubukas ng pinto nila. "Oh goodmorming po Ma, p-pasok po wait lang po ipaghahanda ko ho kayo ng mamemeryenda..."paaniya-ya ni Desiree. Akmang papasok na paloob si Desiree, ngunit itinaas na nito ang kamay upang awatin siya. "Huwag ka ng mag-abala iha. Narito lamang ako para dumaan at balaan ka."Hindi naman alam ni Desiree kung ano ang ire-react sa sinabi ng ina ni Guiller. "A-ano po ang ibig niyong sabihin M-mama?"takang-tanong ni Desiree. "Kilala mo naman si Ezekiel right, Dr. Ezekiel Uson Abenedi,"deklara ni Badette. "O-opo Mama, siya po ang Therapist ko para sa sakit ko. Siya rin po ang tumulong kay Guiller para magkatrabaho Ma, b-bakit po?"tanong ni Desiree. Isang malutong naman na tawa ang pinakawalan ni Badette. Hindi alam ni Desiree, pero pakiramdam niya may kakaiba sa tawa ng ginang. "Don't deceive by his act dear, lahat ng iyan ay pakana lang niya,"mapaklang bigkas ng ginang. "P-po? Hindi ko ho kayo naiintindihan,"sabi ni Desiree. "Desiree alam ko, matagal na. Hindi mo ba alam... may binabalak si Ezekiel para sirain ang pagsasama niyo ng anak ko." "H-huh! imposible po iyon Ma, mabait pong tao si Ezekiel,"pagtatanggol niya. Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng pagkainis sa babaeng kaharap. Totoo yatang may masamang ugali ito, ayon na rin sa naikwento sa kanya ng mister. "Makinig ka Desiree, ikaw lamang ang magiging daan para malaman ng anak ko ang mga binabalak ni Ezekiel. Kaya please pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko. Huwag na huwag niyong pagtitiwalaan si Ezekiel. Lalo ka na, hindi mo ba alam ang ginawa niya sa'yo dati? Kung bakit nararanasan mo ang kakaibang sakit mo?" "A-ano po bang sinasabi niyo, pwe-pwedi po diretsahin niyo na lang ako,"tensyonado na wika ni Desiree. Maang lamang siyang tinitigan ni Badette. "Si Ezekiel, siya ang lalaking nakialam sa'yo noon sa private resort ng boss mong si Nickolai ng minsan magkaroon ng occasion sa kumpaniya niyo..." Parang biglang may sumuntok sa dibdib ni Desiree upang hindi siya agad nakapagsalita. Bigla siyang namutla ng mga sandaling iyon, napasandig tuloy ng wala sa oras ito. Pakiramdam niya nanlalambot siya. Nagtataka siya bakit nito alam iyon. "Alam ko ang iniisip mo iha, bakit ko alam? Dahil matagal na kong nagmamanman sa mga kilos ni Ezekiel. Actually nagkaroon kami ng affair ng amain niyang si Rodel na asawa ng ina niyang si Dhalia. Siya ang nakilalang ama nito noon, sinungaling kasi talaga ang Nanay niya; alam mo na baliw. Ama ni Guiller si Rodel kaya may karapatan naman talaga ang anak ko na asawa mo sa mga ari-arian na minana niyang si Ezekiel sa mga lolo at lola niya nasa America, eh sa totoo lang. Pero garapal talaga iyang si Ezekiel masyadong bitter ipinagdadamot ang kayamanan na mas higit na nararapat sa asawa mo, dahil si Rodel ang panganay. Habang ang tunay naman na ama ni Ezekiel na si Carl ang nakakabatang kapatid naman ni Rodel, siya naman ang kabit ng malandi niyang Nanay na si Dhalia! Akala mo kung sinong matinong pamilya nanggaling ang batang iyan pero hindi! Kaya please iha, habang wala pa siyang nagagawa ay sana makinig ka sa akin. Napakawalang-hiya niyang si Ezekiel dahil ipinagdadamot niya ang dapat kay Guiller. Naiintindihan mo ba? Paghihiganti ang motibo niya sa paglapit sa inyo." Napatango naman si Desiree, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman. Tila biglang sumakit ang ulo niya. "Matutulungan mo ba ako iha, please sabihan mo ang asawa mo iha..."habol pa nito. "Susubukan ko po,"sabi na lang ni Desiree. Humalikipkip naman si Badette at mataman napatitig sa manugang. "Ayaw mo naman siguro na malaman ng anak ko na nagkaanak kayo ni Ezekiel right?"malamig na sabi ng babae. Bigla ang pagbaling ng mukha ni Desiree sa kaharap. Napamulagat siya at halos hindi kumukurap. "P-paano po niyo i-iyan n-nalaman."Napakuyom ng kamao si Desiree. "Wala kang maitatago sa akin iha, lahat alam ko. Gusto mo bang malaman ni Ezekiel kung saan naroroon ang anak niyo at kunin niya ito sa'yo . Hindi naman diba? Kaya magtulungan ta'yo Desiree." "Pero hindi naman po niya gagawin na ilayo ang anak ko. In the first place ay siya ang may nagawang kasalanan sa akin!"Masama ang loob niyang sabi sa babae. Lihim naman nagdiwang ang loob ni Badette dahil nakuha niya agad ang simpatiya ng manugang. "Hindi mo kilala si Ezekiel iha, gagawin niya ang lahat para makaganti. Wala siyang pakialam kahit may madamay."Panulsol pa ni Badette. "S-sige po Ma, pero please huwag niyong ipapaalam k-kay Guiller na m-may anak na ko..."pakiusap ni Desiree. "Promise iha, basta tumupad ka." Tumango naman si Desiree. "Sige mauuna na ko,"pagpapaalam ni Badette. "Mag-iingat po kayo,"tugon naman ni Desiree. Akmang maglalakad na si Badette ng bigla itong muling pumihit pabalik. "One more thing iha, gusto ko paikutin mo Ezekiel. Saktan mo siya, hinay-hinayin mo lang."utos ng biyenan niya. "Po? hindi ba't sabi niyo layuan namin siya, bakit po parang..." "So heto na lang Desiree ang plan B, alam ko naman na hindi basta-basta kayo lalayuan ni Ezekiel. Para mas masaya. Ang gusto ko akitin mo siya, pahulugin mo ang loob niya sa'yo. Kapag hulog na hulog na'y magsabi ka sa asawa mo para siya na mismo ang maniwala. Madali naman ang ipinapagawa ko diba?" Gusto niyang salungatin ito, ngunit pinabayaan na lang niya. "S-sige Mama..."sagot niya. "Deal."Saka naglahad ng kamay ito. "Deal po,"sagot ni Desiree. Matapos maisara nito ang kanilang pinto pagkaalis pa lamang ni Badette ay tuluyan siyang napasandig doon. Nakagat niya ang labi, imbes na magalit sa nalaman na si Ezekiel pala ang walang habas na gumalaw sa kanya noon pero heto siya natutuwa pa ang loob niya sa natuklasan. Hindi niya alam kung mapapanindigan niya ang deal nila ng ina ni Guiller o mas mananaig sa kanya ang nararamdaman sa lalaking kaytagal niyang hinintay. Pinanabikan niya tuloy ang muli nilang pagkikita ni Ezekiel. "Bahala na..."tila ulap ang nilalakaran ni Desiree. Habang may nakapagkit na kakaibang ngiti sa mapupulang labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD