Chapter 10
Kaba at takot
Ross was awake from the familiar room. This is the same room when she entered last night.
Her eyebrows meet and confused are written on her beautiful face. Paano na naman siya nakapunta rito sa loob ng kuwarto na ito?
Napabangon siya at bumaba ang kanyang mga mata sa kumot.
May taong nagkumot sa kanya habang natutulog siya.
She turned to her left side at nakita na naman niya ulit ang painting.
Sigurado siya na nakita na niya ito somewhere pero hindi niya lang matandaan at maalala.
"You like that painting?" She was shocked when she heard his familiar voice again, a husky voice.
Ang malamig na boses nito at ang dahilan na naman nang pagbilis nang t***k ng puso niya.
She saw a man, sitting on the sofa at naka-cross legs pa ito. It seems he's reading a book. Binaba nito ang librong binabasa sa coffee table.
Tumayo ito at lumapit sa kanya, naninimbang na tinitigan siya ng lalaki at bahagya siyang napa-atras sa kama dahil sa gulat.
"How's your sleep, my sleeping beauty?" malambing na tanong nito sa kanya at gumalaw ang labi niya.
She composed herself to say something, she finally understand what he said but it's hard to speak. Why? Why she have this feeling that she can't speak as well?
Bakit sobrang mabigat ang kanyang mga labi at panga?
"Who are you?" muling tanong ni Jorden sa dalaga.
Malamig din itong nakatingin sa kanya. Bahagya siyang yumuko para mas matitigan nang husto ang hitsura nito. Hindi talaga siya magsasawang titigan ang maamong mukha nito.
Napangisi siya nang umatras ito mula sa kama. Nilagay niya ang kanang kamay niya sa kama na nasa left side nito.
Bahagyang nilapit niya ang kanyang mukha palapit sa mukha ng dalaga.
Napasinok ito at mas napangisi siya.
"I'm asking you sleeping beauty. Who are you?"
Bumaba ang mga mata niya sa labi nito. Nagsimula itong gumalaw at hinihintay niya na sasagot ito sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo nang bigla itong nanginig.
Isang pag-ungol lang ang kumawala sa bibig nito and he's confused.
What happened? Bakit parang nahihirapan itong magsalita? Naka-sunod ang kanyang mga mata sa labi nito na paulit-ulit na gumagalaw.
One thing he realized ay nahihirapan na itong huminga at nakaramdam na naman siya nang kaba at takot.
"Oh, s**t!" malutong na pagmumura niya at tumabi siya nang upo sa dalaga.
Mabilis niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi. He saw her tears falling on her cheek. Nakapikit na ito at habol ang hininga.
He hate himself for the first time. Parang gusto niyang suntukin ang sarili niya.
"Hey...stop, it's okay. You don't need to answer. Hey... I'm sorry, come on breath in. Stay calm and relax yourself," aniya sa mahinang boses.
At dahil naintindihan iyon ni Ross ay sinunod niya ang mga sinabi nito. Talagang nahihirapan pa siyang magsalita. Parang masakit ang lalamunan niya.
Sumikip ang kanyang dibdib at umagos lang ang masagana niyang luha. Ramdam niya ang mainit na kamay nito na nasa magkabilang pisngi niya.
"Breath, come on..."
Ilang segundo ang nakalipas at nakahinga na siya nang maayos. Bumalik na sa normal ang pakiramdam niya.
Hindi naman maintindihan ni Jorden kung bakit ba palagi siyang nakakaramdam ng takot at kaba sa tuwing nakikita niyang nahihirapang huminga ang babae?
"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya rito.
Tumango lang ang dalaga sa kanya at nakahinga siya nang maayos.
Nagtataka siya kung bakit nahihirapan itong magsalita. Nanginginig agad ang mga labi nito at nahihirapang huminga.
"Bakit hindi ka makapagsalita? May sakit ka ba? O sadyang hindi ka lang nakaka-pagsalita?" sunud-sunod niyang tanong sa dalaga. Pero kumunot lang ang noo nito at mataman siyang tinitigan.
"Mangkukulam ka ano? Ginayuma mo ako, kaya ganito na lang ako kung magkagusto sa 'yo at mag-alala ng husto?" tanong niya na may pagka-inis sa tono pero hindi naman nagsalita ang babae. Hindi ito sumagot sa kanya.
"Are you thirsty? You want to drink something?"
Napatango ito sa tanong niya at napangiti siya.
"Alright, stay here and I'll bring you something to drink."
Tumayo siya at naglakad patungo sa pintuan. For the last time tinapunan niya nang tingin ang dalaga. Nakasunod lang ang mga mata nito sa kanya.
Saka siya nagtungo sa kusina at may ngiti sa labi. Pero hindi na naisip ni Jorden na maaaring lumabas ang babae mula sa loob ng kuwarto niya.
Pagkalabas lang ng binata ay tumayo na si Ross at lumabas na ng kuwarto nito. Pero sa sliding door siya ulit lumabas.
Nakita na naman niya si Rie at parang na ulit ang pangyayari kagabi.
"Ate Ross! Saan ka na naman ba nagpunta? Naku ilang oras na akong naghahanap sa 'yo! Nagtanung-tanong na ako sa mga staff at bisita kung nakita ka ba nila. Pero wala naman daw. Tapos narito ka lang pala sa pool," mahabang saad nito at halata sa boses nito ang pag-alala sa kanya.
Marahil hinanap nga siya nito, isang ngiti lang ang sumilay sa mga labi niya at hinila na siya ni Rie.
"Umuwi na tayo, ate Ross. Sobra ang kaba ko kanina, akala ko nawala ka na."
Nakalabas na sila mula sa bahay-bakasyunan. When someone bumped to Ross.
Muntik nang matumba si Ross at buti na lang ay mabilis na nahawakan siya ni Rie sa braso at isa pa nakahawak naman talaga ito sa kanya.
"Look what's your going!" naiinis na sigaw ng babae.
Nakasuot ito ng summer dress at mukhang kagagaling lang ito sa paglalangoy sa dagat. Basang-basa rin naman ang maikling buhok nito.
Maganda naman ito at may katangkaran. Maputi rin ang babae.
Model type.
"Ayos ka lang ba, ate Ross?" nag-aalalang tanong ni Rie at nakasunod ang kanyang mga mata sa papalayong likuran ng babae.
'She...looks familiar, too.' sambit niya sa sarili.
"Tara na, ate Ross. Walang galang ang babaeng iyon. Siya pa ang nakabangga, eh, siya pa ang nagalit, tsk."
Umuwi na lang sila pagkatapos at naka-kunot pa rin ang noo ni Ross at gulung-g**o ang isipan.
***
Nawala na naman ang ngiti sa labi ni Jorden, nang muli siyang pumasok sa loob ng silid niya. For the second time around ay nilayasan na naman siya ng dalaga.
"Ano ba talaga ang totoo? Mukha ba akong pang-iwanan ng tao?Tsk."
Excited pa naman siyang makabalik sa loob ng kuwarto niya para pagmasdan ulit ang mukha ng dalaga. Pero, talagang iniwan na naman siya nito.
Ininum na lamang niya ang dala niyang tubig at naiinis sa sarili.
"Ang gago mo kasi Jorden Greycent, eh! Bakit hindi mo naisip na puwedeng iwan ka na naman niya? Haist!"
Marahan na binagsak niya ang kanyang sarili sa kama niya at naaamoy pa niya ang natural na pabango ng dalaga.
"Ginayuma niya yata ako," parang baliw na sambit niya at mariin na pumikit.
Kanina ay talagang pinagmamasdan niya lang ito. Kahit mahimbing ang tulog at talagang hindi niya tinantanan. Napangiti siya. Para siyang baliw at na-obssessed sa isang bagay.
***
Galit na galit si Farchiara at nagdire-diretso lang sa banyo para magbanlaw ng katawan.
Ginawa na niya kanina ang paghubad at pagligo sa dagat pero walang Jorden Greycent Aligrossa ang lumapit sa kanya. Hindi ito nagpakita, ni anino ay hindi niya rin nakita.
Kaya naiinis na siya sa sarili niya o baka naman sadyang hindi naakit sa kanya ang binata?
"Ahh!" naiinis na sigaw niya at sinabunutan pa ang kanyang sariling buhok.
Kung may makakakita lang sa kanya ay marahil pagkakamalan siyang baliw at nasiraan ang ulo.