NAPALAPIT sa may pinto si Ezekiel. Muli niyang binalikan ng tingin ang suot na rolex ng mga sandaling iyon. Halos pinagpawisan siya pag-akyat sa naturang gusali.
Init na init na siya at halos manlimahid na siya sa pawis.
“Bakit isinakto pa kasi ngayong araw ang paag-aayos ng pesting elevator na iyan!”Gigil na asik ni Ezekiel. Unang araw pa lamang kasi ng plano niya upang mapalapit kay Desiree ay pinapahirapan na siya!
Napilitang ngumiti si Ezekiel ng marinig niyang magbukas at iluwa ng pinto mula sa loob si Desiree.
“Pasok ka Doc…”pormal na saad ni Desiree. Hindi pa nakakasagot ang binata ay tuluyan na siyang naglakad papasok.
Pinalis niya sa isipan ang kakaibang damdamin na lumukob sa kanya sa kaisipin na kasunod niya si Ezekiel. Lihim siyang napalunok ng sunod-sunod.
Dumiretso siya sa may kusina upang ipaghanda ito ng meryenda.
Pagbalik niya ay muntik pa niyang maihulog ang hawak-hawak na tray ng makita niyang huhubarin na nito ang longsleeve ng binata.
“Heep! Anong ginagawa mo? B-bakit ka naghuhubad Mr. Abenedi! A-akala ko ba ang ipinunta mo rito ay para sa therapy session natin sa sakit ko!”pautal-utal niyang sita rito. Tuluyan na niyang inilapag sa lamesita ang hawak-hawak.
“C’mon Des, inaalis ko lang coat ko dahil sobrang init…”paliwanag ni Ezekiel. Biglang umiwas ng tingin si Desiree ng makita niyang nakasuot pa rin naman ng white sando ito sa loob matapos na matanggal nito ang longsleeve.
“Tara mag-umpisa na tayo…”Mayamaya’y nawika ni Ezekiel. Agad ang panlalaki ng mata ni Desiree na masuyo siyang hawakan sa palad ng binata na agad niyang ipiniksi.
“A-akala ko ba m-magse-session tayo? B-bakit may pahawak-hawak ka pa sa kamay ko!”iritang sabi ni Desiree na nagkasalubong na ang kilay nito.
“Ano ka ba naman Desiree, simpleng hawak lang sa kamay mo kumikibot ka na. Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa loob ng pamamahay niyo, huh?”nakataas ang sulok na labi ng binata.
“E-ewan ko s-sayo, malay ko ba… “anas niya.
Naiiling naman na binitiwan at naupo si Ezekiel sa kaharap na sofa ni Desiree.
“Mrs. Jacinto, ang ipinunta ko lang naman rito ay matulungan ka sa pinagdadaanan mo. Ayon na rin kay Guiller ay malaking bagay na nag-offer ako ng serbisyo ko.
Gusto mo bang sabihin ko na lang sa asawa mo na heto ako nagmamagandang loob pero kung anu-ano ang iniisip ng babaeng tinutulungan ko.”mahabang eksplika ni Ezekiel na titig na titig rito.
Agad ang paghalukipkip ni Desiree sa harapan niya. Naiinis siya sa totoo lang, pero ayaw naman niyang madisappoint ang asawa niya.
“Huwag kang mag-aalala Des, hanggang pasyenti kita ay pinapangako kong wala akong gagawin na ikalalabag ng loob mo…”puno ng assurance na saad ni Ezekiel.
“Alright, madali naman akong kausap, sige na mag-umpisa na tayo. “tugon ni Desiree na naupo na.
Napangiti naman si Ezekiel. “… Ngunit titiyakin kong ikaw mismo ang magmamakaawang mapagbigyan ko.”nakakalukong sabi mula sa isipan ni Ezekiel habang titig na titig sa magandang mukha ng babae.
“Una sa lahat huminga ka muna ng malalim, saka ka magbuga ng hangin. Ulit-ulitin mo lang iyan hanggang maka five minutes ka. Then, pikit mo lang mata mo. Just relax, hayaan mong maging kumportable ka sa presensiya ko at sa buong paligid mo.”unang pagbibigay ni Ezekiel ng instruction rito.
Tuluyan naman sinunod ni Desiree iyon, hinayaan nitong isandig ang likod nito sa malambot na sofa. Patuloy lang ito sa ginawa.
Habang si Ezekiel naman ay nagdekuwatro at naglabas ng maliit na notebook at ballpen.
Manaka-naka siyang nagsusulat roon. Matapos ang limang minuto ay tuluyan ibinaba ng binata ang hawak-hawak. Tumayo siya at naglakad palapit sa babae.
Lumuhod siya at masuyo niya muling hinawakan ang palad nito. Sa mga sandaling iyon ay hindi na pumiksi si Desiree.
“Maari ka nang magmulat ng mata Des,”sagot niya.
Unti-unti naman nagmulat ito. Sa totoo lang ay kahit kaunti narelax siya sa ginawa.
“Maari ba akong magtanong sa’yo ng mga personal na bagay Des?”tanong ni Ezekiel na titig na titig sa ngiting nakapaskil sa labi ni Diseree.
“Sige, susubukan kong sagutin lahat ng mga itatanong mo Doc Abenedi,”sagot niya.
“Call me Ezekiel mas okay pakinggan.”
“But…”
“No more but, sundin mo na lang utos ko.”mando ni Ezekiel. Wala naman nagawa si Desiree at hinayaan iyon.
“Kumusta ang pagkabata mo Desiree, pwedi ka bang magkwento sa family background mo?”paunang pagtatanong ni Ezekiel sa babae.
Hindi maiwasan ni Desiree na mapangiti. “Sa totoo lang masaya ang pagkabata ko at ang pamilyang kinalakihan ko Ezekiel. Kahit kailan ay wala akong naging problema sa pamilya namin. Nag-iisa lang naman akong anak ng mga magulang ko. Maayos ang pagpapalaki nila sa akin. Halos ibinibigay nila ang lahat ng gusto ko…”mahaba niyang pagkwe-kwento.
“Habang nagdadalaga ka? Wala ka bang napapansin kakaiba? I mean, may mga bagay ka bang gustong gawin.”
Bigla naman natigilan si Desiree at mataman nag-isip. Halos lahat kasi nagagawa niya. Dahil hindi naman mahigpit ang mga magulang niya. Napakaspoiled nga niya.
“W-wala naman Ezekiel. Lahat nagagawa ko naman eh,”diretso niyang sabi.
“So… dumako tayo sa pag-aasawa mo. Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?”
Medyo irita siya sa tuno ng boses ng kaharap pero hinayaan niya lang iyon.
“O-oo naman… “nakagat niya ang labi at bigla niya rin iniiwas ang mga mata rito.
“Des, kung gusto mong maging maayos ang kalagayan mo. Please, tell me a honest answer is that clear.”direktang saad ni Ezekiel.
“K-kailangan pa bang sabihin lahat?”maktol na sabi ni Desiree.
Tumango-tango lang naman ito at tila naghihintay pa sa lahat ng sasabihin niya.
“Don’t worry your secrets is safe on me. Remember, this hours Im your physician and your my patient.”
Huminga muna ng malalim si Desiree at saka siya muling nagpatuloy sa pagsasalita.
“M-masaya naman ako sa pagsasama namin, p-pero normal naman siguro na minsan may hindi pagkakaunawaan sa mag-asawa diba? Hindi man perfect ang pagsasama namin bilang mag-asawa ni Guiller. Ngunit alam ko naman na aalagaan niya ako at hindi ako sasaktan…”nahimigan ni Ezekiel ang buong pagtitiwala ni Desiree sa sinabi nito. Saglit ang pagdaan ng mabigat na pakiramdam sa binata.
“Sige magpatuloy ka lang…”sabi na lang nito.
Kitang-kita na ni Ezekiel ang pag-aalangan sa mukha ni Desiree.
“Andito lang ako handang makinig…”wika pa niya.
“Ahmmm, s-sana hindi mo ako husgahan pagkatapos mo itong marinig… “
“Oo naman, isipin mong kaibigan mo ako na maari mong pagsabihan ng mga sikreto mo Des. Maiintindihan kita kung ano man iyan. “Pagbibigay payapa ni Ezekiel.
Napamaang ang binata dahil bigla ay napaiyak ito sa harap niya. Gusto niyang aluin ito, ngunit hinayaan niya lang.
“Sige lang Des, ilabas mo lang ang lahat niyan. Mas maganda para lumuwag ang nasa loob mo…”
Makalipas ang ilang sandali ay nagpupunas na ng luha ang babae, titig na titig lang naman si Ezekiel rito. Naiiling niya ang ulo, dahil gandang-ganda siya rito kahit namumula na ang ilong at mata nito.
“Okay ka na ba, you need something sweetheart?”tanong ni Ezekiel.
Iling lamang ang ginawa ni Desiree, pinunasan na nito ang mga luhang humalugpos sa pisngi niya.
“Ayos lang sige tuloy na natin, dati kasi f-five years ago may nangyari kasi sa akin… “bigla ang pagpanglaw sa mata ni Desiree. Agad inilihis ni Ezekiel ang pansin.
“Nagkaroon ng celebration sa kumpaniya. Sa isang beach resort nangyari iyon, lasing na lasing ako that time pero tandang-tanda ko ang lahat. M-may isang lalaking mapangahas na gumalaw sa akin…”
“G-galit ka ba sa nangyari?”bigla niyang naitanong. Nanatili pa rin sa notebook ang pansin ni Ezekiel.
“Ang totoo? H-hindi, parang nagustuhan ko ang nangyari. Ang ginawa niya, all this years, naalala ko pa rin siya n-na kahit nag-se-s*x kami ni Guiller ay sumasagi pa rin sa alaala ko ang nangyari sa amin ng lalaking hindi ko man lang nakilala.”may lungkot na nahimigan si Ezekiel kaya upang mabaling pansin niya rito.
“Bakit mo pa kinasalan ang asawa mo Desiree kung hinahanap mo pa rin pala ang presensiya niya?”Ang tanong na nagpapagulo rin sa isipan ni Desiree.
“D-dahil ang inaakala ko mahahanap ko kay Guiller ang pakiramdam na naramdaman ko dati. Ezekiel, masama ba akong babae?”Lalong lumungkot ang ekspresyon sa mukha ni Desiree.
“No, don’t worry tutulungan kita hangga’t sa makakaya ko. For now, mas tutukan mo ang baby mo okay?”marahan hinimas-himas ni Ezekiel ang braso ni Desiree.
Nagulat pa siya ng bigla na lamang yumakap ito sa kanya. Hindi na niya napigilan na tumugon at kabigin pang lalo ang katawan nito palapit.
“Kung sana, may lakas lang ako ng loob na sabihin ang lahat sa’yo, ginawa ko na. Pero hindi pa sa ngayon ang tamang pagkakataon Desiree…”bulong sa isipan ni Ezekiel.