CHAPTER THIRTEEN

1227 Words
KASALUKUYAN nagpapatuyo ng buhok si Desiree ng madinig niya ang marahan pagkatok sa pinto ng silid nila. Tumayo na siya para buksan iyon,nagtaka siya ng makita niyang si Ezekiel iyon. "A-anong k-kailangan mo, nasaan ang asawa ko?"Tanong niya. Tuluyan na niyang nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Agad ang pagbaba ng mukha ni Ezekiel sa kabuuan niya. Kaya upang matauhan naman si Desiree. Aninag na aninag pala ang katawan niya sa suot niyang night gown. "Excuse me,"pasintabi ni Desiree at mabilis na isinirado nito ang pinto ng silid nila. Sa mga sandaling iyon ay namumula siya. Matapos niyang mapayapa ang sarili ay mabilis na humagilap ng robe sa kabinet niya ito. Nang maibuhol na niya ang tali niyon ay binuksan na rin naman niya ng tuluyan ang pinto nila. "Akala ko hindi ka na magbubukas ng pinto Des,"nasabi ni Ezekiel. "Nakatulog ba si Guiller?"Naitanong ni Desiree imbes na sagutin niya ang tanong ng lalaki. Mahina kasi sa inuman ang asawa niya, dahil lagi naman silang magkainuman dati bago pa niya ito pinakasalan. Nakita naman niyang nakayukyok na sa lamesa sa may sala si Guiller. "Honey, wake up sa silid na natin ituloy iyang pagtulog mo..."gising ni Desiree sa asawang sarap na sarap ang pagkakatulog sa kinapwe-pwestuhan nito. Maya-maya`y naramdaman ni Desiree ang pagtapik ni Ezekiel sa balikat niya. "Hayaan mo na Des, ako ng bahala."Kasabay niyon paglapit at ang pagsampay ng braso ni Guiller sa balikat ni Ezekiel. Iinot-inot itong naglakad habang umaalalay sa lasing na lasing na asawa niya. Matapos na mabuksan uli ni Desiree ang pinto ng silid nila ay maingat naman na inihiga ni Ezekiel ito. "Sige mauna na ako,"pamamaalam ng binata habang nakita niyang pinapalitan na ni Desiree ng pang-itaas ang asawa nito. "S-sige Kiel ihahatid na kita sa may pinto,"nasabi niya. Tumango naman si Ezekiel at nagtuloy na sa paglabas ng kwarto. Isinuot na niya ang sapatos na nasa gilid ng pinto. "S-salamat pala Kiel sa lahat,"taos sa pusong sambit ni Desiree. Ngumiti naman ang binata. "Your welcome sweetheart, goodnight..."Matapos iyon ay tuluyan na siyang pinagbuksan ng pinto ni Desiree. Matapos na magsarado iyon ay tuloy-tuloy na siya sa paglalakad hanggang sa may elevator. Natuwa naman siya dahil maayos ng nag-ooperate iyon. Hindi niya alam ngunit natutuwa siya sa kinahinatnan ng araw niya ngayon. Sasarado na sana ang stainlees na pinto ng elevator ng matigil iyon at pumasok ang isang babae na may glamorosa ang ayos. Nanatili lamang ang tingin niya sa harap. Nang madining niya ang pagtikhim ng babae sa tabi niya. "So nag-uumpisa ka na pala sa mga plano mo Ezekiel,"malamig na sabi nito. Nakakunot-noo siyang lumingon dito, napakurap-kurap pa siya para kilalanin ang babaeng kasama sa elevator. Bigla ang pagbangon ng galit sa kaibutoran niya ng mapagsino ito. "Ang lakas ng mukha mong magpakita sa akin,"malamig niyang tugon. Sa mga sandaling iyon ay hinarap na niya ito. "Of course I have the guts to face you my dear. Dahil may karapatan ako sa kung anong meron ka ngayon, lalong-lalo na ang anak ko!"The old lady hissed. "Ganoon ba kakapal ng mukha niyong mag-ina para ipaglandakan ang mga iyan. Kahit na kailan ay wala kayong karapatan, dahil kayo ang dahilan bakit nasira ang buhay namin ng Mama ko!"Galit na galit na wika niya. Akma niya itong lalapitan at sasakalin ng biglang magbukas ang stainless na pinto ng elevator at pumasok ang isang mag-anak. Kitang-kita ni Ezekiel ang repleksyon ng babae mula sa kaharap na stainless na pinto. Ang mapang-uyam nitong titig at ngisi kaya upang lalong mag-alburoto sa galit ang dibdib ni Ezekiel. Nang magbukas ang elevator ay dali-dali ng naglakad palabas ang babae na agad naman sinundan ng binata na nagpupuyos. "Hey you! stop! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"Sigaw ng binata. Kahit tipsy na ay kaya pa naman niya ang sarili. Agad naman tumigil ang babae, maging si Ezekiel naman ay natigilan din ilang dipa na lang ang layo nila sa bawat isa. "Ano pa bang pag-uusapan natin Ezekiel, kinakabahan ka ba dahil nagbalik na ako sa buhay mo at sa buhay ng----"ngunit hindi na ito pinatapos ni Ezekiel sa pagsasalita. "I'm warning you once again, oras na manggulo ka uli ay makakatikim ka na sa akin." "Hindi ako natatakot sa ano man gagawin mo, nakahanda ako,"matatag na sabi ng babae. "Huwag kang magmamakaawa sa akin oras na masaid mo ang pasensya ko, dahil titiyakin kong pagsisihan mo bakit bumalik ka pa,"matiim na banta ni Ezekiel. "Hindi mo iyan magagawa, dahil hindi papayag ang anak ko. Malalaman niya ang lahat, kaya ngayon pa lang itigil mo na kung anong balak mo!" Dumura muna sa lupa si Ezekiel, gusto niyang saktan ang babaeng kaharap ngunit nagpipigil lamang siya. Hindi niya gagawin iyon, dahil hihintayin niyang ito mismo ang gumawa niyon sa sarili. At malapit ng mangyari iyon. "Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ba ang pinakamamahal mong anak, akala mo ba magagamit mo pa siya... hindi na,"parunggit niya. Isang malutong na tawa ang naghari sa parking lot na kinaroroonan nila galing sa babae. "Of course his wife will do Ezekiel..." Pagkarinig niyon ay agad nawala ang tinitimping hinahon ng binata. Agad niya itong nilapitan at itinutok ang swiss knife na laging dala-dala nito sa leeg ng babae. "Huwag na huwag mo siyang malapit-lapitan, kapag oras na malaman kong lumapit ka sa kanya ay magtago-tago ka na dahil baka hindi ka na makilala ng anak at apo mo pagdating ng araw..."banta ni Ezekiel. Tila naman kinabahan ang babae, ngunit hindi ito nagpahalata sa binata. "So siya pala ang kahinaan mo, poor Ezekiel Abenedi. Ang babaeng gustong-gusto mo dati ay pagmama'y ari na ng anak kong si Guiller!"Nababaliw nitong sabi habang panay ang halakhak. Lalong idiniin ni Ezekiel ang patalim sa leeg ng babae kaya upang matigil ito. "Hey stop! Baka magkasugat ako. Sige bahala ka kapag namatay ako hindi mo na malalaman ang sikretong malupit ng pinakamamahal mong babae..."Naaliw nitong sabi. "What do you mean?"Taka niyang tanong tuluyan binitiwan nito ang babae. Ewan ba niya ngunit bigla siyang binundol ng kaba sa mga sandaling iyon sa malalaman niya. "Secret! Sa ngayon ay layuan mo ang pamilya ng anak. Kung ayaw mo na lalong hindi ko sabihin sa'yo ang sikretong malupit na titiyakin kong ikatutuwa mo..."ngiting aso na sabi nito. "Pwedi ba huwag ka ng magpaligoy-ligoy! Tell me ano ang nalalaman mo!" "Wala ka talagang ideya? poor Ezekiel... So hindi mo alam na nagkaanak ka sa kanya,"nasabi ng babae na nagpaawang sa bibig ni Ezekiel. Nanatili lang naman na pinagmasdan siya ng babae at tuluyan na itong iniwan siya roon. Habang si Ezekiel ay nanatiling nakatungo at nag-iisip. "That's a bullshit,"naisatinig niya. Gusto niyang matuwa at ikagalak na nagkaanak sila ng babaeng minamahal noon pa man—si Desiree. Pero paano? dahil five years ago pagkarating niya sa America ay nagpacheck up pa siya. Dahil kakailanganin iyon para makumpleto ang requirements niya sa pamamahala ng kumpanya nila. Sa panahon na iyon ay dobleng pagluluksa ang naranasan niya. Dahil matapos siyang mawalan ng ama ay ang pagdating ng result ng health examine niya. Diumano'y zero percent chance na maaring magkaroon siya ng anak. Baog siya, paanong mangyayari na nakabuntis siya kung noon pa man ay tuluyan natuldukan ang pag-asa niyang magkaroon ng sariling pamilya. Galit at naninibugho siya kay Guiller dahil magkakaroon na ito ng buong pamilya! Habang siya na nagawan ng masama ng ina nito ay kahit na kailan hindi makakaranas niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD