CHAPTER 22 Antonio's POV Nasa opisina ako kasama ang kaibigan kong si Jake, nagkakape at nag-uusap tungkol sa mga bagong proyekto namin. Biglang lumapit ang secretary ko, halatang balisa. "Sir, we have a problem. Bumababa po ang sales natin sa black market," sabi niya, may halong kaba ang boses. Napatingin ako kay Jake, halatang nag-aalala rin siya. "How bad is it?" tanong ko habang tumatayo at kinukuha ang report mula sa secretary. "It’s significant, sir. We've lost about 30% in the past month," sabi niya habang iniabot ang mga dokumento. Kinuha ko ang report at binasa ito nang mabilis. Halata sa mukha ko ang pag-aalala. "We need to figure out what's causing this. Jake, any ideas?" tanong ko habang tinignan ko siya. "We need to investigate. Maybe it's a competitor or someone sabota

