CHAPTER 7

1536 Words
Chapter 7 Searching for her Late nang nagising si Jorden kinaumagahan, dahil kagabi ay hindi siya mapakali. Gulung-g**o ang kanyang isip, kung sino ba ang babaeng pumasok sa loob ng kanyang kuwarto. Sa katunayan nga ay madaling araw na siyang nakatulog. Hindi maalis-alis sa isip niya ang maamong mukha ng dalaga. Bigla ba naman kasi itong umalis, kaya hayan tuloy hindi niya natanong ang pangalan nito. Gumulung-gulong pa siya sa kama niya at hanggang sa dumapa siya. Iba ang kanyang pakiramdam. Bakit ba ang mukha na lang ng babaeng iyon ang nakikita niya. Kahit ang pagpikit ng kanyang mga mata ay siya ring lilitaw ang maamo nitong mukha. "Ah, Jorden Greycent, baliw ka na!" aniya at sinubsob ang kanyang mukha sa unan. Malakas talaga ang espiritu ng babaeng 'yon o baka mangkukulam kaya ganito na lamang ang epekto sa kanya. Padabog na tinapon niya ang kanyang unan at napabalikwas nang upo. "Napaka mo naman kasi! Napaka-unfair mo! Bakit ba kasi bigla kang umalis kaagad?" wala sa sariling sambit niya at napasa-bunot siya sa sarili niyang buhok. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata niya at parang inaantok pa siya. Napatingin siya sa orasan na nasa bed-side table niya. "What the? One pm na?" gulat na sambit niya sa sarili at bumangon. Ala-uno na ng hapon at kaya naman pala'y nakaramdam na siya ng gutom. Dumiretso siya sa banyo, nagsipilyo at naghilamos. Pagkatapos ay kumuha siya ng puting sando sa loob ng closet niya at mabilisan itong sinuot saka siya lumabas ng silid. Oo nga pala, hahanapin pa niya ang babae kagabi at titingnan na rin ang listahan ng kanilang bisita. "Sigurado ako na ang isa kang bisita. You are so damn beautiful," mahinang sabi niya at may ngisi pa sa kanyang labi, para siyang baliw na nagsasalita sa loob ng bahay-bakasyunan. Napahawak siya sa labi niya at mas lumawak pa ngisi niya nang may naalala. "Ah, her sweet and soft lips. I want to taste it, again." Naglakad siya palabas ng bahay at sumalubong agad sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Napatingin siya sa isang cottage na hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Nakapamulsang naglakad siya patungo roon. Nakita niya na nag-e-enjoy ang kasama niya at ang pamilya nito. Pagkalapit niya ay kaagad niya itong binati. "How's your vacation here, Fastian?" magalang na tanong niya at ngumiti ang matanda sa kanya. "Jorden! Hey, maayos naman. Ang gaganda ng mga kuwarto niyo rito. Bakit ngayon ka lang pala lumabas?" "Ah...may inasikaso lang ako sa opisina," pagsisinungaling niya. Tama naman may opisina sa loob ng bahay-bakasyunan nila. Naroon sa loob na iyon ang mga importanteng papelis at mga listahan ng kanilang bisita. "Oh, Jorden, ang sipag mo naman hijo," manghang komento ng asawa ni Fastian at nginitian niya na lang ang ginang. Napasulyap siya sa anak nito, tahimik lang itong nakaupo at nagmamasid sa kanila. Mabilis na nag-iwas ito nang tingin sa kanya ng mahuli niya na nakatitig pala ito sa kanya. Bakit yata naglaho agad ang plano niyang akitin ang babae? Parang nawala ang exciting niya rito. "Ah, maiwan ko na muna kayo rito, enjoy your vacation here, Fastian and madam,"pagpapaaalam niya sa mga ito at tinanguan lang siya ng ginang. "Sure, Jorden," saad ni Fastian. Muli siyang naglakad papasok at tinahak ang daan patungo sa kung saan ang opisina. Oras na upang hanapin ang babaeng 'yon. *** "Ate, Ross bakit ayaw mo nang sumama?" biglang tanong ni Rie kay Ross. Inaya niya itong bumalik sa bahay-bakasyunan ngunit humiga lang ito sa kama niya. "Ate, hindi mo ba nagustuhan ang kagamitan doon?" pangungulit niya rito. Nakahiga lang si Ross sa kama at tinatamad talaga siyang tumayo at kanina pa siya kinukulit ni Rie. Talagang hindi niya naiintidihan ang mga sinasabi nito pero para siyang kinukulit na tumayo at inaayang lumabas ng bahay. She closed her eyes at bigla rin siyang napamulat nang makita ang isang imahe ng lalaki. Kumunot ang kanyang noo at bumilis ang t***k ng puso niya. Bakit ba niya naalala ang lalaking iyon? Naalala niya na binitawan siya nito kaya siya nahulog sa pool. Pero niligtas naman siya nito pagkatapos n'on. Muling hinila ni Rie ang kanyang braso at pinipilit talaga siya nitong tumayo. "Tara na, ate Ross! Samahan mo na ako please!" nakangusong sambit nito at na cu-cute-an siya. She can't reject her and she stood up from the bed. Hinayaan na lang niya itong hilahin siya sa kung saan man. Hayaan na nga. *** Nakasalubong ni Jorden si Mang Prodencio at may isang lalaki itong kasama. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki, pero marahil ay isang staff nila ito. "Magandang hapon ho, Mang Prodencio," bati niya sa matanda nang makalapit siya rito. "Oh, Jorden magandang hapon din sayo, hijo. Hindi kita nakita kaninang umaga," saad nito at napakamot siya sa ulo niya. "Kanina lang po ako nagising, eh," nahihihang sambit niya. "Ay, teka hindi mo pa pala kilala ang kasama ko Jorden. Siya si Franco ang manugang ko," pagpapakilala nito sa kasama saka niya tinitigan ang lalaki. "Manugang?" kunot-noong tanong niya. Kailan pa nagkaroon ng manugang si Mang Prodencio? Iyon ang katanungan niya sa kanyang isip. "Ah, asawa siya ng anak ko, ang ate Carlea mo, Jorden. Wala ka rito ng sila'y kinasal. Franco, siya si Jorden Greycent ang anak nina ma'am Ella Mae at sir Jeenu. Ang taga-pagmana nitong bahay-bakasyunan," saad ni Mang Prodencio at tumingin sa kanya ang manugang nito. "Franco, sir," naglahad ito ng kamay. May hitsura naman ang lalaki at matangkad ito ng kaunti sa kanya. Mukha namang mabait at magaan kausap. "Jorden, pare. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko," nakangiting sambit niya at tinanggap niya ang pakiki-pagkamay nito sa kanya. "Naku, pwede po ba iyon, sir? Eh, kayo naman po pala ang amo namin dito," nahihiyang sambit nito at tinawanan niya lang. "Kung si Mang Prodencio ay tinuri naming pamilya, eh kasama ka na roon, Franco." "Naku salamat Jorden pero maiiwan ko na muna kayo ni tatay. Sige tatay kailangan ko na ring magtrabaho," pagpapaalam nito sa manugang at tinapik-tapik nito ang kanyang balikat bago sila iniwan nito. "Ah, Mang Prodencio maaari ko po bang makita ang mga listahan ng mga bisita natin?" magalang na tanong niya sa matanda. "Ay, oo naman hijo, pumasok ka na lang sa loob ng opisina natin at naroon lang sa aparador. Hanapin mo na lang ang listahan sa ngayong taon," saad nito sa kanya at tumango lang siya. "May titignan lang po kasi ako eh," nahihiyang saad niya. "Naku, dapat noon mo pa 'yan ginawa, hijo," saad nito at may dinukot sa bulsa. "Oh, heto ang susi ng opisina. Mauuna na rin ako," anito, binigay nito sa kanya ang susi at mabilis niya itong kinuha. "Salamat po rito, Mang Prodencio." Pumasok na si Jorden sa loob ng opisina at tinungo ang aparador ng mga listahan. Malaki ang opisina nila at marami ngang papelis ang nasa loob. Kulay puti at krema ang hitsura nito at may mga naka-display na paintings. Nasa left side niya ang aparador kaya naglakad siya patungo roon. "2018...2019...2020..." Sa bawat taon nito ay magkaiba rin ang pinaglalagyan ng buwan. Binasa niya pa ang mga taon at buwan, pinaparaanan ito ng kanyang daliri habang naghahanap. "Here it is." Hinablot niya ang listahan ngayong taon at buwan. Saka siya lumapit sa lamesa at umupo roon. He started to open the list at tiningnan lang ang 2x2 pictures ng mga bisita. Well, iyon naman ang magagawa niya dahil hindi niya nga alam ang pangalan ng babae. Sinimulan niya ito binuklat isa-isa at parang excited siyang malaman ang pangalan nito. *** Tiningnan kaagad ni Ross ang bahay-bakasyunan nang makarating sila. Nanghina agad ang kanyang tuhod at binti. Ganito rin siya kahapon. Hindi naman kalayuan ang bahay na tinutuluyan niya pero nakaramdam siya kaagad nang pagod at panghihina. Marahil hindi pa siya gaanong magaling, kaya nakakaramdam pa siya ng pagod at panghihina. "Ayos ka lang ba, ate Ross?" nag-aalalang tanong ni Rie sa kanya. Nilingon niya lang si Rie at ngumiti. "Pasok na tayo, tutulungan ko lang kasi ang ibang staff dito. Malapit na kasi ang pasukan, ate. Kaya magtatrabaho ako," she said at mukhang excited ito. Nginitian niya ulit ito dahil wala naman talaga siyang naintindihan. "Sana palagi kang nakangiti, ate Ross. Mas gumaganda ka kasi lalo, eh," saad nito at muli siyang hinila papasok. Nagpati-anod na lang din siya. *** Nakabusangot ang mukha ni Jorden at magkasalubong ang kanyang kilay. Hindi niya nahanap o nakita man lang ang picture ng babae. Parang wala rito at imposible naman na hindi 'yon isang bisita. Dahil na rin hindi ito pamilyar sa kanya. Imposible rin na isang staff iyon, ah...hindi niya alam. Naguguluhan siya. Padabog na binitawan niya ang listahan sa mesa at napahilot siya sa sentido niya. "Sino ba 'yon? Bakit wala akong nahanap na impormasyon, na isa siyang bisita namin?" tanong niya sa sarili niya. Sa ngayon kasi ay dalawampu't anim lang ang kanilang bisita at kasama naroon si Fastian at ang pamilya nito. And the rest wala na. "Ah bad trip!" naiinis na sigaw niya, parang nagsayang siya ng oras sa paghahanap sa babaeng iyon. "Tss." Binalik niya ang listahan sa pinaglalagyan nito saka siya lumabas mula sa loob ng opisina. Ang bigat-bigat ng dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD