CHAPTER 9

1118 Words
Chapter 9 Sleeping beauty Marahang tinulak ni Mang Prodencio ang maliit na bangka sa dagat at 'sakto ito sa tatlong tao. Gusto kasi nina Fastian at ang asawa nito na ilibot ang isla kaya gumamit sila ng bangka. "Come on, sweetie, ayaw mo ba talaga?" tanong ng asawa ni Fastian sa anak nila na si Farchiara. Walang emosyon ang mukha nito at mukhang bad trip. Honestly speaking, kanina pa itong bad mood. Tila wala itong ganang mag-enjoy sa isla. Nakasuot ito ng summer dress na umabot sa tuhod nito. May suot ding white blazer ang dalaga. Maganda ang katawan nito kaya naman bumagay ang suot nitong summer dress. Kaya halos ng mga staff sa bahay-bakasyunan ay kay Farchiara nakatingin. "No, mom. I'll stay here. Kayo na lang po ni dad," walang buhay na sagot nito at tumango na lang ang asawa ni Fastian. "Alright, mukhang bad trip ang anak natin, honey," natatawang saad ni Fastian sa asawa at napapailing na lang din. Umikot ang mga mata ni Farchiara sa hangin saka siya tumalikod at dumiretso sa maliit na cottage. Sumakay na sa maliit na bangka ang mag-asawa at si Mang Prodencio ang nagsagwan dito. Masayang naglibot ang mga ito sa isla. *** Padabog na umupo si Farchiara sa upuan ng cottage at hinablot ang phone nito sa table. Tinawagan nito ang kaibigan, ilang ring lang at sinagot ito kaagad. "Ang sabi mo gusto ni Jorden sa mga inosente at conservative na babae?!" naiinis na sigaw niya mula sa kabilang linya at nagulat ang kaibigan nito sa biglaang pagsigaw niya. "Girl easy, Jorden Greycent likes people who looks innocent and conservative woman. But the truth is gusto niya sa mga babaeng sophisticated at marunong sumakay sa mga laro niya. And you've got a looks naman, Farchiara my dear, madaling ma-attract si Mr.Playboy. Can you just wait?" natatawang saad ng kaibigan niya mula sa kabilang linya. And for the second time around. Umikot na naman ang kanyang mga mata dahil sa inis. "What the hell ever," naiinis na saad niya at pinatay ang tawag. She likes Jorden, yeah. Kaya tinanong niya sa kaibigan na kung ano ba ang tipo nito sa isang babae at sinabi nga ng kaibigan niya. She's sophisticated and successful woman, and she have beauty para maakit niya ang binata. Ang kaso parang wala namang nangyayari. Ni hindi man lang ito sumusulyap sa kanya. Feeling niya balewala ang beauty niya sa binata. Dahil sa inis niya ay hinubad niya ang kanyang blazer at tinapon sa kung saan. Saka sinunod na hinubad ang summer dress niya. Tanging swimsuit na lang niya ang kanyang suot. "I know, nasa paligid ka lang Mr. Alligrossa. Tingnan na lang natin kung hindi ka pa lalapit sa akin. Aba! Alam ko rin na isang sexy rin ang tipo mong babae!" aniya at naglakad ulit palapit sa dagat. Well, open naman ang ganoong kasuotan sa Rossa Island. Marami rin siyang nakita na naliligo sa dagat nang naka-ganoon. Kaya okay lang. *** Binaba ni Jorden ang malaking pinggan sa lamesa at natawa si Aleng Camnia sa kanya. Humigop siya ng sabaw at talagang hindi na siya gumamit pa ng kutsara, kundi tinungga niya ang malaking pinggan. Busog na busog siya at pakiramdam niya malaki na ang tiyan niya. Marami siyang nakain at naka-dalawang plato siya ng kanin. "Busog ka na? Gusto mo pa ba hijo?" natatawang tanong sa kanya ng ginang at mabilis siyang umiling. "Mamaya na po, ang dami ko ng nakain." Napahawak siya sa kanyang tiyan at marahan na hinimas-himas ito. "Pakiramdam ko po sasabog na ang tiyan ko, Aleng Camnia." Parehas silang natawa ni Aling Camnia sa sinabi niya. "Naku, tumayo ka na Jorden at maglakad-lakad. Baka mamaya sasakit pa ang tiyan mo at hindi ka matunawan," saad nito at tumayo na nga siya. "Salamat po sa pagkain," aniya at nginitian lang siya ng ginang. Lumabas na siya mula sa kusina at hawak-hawak pa rin niya ang tiyan niya. Tagaktak siya ng pawis. Sino ba naman ang hindi papawisan kung kalaban mo ang masarap na pagkain? Natawa siya at naglakad na patungo sa kuwarto niya. Kailangan niyang maligo para mawala ang amoy na kinain niya kanina lang. Pagkapasok niya sa loob ng kuwarto niya ay dumiretso siya sa banyo at naligo na. *** Sa kabilang kuwarto naman ay nagmamadaling nag-ayos ng kumot at bedsheet si Rie para matapos na siya kaagad. Dadalhan niya ng miryenda ang ate Ross niya sa silid-aklatan. Natuwa siya nang nalaman niyang nakakabasa nga ang dalaga at hindi totoo ang hinala niya na isa itong pipi. Sa wakas natapos siya at mabilis na kinuha ang bedsheet na pinalitan niya saka siya lumabas. Dinala niya ito sa laundry at naabutan niyang naglalaba si Aleng Osca. Ang ginang pala ang nakatuka sa paglalaba ngayong araw. "Pakilabhan na lang po 'to, Aleng Osca! Salamat po!" magalang na sabi niya at patakbong lumabas din kaagad. Pumasok siya sa kusina at kumuha ng dalawang sandwich. Binuksan ang ref at kumuha ng juice. Tinungo ang silid-aklatan pero napahinto siya nang makita na wala roon si Ross. "Saan na naman kaya nagpunta si ate Ross?" nagtatakang tanong niya sa sarili at lumapit sa lamesa. Nilapag niya ang dalang miryenda sana para sa kanilang dalawa. Saka hinanap ang dalaga. *** Lumabas si Jorden mula sa banyo, pagkatapos niyang maligo at nakatapis lang ng tuwalya. Ginulu-g**o niya ang kanyang basang buhok at naglakad palapit sa closet niya. He picked his boxer and his white t-shirt. Kasalukuyan siyang nagsusuot ng kanyang damit nang dumapo ang mga mata niya sa kama. 'What the...' Lumapit siya sa isang babaeng nakahiga sa kama niya at kumunot ang kanyang noo. Tiningnan niya ito nang maayos at gayon na lang ang saya niya nang makilala ang dalaga. Mahimbing itong natutulog sa kama niya na nakadapa. "Kung sinuswerte ka ba naman Jorden Greycent. Kung saan kita unang nakita ay dito ka rin pala matatagpuan," natatawang saad niya at umupo sa tabi nito. Hinawi niya ang kulot na buhok nito na tumatabing sa mukha nito. Mas nasilayan niya ang magandang mukha nito. Talagang kaakit-akit nga ito. No doubt, kung bakit nahirapan siyang nakatulog kagabi sa kakaisip sa dalaga. "Wow," manghang sambit niya at pinadaanan niya ang daliri niya sa matangos at maliit nitong ilong. Pababa sa labi nito at pataas sa makakapal na kilay. Para itong ginuhit lang. Mahahaba at malalantik ang pilik mata nito. "Gustung-gusto mo talaga rito sa loob ng kuwarto ko, huh sleeping beauty," naiiling na saad niya at lumayo sa babae. Kinuha niya ng extrang kumot at kinumutan ang itl. Tinitigan ito at hindi niya mapigilan ang mapangiti. Parang nagkaroon siya ng magandang view at hindi nakakasawang titigan ito buong araw. "Sleep well, sleeping beauty..." he said with his husky voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD