Chapter 8
Pride and Prejudice
Pumasok sila sa isang malaking kuwarto at maraming mga damit ang naka-hunger doon.
May black shoes at white shoes ang naka-display. Kuwarto ito ng mga staff nila, naroon ang mga uniporme na sinusuot nila sa pagta-trabaho sa bahay-bakasyunan.
"Ate, magpapalit lang po ako, ah."
Nakasunod ang mga mata ni Ross kay Rie nang kinuha nito ang white long sleeve at slack na kulay krema.
Hinila siya nito upang maka-upo sa isang maliit na sofa.
"Maupo ka lang dito, ate Ross. Kung gusto mo maglibut-libot ka rito. Oo, nga pala! May silid-aklatan dito, maaari kang pumunta roon," masayang sabi nito.
Napakagat-labi lang siya, sinusubukan niyang intindihin ang mga sinabi nito pero sadyang wala talaga siyang naiintindihan.
'At-te Ross,' sambit niya sa isip niya.
Iyon ang madalas na naririnig niya mula kay Rie at pati sina Aleng Camnia.
'Ross', bigkas niya sa pangalan na binigay sa kanya ni Rie.
'Maybe, that's my name? Ross...'
***
Dumiretso si Jorden sa kusina at naabutan niya roon ang asawa ni Mang Prodencio na si Aleng Camnia.
Kasalukuyan itong naghuhugas ng mga plato.
"Magandang hapon ho, Aleng Camnia," bati niya sa ginang at bahagya pa itong napapitlag dahil sa gulat.
Ngumiti ito nang makita siya at mabilis na lumapit sa kanya.
"Naku, Jorden binata ka na pala! Totoong narito ka nga. Ang akala ko ay nagbibiro lamang ang Mang Prodencio mo, na sa wakas ay bumisita ka rito sa isla," masayang saad ng ginang at nagmano siya rito.
"Opo, sinamahan ko lang ho ang kaibigan kong si Fastian," magalang na wika niya.
"Naku, ang tagal mong nawala sa isla. Kumain ka na ba, hijo?" tanong nito sa kanya at umiling lamang siya.
"Late na po akong nagising, eh. Kaninang hapon lang ho ako nagising, Aleng Camnia," saad niya at sinabayan nang halakhak.
"Kung ganoon, hindi ka kumain ng agahan mo at pananghalian. Naku itong batang ito, maupo ka riyan at ipaghahanda kita ng pagkain. Marami akong nailuto," saad nito at hinayaan na niya ang ginang na maghanda ng pagkain niya.
Well, sanay siyang pinaghahain nito at hindi naman niya ito matatanggihan.
Umupo na lamang siya at hinintay ang...ah...brunch niya.
***
Tinutulak ni Rie mula sa likod si Ross, patungo ito sa silid-aklatan. Gusto niyang doon manatili ang dalaga.
Kung ang sabi ng nanay Camnia niya na nahihirapan lang itong magsalita ay baka makakatulong kay Ross ang magbasa ng mga libro.
Baka mapag-aralan ulit nito ang magsalita. Malaking tulong ang pagbabasa nito.
"Magbasa ka lang doon, ate Ross. Makakatulong po iyon sa 'yo. Para makakapagsalita ka na. Dadalhan kita mamaya ng miryenda mo o kung magutom ka, lumabas ka at magtungo ka sa kusina. Naroon si nanay."
Muli silang pumasok sa isang malaking silid, but this time. A lot of books was there inside.
Pinasadahan niya ang kabuoan ng silid-aklatan.
'Library...' aniya.
Hindi na siya nagpatulak pa kay Rie at siya na ang kusang humakbang palapit sa bookshelf.
Amazed are written on her face, parang ngayon lang siyang nakakita ng maraming libro sa buong buhay niya.
Pinadaanan niya ang mga daliri niya sa libro at nakakabasa pala siya!
'The swiss family Robinson and was written by Johan Wyss. Moby d**k, The legend of sleep hollow and Rip Van Winkle," basa niya sa title ng mga libro.
"Nakakabasa ka ba, ate Ross?" tanong ni Rie sa kanya.
Nilingon niya ito at tinanguan na niya lang si Rie. Isang pagtango at pag-ngiti lang naman ang naisasagot niya sa mga ito.
"Wow! Sige na ate, magbasa ka na, lalabas na rin po ako."
Pinanood niya lang ang likuran ni Rie na lumabas na at muli niyang tiningnan ang mga libro.
'Pride and prejudice,' basa niya sa isang title ng book at biglang kumirot ang ulo niya.
Napa-atras siya at napahawak sa ulo niyang kumikirot. B-bakit parang pamilyar sa kanya ang title ng book na ito?
It seems she read this somewhere pero hindi siya sigurado. Hindi niya maalala.
Kung nabasa na niya ito somewhere ay baka may kaunti siyang maaalala rito. Kung kaya naman ay hinablot niya ito at binuklat.
Pamilyar nga sa kanya. Umupo siya sa chair na malapit lang din sa bookshelves. Sinimulan niyang basahin ang unang pahina ng libro.
***
"Kumain ka lang Jorden, alam kong paborito mo ito," saad ni Aleng Camnia kay Jorden.
Naghain ito ng paborito niyang inihaw na isda at may souce pa ito na puwedeng isawsaw. Naghain din ito ng tinulang isda at seafoods.
Kinuha niya ang kutsara at humigop ng mainit na sabaw. Nalasahan niya ang masarap na niluto ng ginang.
She's not a chef but her cooked was the best. Masarap talaga magluto ang ginang at nakakaganang kumain.
Kahit na busog ka na ay naroon pa rin ang gana niyang kumain sa mga luto nito.
Naalala niya noong bata pa siya ay madalas niya itong nilalapitan at nakikiusap na ipagluto siya. Kahit hindi pa oras ng pagluluto nito.
"Ang sarap pa rin ho ng luto niyo, Aleng Camnia! Na miss ko po ang mga luto niyo," maayang komento niya at tinawanan lang siya nito.
"Ganyan na ganyan pa rin ang reaksyon mo Jorden, sa tuwing tinitikman mo ang mga luto ko. At talagang hahanap-hanapin mo ang mga luto ko eh, ang tagal mo nang hindi dumadalaw rito, aba."
"Busy lang po ako sa trabaho ko, Aleng Camnia."
"Sinabi nga 'yan ng iyong ina," saad nito.
Nilagyan nito ng kanin ang plato niya at dinamihan pa ng ulam.
"Kumain ka rin ng kanin hijo. Ngayong araw ay talagang mabubusog ka," nakangiting sambit nito.
Si Mang Prodencio at Aleng Camnia ay parang pangalawang magulang na niya. Mabait ang mga ito at maalaga.
Kaya gustung-gusto niya ang mag-asawang Talosig at malapit sa kanya ang mga loob nito.
Sa kanila lang siya mabait and the rest hindi na.
Kumain na lang siya at sinimulan tinikman ang mga masasarap na luto ng ginang.
***
Tatlong pahina lang ng libro ang naibuklat ni Ross at hindi na niya nakayanan ang sakit ng ulo niya.
Binalik niya ito at sa pinaglalagyan ng libro at humakbang siya patungo sa pintuan habang hawak-hawak niya ang kanyang ulo. Sobrang sakit nito at parang mabibitak, pakiwari niya.
Ang akala niya ay may maalala siya kahit kaunti lang ngunit mas sumakit lang ang ulo niya.
Dahan-dahan siyang lumabas mula sa silid-aklatan. Gusto niyang magpahinga at matulog para mawala ang pagkirot ng ulo niya.
Napatingin siya sa isang pintuan at hindi siya nagdalawang isip na pumasok doon.
Humiga kaagad siya sa kama at napapaungol dahil sa sakit.
Binasa lang niya ang 'Pride and Prejudice' ay mas sumakit ang kanyang ulo.
Sa ilang segundong pagtitiis niya sa sakit ay hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa malambot na kama.
Hindi alintana na baka may pumasok ang may-ari ng silid na 'yon. Mas mahalaga sa kanya ang magpahinga at matulog.