CHAPTER 6

1002 Words
Chapter 6 Isang ngiti Pagkauwi nila sa bahay ay nagulat si Aleng Camnia nang makita si Ross na basang-basa na ito. Kumuha kaagad ang ginang ng tuwalya at binalot sa katawan nito. Baka kasi magka-sakit ito gayong ang lamig ng panahon ngayon at hindi pa naman ito gaano magaling. "Bakit basang-basa ka, hija? Naligo ba kayo ni Rie?" nag-aalalang tanong ni Aleng Camnia kay Ross. Umiling lang si Ross dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Pero napansin niyang patanong iyon. "Naku! Baka magkasakit ka, pumasok na kayo. Magpalit ka kaagad, hija. Rie, samahan mo ang ate mo." "Opo, nanay," sambit ni Rie at marahan siyang hinila nito. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya at kahit hindi niya naintindihan ang mga sinabi nito ay alam niyang nag-aalala ito sa kanya. "Maybe, she's my mother? And this cute young lady is my little sister?" she asked herself again. Marahil nga na ito ang kanyang pamilya. Pero bakit...may nakita siyang imahe sa isip niya? Na parang may mga bagay na sumabog? Pero hindi naman siya sigurado. Ah, gusto niyang maalala iyon. Gusto niya talagang maalala ang nakalimutan niyang mga pangyayari. Rie's picked the color light pink t-shirt and a white pajama. Binigay niya ito sa ate Ross niya at ang malaking tuwalya. "Magbihis ka na, ate," nakangiting sambit niya at lumabas na pagkatapos. Nilagay niya muna sa lamesa ang kasuotang binigay sa kanya ni Rie at hinubad na niya ang kanyang basang bestida na sinuot niya kaninang hapon lang. *** Bumalik si Jorden Greycent sa pool and he brought a two cups of coffee. Parang nai-excite siya na ano. Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngayon. Parang kakaiba kasi ang nararamdaman niya. Para siyang tanga kung makangiti, gayong kanina ay muntikan na siyang makapatay. Magiging number one trending talaga ang balita sa kanya, kung nagkataon na namatay kanina ang babae. Naglakad siya palapit sa pool pero agad siyang napahinto nang makita na wala na roon ang babae. "Where is she?" tanong niya, na as if naman ay may sasagot sa kanya. Eh, siya lang naman ang mag-isa sa pool. Kinuha niya ang tuwalyang nakapatong sa kinauupuan kanina ng babae. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Baka umalis na? Parang nakaramdam siya ng panghihinayang. Sayang naman, ni hindi niya nakuha ang pangalan nito. Baka isa siyang bisita sa bahay-bakasyunan? "Nah, nice one. Sure ako na, ma-impluwensyang tao ang babaeng 'yon. Kaya naman ay nakapunta siya rito," aniya sa sarili at napangisi. Bukas nga, tatanungin niya si Mang Prodencio at makita ang mga listahan ng mga bisita. Hahanapin niya ang babae. Mas magiging exciting pala ang pag-i-stay niya rito sa isla. *** Pagkatapos magbihis ni Ross ay lumabas na siya kaagad. Naabutan niya sa kusina sina Rie at Aleng Camnia na naghahanda na ng hapunan nila. Kasalukuyan itong naghahain ng pagkain sa hapag-kainan. Naroon ang nakakatandang kapatid ni Rie na si Carlea. Nakaupo lang ito sa mahabang silya at marahang hinihimas-himas nito ang malaking nakaumbok na tiyan nito. Wala roon sina Mang Prodencio at Franco. Marahil nasa bahay-bakasyunan pa ang mga ito. She saw a little boy stepped closer towards her direction. If she didn't mistaken, maybe he's only three years old. Nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya ay hinawakan nito ang laylayan ng damit niya. Mahinang hinila-hila nito pababa. "Ahmeed, halika rito anak. Huwag mong hilahin ang damit ng ate mo," natatawang saad ni Carlea. Noong una ay hindi sang-ayon si Carlea na manatili rito sa bahay ang dalagang nasagip ng kanyang tatay Prodencio. Natatakot siya na baka masamang tao ito o kaya naman may biglang maghanap sa dalaga at maturingan sila ang dumukot sa babae. Kung sakaling nawala ito sa kanila. O baka hinahabol ito ng kaaway at masamang tao kaya napadpad sa pribadong isla. Pero nangibabaw ang kabaitan niya at pagkaawa sa dalaga. Hindi ito nakaka-pagsalita at saksi siya sa paghihirap nito sa paglalakad. Isa pa mukhang mabait naman ito at magaan ang loob niya rito. Hinawakan ni Ross ang maliit na kamay ng batang lalaki at marahan niya itong hinila pa-upo. "Siya si Ahmeed, Ross. Ahmeed anak, siya naman ang ate Ross mo. May pangalan na siya," nakangiting saad naman ni Carlea sa kanyang anak. "Ate...Ross. Ang ganda niyo po," nakangiting sambit ni Ahmeed. "Naku, kumain na tayo baka lumamig pa ang hapunan natin," sambit ni Aleng Camnia. "Hindi ka kakain, ate Carlea?" tanong naman ni Rie sa kapatid niya at umiling lang ito. "Busog pa ako Rie, salamat. Kayo na lang, kumain ka na, Ross." Nilagyan ni Aleng Camnia ng kanin ang plato ni Ross at binigyan siya ng pritong isda sa ibang plato. "Kumain ka lang, Ross," sambit ng ginang. Na-touch si Ross sa pag-aalaga sa kanya ng ginang. Talagang napakabait nito. Hindi man niya naintindihan ang mga sinabi nito ay ayos lang. Tumango na lamang siya at kinuha ang kutsara. Sumubo muna siya ng kanin at nginuya ito. Isa sa na pansin niya, na hindi ito gumagamit ng kutsara kapag kumakain na sila. Dahil ginagamit nito ang sariling kamay para sa pagsubo ng pagkain. Binaba niya sa lamesa ang kutsara at tumayo para hugasan ang kanyang kamay. Nakasunod naman ang mga mata ng mag-iina kay Ross. Umupo ulit ito at kumain pero hindi na ito gumamit ng kutsara. Ginamit nito ang sariling kamay. Na pansin nila 'yon sa una pa lang, marahil na hindi sanay ang dalaga na hindi gumamit ng kutsara. Napatunayan nila iyon dahil nahuhulog lamang ang mga kanin nito mula sa kamay nito. Napatawa sina Rie at Carlea, ngumiti na lamang si Aleng Camnia. Natigilan si Ross at naguguluhan itong tumingin sa kanila. "Huwag mong pilitin ang sarili mo, Ross. Gumamit ka na ng kutsara para hindi ka na mahirapan pa sa pagkain," nakangiting sambit ni Aleng Camnia pero sinubukan pa rin ni Ross na kumain gamit ang kamay nito. At muling nahulog ang kanin nito. Napatawa na sila at sa unang pagkakataon ay nasilayan nila ang magandang ngiti nito. Isang ngiti na nakaka-pagpagaan ng kanilang damdamin. Mas maganda pala ito,kapag nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD