CHAPTER TWELVE

1330 Words
MATAPOS ang unang session nila ay naging kumportable na si Desiree kay Ezekiel. Hindi na malamig ang pakikitungo niya rito. Kagiyat niyon ay napagtakhan niyang tila may nag-iba naman sa binata. Tila lagi itong iwas sa tuwing nagkakatitigan sila. “Siya sige mauna na ako Des, kung may kailangan ka ay tawag ka lang. Salamat nga pala sa niluto mong ulam kaninang tanghali,”wika ni Ezekiel habang isinusuot na nito ang longsleeve. Mula sa kasulok-sulukan ng isip niya’y naalala niya ang ina—si Dhalia. Lagi kasi siyang nilulutuan nito dati ng ginataang laing. Paboritong pagkain niya iyon. Bukod tanging iyon din ang laging iniluluto ng Mama niya. Sa pagkaalala sa masasaya at mapapait na alaala ng kanyang pagkabata ay muling niyang naramdaman ang pinakatatago niyang damdamin. Pinili na lang niyang isintabi iyon at magfocus sa kaharap na babae. “Wala iyon Doc Abenedi, masaya akong nagustuhan mo ang iniluto ko. Siya nga pala mga anong oras ka ulit dadaan para sa susunod na session natin?”Biglang naisatinig ni Desiree. Umiwas pa ito ng tingin na tila biglang nahiya sa kanya. Agad naman ang pagbaling ng pansin ni Ezekiel rito. Ewan niya ngunit ikinakatuwa niya na ito na ang mismong nag-open sa susunod nilang pagkikita. Maski naman siya ay nanabik na muli itong makasama. “Titignan ko ang schedule ko Desiree, for the meantime ay sundin mo lamang ang mga ibinilin ko sa’yo na gawin mo para kahit paano ay na-di-divert ang isip mo sa ibang mga bagay. Don’t worry ipadadala ko nextime ang mga librong maari mong mabasa. Also, ayusin mo rin ang oras ng pagtulog at pagkain mo. Mas mainam na nasa tamang oras lagi ang pagkain mo. Iwasan mong malipasan ng gutom at magpuyat…”mahabang bilin pa ni Ezekiel. “O-okay noted Doc Abenedi!”wika niya. Bigla ang pagtigil ni Ezekiel buhat sa narinig na tawag sa kanya ni Desiree. In instant ay mabilis siyang nakalapit sa babae. Napakurap-kurap naman si Desiree, dahil ilang dipa na lang ang layo ng mukha nila ni Ezekiel sa isa’t isa. Imbes na magalit at manermon ay tila may hinihintay pa siyang susunod na gagawin nito. “Remind ko lang Des, Ezekiel na ang itatawag mo sa akin. Masyadong pormal kapag tinatawag mo ako ng Doc o Sir, is that clear? Kung hindi ay baka… “biglang pambinitin nito. Masuyod naman tinitigan nito ang kabuuan ng mukha ni Desiree. Habang ang huli ay tuloy-tuloy lamang sa paglunok. Sa kaunting galaw ay magdidikit na ang labi nila. Kusa ng pumikit si Desiree at bigla na lamang niyang inihakbang patalikod ang paa ng maramdaman niya ang mainit na hininga ni Ezekiel na pumaypay sa kanyang mukha. Agad ang paghawak ni Ezekiel sa may beywang niya dahil sa kamuntik na siyang mawalan ng balanse at mapaupo sa lamesa nila. Hindi na napigilan ni Desiree ang mapasinghap ng maglapat na nga ng tuluyan ang katawan nila. Kusang pumikit ang mga mata niya. Maya-maya’y isang tikhim ang ginawa ni Ezekiel. Unti-unting iminulat ni Desiree ang mga mata ng marahan na siyang binitiwan nito pagkatapos. Agad ang paglipad ng pansin ni Desiree sa inabot na ballpen ni Ezekiel mula sa lamesa. Kaya upang dumukwang ito. “… muntik ko ng makalimutan.”Tukoy ni Ezekiel sa ballpen na hawak-hawak saka nito iyon iniligay mula sa loob ng coat nito. Agad umiwas ng tingin si Desiree, sa isip niya’y pahiyang-pahiya siya. Ito siya nag-iisip na gusto siyang halikan ng binata. Iyon pala, balak lang pala nitong kuhanin ang panulat nito na nasa lamesa. Inis na inis siya sa sarili! “Ah.. I see, sige na Ezekiel baka matraffic ka pa pauwi sa inyo.”pagtataboy na niya sa lalaki. “S-sige, okay lang ba na iwanan na kita ditong mag-isa o I shall have to wait your husband… “suhestyon ni Ezekiel na napatingin pa sa relos na suot. Mag-a-alas-singko pa lang naman. Sa ganitong oras ay matraffic na rin. “Sige ayos lang Ezekiel, maybe pauwi na rin iyon… See baka siya na nga iyan,”tuloy-tuloy na sabi ni Desiree matapos niyang madinig ang pagpihit ng seradura ng pinto. Tama naman na si Guiller ang pumasok. Bakas na bakas dito ang pagod. “Grabe, sobrang traffic at napakainit pa.”himutok nito na nagpupunas pa ng malagkit na pawis sa buong mukha. Agad nitong nilingon ang asawa na si Desiree at si Ezekiel. “Mukhang pauwi ka na Sir Abenedi. Kung gusto mo’y dito ka na maghapunan, pasasalamat ko sa pagtulong mo sa akin na makahanap ng bagong trabaho at sa therapy session nitong asawa ko… “sambot ni Guiller na ngiting-ngiti. “Ah… kasi…”gusto niyang I declined ang imbitasyon ni Guiller. Pero sa huli’y pumayag na rin siya. Nagpaalam na muna siya sa mag-asawang makikigamit muna ng banyo. “Sige lang, may isa pang CR diyan sa kabilang kwarto Doc...”pagbibigay ng direksyon ni Guiller. Tuluyan naman ng naglakad si Ezekiel. Matapos niyang maisara ang pinto ay walang pasakalye niyang hinawakan ang tigas na tigas niyang ari. Panay himas lang siya at hindi mapakali. Paano ba naman hindi siya titigasan sa pagkakalapit ng katawan nila ni Desiree. Plus na sobrang bango at lambot pa ng katawan nito! Hindi na nagdalawang-isip si Ezekiel. Mas nanaisin pa niyang mag hand job kaysa tikisin iyon. Dahil kapag nagpigil pa siya ay sobrang sakit sa puson ang iindahin niya. Sabagay, nasanay na siya sa hand job. Kailan ba siya last na nakipagtalik. Five years ago pa iyon, kung saan unang beses na magkagusto siya sa isang babae ngunit hindi niya napanindigan dahil na rin sa bagay na mas inuna niya. Ang kanyang ama na si Carl. Kinailangan niyang bumalik sa America para bantayan ito sa operasyon nito. Hindi naman niya pinag-sisihan na binigyan niya ng ganoong kahabang taon para makasama ito. Ngunit, tuluyan natuldukan niyon ang pag-asa niyang magustuhan ng babaeng minamahal niya. NAKADALAWANG bukas na ng bote ng beer sina Guiller at Ezekiel. Pagkatapos nilang kumain ay nag-aya ang una na mag-inuman muna sila kahit kaunti, pampantok kumbaga. “A-alam mo Sir Abenedi, n-napakasaya ko dahil nakilala k-ka namin ng asawa ko. Hindi ko aakalain na hulog k-ka ng langit sa amin. Hindi ko alam kung anong klaseng swerti at biniyaan kami ng Diyos ng katulad mo. S-sensya na mukhang lakas na ng tama ko. Pero ayun nga sir, para akong nagkaroon ng kapatid…”patuloy na pamumuri ni Guiller. Natigilan naman sa pagsimsim ng alak sa bote si Ezekiel. Biglang nag-isang linya ang mga mata, ramdam niya ang pagbigat ng pakiramdam niya. “Ako rin naman natutuwa ako na ganyan mo ako pinagtitiwalaan… “may himig na kalamigan at peke ang mga salitang nanulas sa bibig ni Ezekiel. Sa totoo lang natatawa siya na umaayon sa kanyang mga plano ang lahat ng ninanais niya. “Basta salamat Sir Abenedi, malaking utang na loob ko ang lahat-lahat ng naitulong mo napakabait mong tao.”pagpapatuloy ni Guiller na muli pang tumungga sa iniinom na bote. “Walang anuman… “maiksing hayag ni Ezekiel. Napadako ang tingin nito sa silid nilang mag-asawa. Sa mga sandaling iyon ay iniisip niya kung ano na ginagawa ng misis nito, kung ano kaya ang suot-suot nito. Kung makakapagsex pa ba ang dalawa. Sa itsura pa lang kasi ni Guiller ay mukhang hindi na ito makaka-round 1. “Basta Sir Abenedi, saludo ako sa pagiging makatao mo!”Kasabay niyon ang pagtaas ni Guiller sa hawak nitong bote. Agad naman pinagdikit nila ang mga hawak-hawak na bote. Matipid na lamang ngitian ni Ezekiel ito. “Sige lang, namnamin mo lang lahat ng tulong ko sa’yo Guiller. Lahat naman niyan ay sisingilin ko sa huli. Sa pamamagitan ng asawa mo—ng pamilyang binuo mo. Wala kang magagawa oras na maangkin ko ang lahat ng meron ka ngayon…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD