Chapter 11
I am Ross
Pagkarating nila sa bahay ay hindi kaagad pumasok si Ross at dumiretso siya sa duyan na sinabit ni Mang Prodencio sa may puno.
Humiga siya sa duyan at pinilit na alalahanin ang nangyari kanina lang.
'Who is he?'
Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya at hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit kinakabahan siya kapag nakikita niya ang binata. Hindi siya mapakali kung nasa malapit lang ito.
"Ate Ross!"
Napalingon siya mula sa likuran niya at nakita niya ang anak ni Carlea. Patakbong lumapit ito sa kanya at may ngiti sa labi ang bata.
Bumaba siya mula sa duyan at
nakangiting binuhat niya ito. Magkatabi na silang nakaupo ngayon sa duyan.
"Ross, maiwan ko na muna sa 'yo si Ahmeed," sambit ni Carlea at naglakad na ito palayo sa kanila.
Naisip ni Ross na baka pinagbibilin nito sa kanya ang anak nito.
Ilang minuto pa silang nanatili sa tabing dagat. Oo nga pala, nakatulog siya sa kuwarto ng lalaking iyon kanina. Marahil ito rin ang naglagay ng kumot sa kanyang katawan.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano. Dahil hinayaan siya nitong matulog doon at gentleman naman ang binata, kasi hindi siya pinagsamantalahan ng siya'y natutulog pa.
Pero wala nga ba? Pero baka hindi naman at nagmalasakit pa nga ito sa kanya na dalhan siya ng tubig pero umalis siya kaagad.
Napabuntong-hininga na lamang siya at pinagmasdan ang asul na karagatan.
Nang mapansin ni Ross na dumidilim na ang kalangitan at mas lumalamig na ang simoy ng hangin ay napagpasyahan na niyang pumasok na sila ni Ahmeed sa loob ng bahay.
Nakahawak siya sa maliit na kamay ni Ahmeed at patalun-talon pa ito. Napapangiti na lang siya sa kakulitan ng bata.
Napangiti sina Carlea at Rie nang makita sina Ross at Ahmeed na masayang naglalakad palapit sa kanilang direksyon.
"Ang ganda talaga ni Ate Ross. 'Di ba, ate Carlea?" nakangiting tanong ni Rie sa kanyang kapatid at nakalumbaba siya sa mababang ding-ding ng maliit na sala nila.
Nakaupo sila sa mahabang silya na gawa sa kawayan at nakasunod ang kanilang mga mata sa dalawang masayang naglalakad.
"Oo nga. Kung madalas lang siyang ngumingiti," sagot ni Carlea.
"Kung hindi siya nakita ni tatay at nasagip kaagad ay baka wala na siya ngayon," malungkot na saad ni Rie at napatingin sa kanya ang ate Carlea niya.
"Tama ka Rie, pero sa ngayon ligtas na siya at hawak siya ng mabubuting tao."
"Talon! Talon! Talon, Ahmeed!" Dinig nilang sigaw ng batang si Ahmeed.
Napatawa sila parehas ni Rie. Talagang masyadong makulit ang anak ni Carlea.
"Talon! Ahmeed!"
"Naku anak, masyado kang makulit ano?" natatawang saad ni Carlea.
Napangiti na lamang si Ross at pumasok na siya sa loob ng bahay nina Rie.
"Kakain na tayo mamaya, at si nanay ay baka gagabihin nang uwi kasama sina Tatay. Kaya naman, Ross ay nagluto pa kami, kaya iniwan ko sa 'yo saglit si Ahmeed."
Isang malawak na ngiti na lamang ang kanyang sinagot kay Carlea.
"Sana ate Ross araw-araw kang nakangiti," nakangiting saad ni Rie.
"Hay naku, tara na sa loob!" natatawang saad ni Carlea at marahang hinila nito ang anak na si Ahmeed.
"Tara na po, ate," ani Rie at ito naman ang humila sa kanya.
***
It was exactly 8:30 in the evening when Jorden finally waking up . Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya kanina.
Napadapa siya at tinukod ang kanyang panga sa unan. Nakapikit pa ang kanyang mga mata.
Bahagyang tiningnan niya ang orasan na nasa bed-side at napangiti siya.
Sasabak na naman siya sa labanan ngayon. Bumangon na siya at mabilis na lumabas mula sa loob ng silid niya.
It's time for his dinner, matitikman na naman niya ang masarap na luto ni Aleng Camnia.
Talagang hindi siya magsasawa sa mga luto nito.
***
Kinaumagahan
Maaga nang nagising si Jorden kinaumagahan at naligo siya kaagad.
He's wearing a color cream T-shirt and dark blue board-shorts. Ginulo-g**o niya lang ang kanyang buhok.
Nilibot niya ang kabuoan ng bahay-bakasyunan at pa-simpleng tinitingnan ang mga kuwarto.
Honestly speaking, hinahanap na naman niya ang dalaga. Sigurado talaga siya na isang bisita iyon. Kasi kung isang staff nila rito ay nakasuot sana ito ng uniporme.
Napansin niya na mahilig ito magsuot ng old fashion na bistida. Pero kahit ganoon ay bumagay pa rin sa dalaga.
He likes women who's sophisticated and looks professional. Ayaw niya sa mga babae na parang makaluma kung umakto pero gusto niya sa mga babaeng inosente.
Hanggang sa nakalabas na si Jorden mula sa loob ng bahay-bakasyunan ay hindi niya nakita ang babae.
Dumiretso na lang siya sa tabing dagat at naglakad-lakad.
***
Nakaupo lang sa buhangin si Ross. Kanina inaya na naman siyang pumunta sa bahay-bakasyunan at parang na-excite siya. Ang kaso hindi na naman niya nakayanan ang maglakad kaya nagpaiwan na lang siya malapit sa mga maliliit na bangka. Hindi naman ito kalayuan.
Nagdadalawang-isip pa nga si Rie kung iiwan ba siya o hindi. Pero sumenyas na lamang siya na ayos na siya rito. Napipilitan itong iwan siya.
Pinaglalaruan niya lamang ang buhangin.
Nakasuot na naman siya ngayon ng floral strap dress na hanggang tuhod niya lang ang haba nito.
Hinayaan niya lang nakalugay sa balikat at likuran niya ang mahaba niyang buhok na kulot.
***
Sa ilang minuto na paglalakad ni Jorden ay may natanaw siya na isang pigura ng babae. Nakaupo ito sa buhangin na nasa tabing dagat.
Parang pamilyar sa kanya ang pigura ng babae, kaya naman ay walang pag-aalinlangan na lumapit siya sa direksyon nito.
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya nang makita niya ulit ang ito.
Tingnan mo nga naman ang tadhana ay sadyang mapagbiro. Kanina hinahanap niya ito pero hindi niya nakita kahit anino man lang nito.
Tapos kung hindi na niya hahanapin ay siyang matatagpuan na naman niya itong mag-isang nakaupo.
"Good morning," malambing na bati niya at kunot-noong napalingon ito sa kanya.
Nagulat si Ross nang makita na naman niya ang binata. Binati siya nito sa malambing na boses na akala mo naman ay magkakilala na sila.
Napaigtad siya nang bigla itong tumabi nang upo sa kanya.
Naramdaman niya ang bahagyang pagdampi ng braso nito at malabahibong tuhod nito.
"Who am I?" kunot-noong binasa nito ang kanyang sinulat sa buhangin.
"Seriously?"
Magkasalubong ang kilay nito nang tumingin sa kanya at muli siyang nagsulat sa buhangin.
'I am Ross.''
"I am Ross. Your name is Ross?" tanong nito pero may pagdududa sa boses. Nakataas pa ang sulok ng labi nito.
Tumango lang siya at tiningnan ang karagatan.
"Rose... Ross. You are beautiful, are you aware of that?"