CHAPTER 18

1037 Words
Chapter 18 I miss you Umupo si Jorden sa bench na nasa loob ng cottage ng garden at lumanghap ng sariwang hangin at may kasama pang halimuyak ng mga bulaklak. Simula nang nakarating siya rito ay hindi niya dinalaw ang garden na ito. Kung saan na mas paborito niya ang tumambay rito. Masarap kasi sa pakiramdam ang lumanghap ng malamig na simoy ng hangin at may mababangong bulaklak pa. Magaan sa pakiramdam at mas nakaka-enjoy panoorin ang mga nagsasayawan na bulaklak sa hangin. Naalala niya na may duyan pala rito. Kaya naman ay mabilis siyang tumayo at tinungo ang dulo ng cottage, kung saan nakasabit ang duyan. Nang bata pa siya ay sa duyan din siyang nagpapahinga at madalas na naglalaro kasama ang kanyang pinsan. Naalala pa niya ang mga ginagawa nila rito. Magdidilig sila ng mga halaman kahit umuulan kaya madalas din silang pagalitan ng kanilang grandma. May mga oras din na magtatanim sila ng bulaklak pero madalas din silang pumapalpak. Pero dahil gusto nilang matutong magtanim ay nagpaturo sila at ilang buwan din ang nakalipas bago silang natuto sa pagtatanim. Napangiti siya sa paglalakbay ng isip niya sa magandang nakaraan. Namiss niya tuloy ang pinsan niyang iyon. Matagal-tagal na rin ng sila'y huling nagkita. High school pa sila noon. Pero gayon na lamang ang gulat niya nang makita ang babaeng hinahanap niya. Ang babaeng pakiramdam niya ay sumira ng pagkatao at isipan niya. Para siyang baliw sa kakahanap sa dalaga at sa pangalawang pagkakataon ay nakita na naman niya itong natutulog. Mahimbing ang tulog nito at magandang titigan ang maamo nitong mukha. Hindi nakakasawang panoorin at talagang hahanap-hanapin mo ang ganitong palabas. Natawa siya sa kanyang naisip at tumaas ang sulok ng labi niya. Kung habang-buhay kayang panoorin na lamang ito ay talagang hindi siya magsasawa. "Nandito ka lang pala, sleeping beauty. Ang tagal kitang hindi nakita at hinanap pa kita tapos naririto ka lang pala?" aniya na tila ba gising ito at kinakausap niya ang dalaga. Ilang minuto na tinitigan niya lamang ito at minsan pa ay napapangiti ito. "Kahit tulog ay nakangiti pa rin," naiiling na saad niya. Gumalaw ang mga kamay nito at ilang saglit pa lamang ay nagmulat ito ng mga mata. Nakasalubong na naman niya ang magandang abong mga mata nito at tila bang nagulat pa ito sa kanya. Marahil ay hindi nito inaasahan ang makita siya ngayon. Well, parehas sila. Kahit siya mismo ay hindi rin inaasahan ang makita niyang natutulog ito sa duyan. Napamulsa siya at magkasalubong ang kanyang kilay na tinitigan ito. Nakakunot ang noo ng dalaga at halata sa mukha nito ang pagkagulat. "Kamusta, Ross? Long time no see," walang buhay na saad niya. Kunwari ay nagtatampo siya sa dalaga. Dahil sa ilang araw na hindi pagpapakita nito sa kanya. Pakiramdam niya'y nagtatago ito sa kanya o baka naman ay ayaw na siyang makita nito? Napatayo si Ross at tinitigan niya ang binata. Kanina lang ay nasa isip niya ito tapos ngayon ay nasa harapan na niya ang binata. Kumabog nang malakas ang dibdib niya nang makitang seryoso ang mukha nito at madilim ang aura. Parang galit pero hindi niya alam kung kanino ba ito galit. Sa kanya kaya? Pero wala naman siyang ginagawa sa binata para magalit ito sa kanya. Gulat na napaatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya. "Why you didn't show up ,Ross?" tanong nito at may mabibigat na boses. Muli siyang napaatras ng sunod-sunuran itong humakbang. "I am looking for you..." Napalunok siya at wala pa ring ginagawa kundi ang umatras lang nang umatras. Kinakabahan na siya. "But I found, nothing." "Tell me, Ross, iniiwasan mo ba ako?" Hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil para siyang hinihigop. Talagang blangko ang mukha nito at parang nakakatakot. Napapikit na lamang siya nang maramdaman ang malamig na pader ng cottage. Wala na siyang maaatrasan pa dahil dead-end na siya. Mabilis na tinukod ng binata ang kaliwang braso nito na malapit sa ulo niya. She heard her heart beating fast and she was afraid that Jorden might hear her heartbeat, too. "Ross..." Bakit sobrang lakas ng impact ng binata sa kanya? Bigkasin lang ang kanyang pangalan ay mas bumibilis pa lalo ang pagtibok ng puso niya. Parang nanginginig ang buong sistema niya at ilang saglit na lamang ay bibigay na ang mga tuhod niya dahil sa panginginig nito. "Ross..." Naramdaman niya ang paglapit ng mukha nito sa kanya dahil na rin sa mainit na hininga nito na tumatama sa kanyang noo at ilong. Naramdaman niya rin ang mainit na katawan nito at mas lalo lang siyang hindi mapakali. Lalo na ang maisip pa lamang niya na masyado silang malapit sa isa't-isa ng binata at parang nag-iinit din ang katawan niya. "Ross...open your eyes," mahinang saad nito. "Ross..." Ayaw niya talagang magmulat ng mga mata. Dahil baka hihimatayin siya sa kakatitig ng blangkong mukha nito. Naroon ang kaba sa dibdib niya at talagang nakakapanghina. Gumalaw-galaw ang talukap ng mga niya ng biglang hinipan nito ang mga mata niya. "You don't wanna open your eyes, huh Ross?" Muling hinipan nito ang kanyang mga mata kaya napilitan siyang magmulat ng mga mata at nakasalubong niya ang guwapong mukha nito na may ngisi sa labi. Sarkatismo ang pagngisi nito at parang nagwagi sa isang labanan. Napayuko tuloy siya pero hinawakan nito ang chin niya at inangat pataas. "Just look at me," sambit nito na may tunog na pag-uutos. Napalunok siya at nakaramdam siya nang panghihina. Dahilan na napakapit siya sa damit nito. Tumaas ang sulok ng mga labi ng binata. "Do I have that power that I can make you weak, huh Ross?" tanong nito at mas humigpit ang paghawak niya sa damit nito na nasa baiwang. Nakahawak pa rin ang kananag kamay nito sa baba niya at nahigit niya ang kanyang hininga. Hinawi nito ang nakatabing buhok niya sa kanyang mukha at tinitigan siya nito. Ngumiti ito sa kanya at hinawakan siya sa pisngi. Masuyong hinaplos nito ang pisngi niya at kasabay na kinulong siya ng mga braso nito. "I miss you, Ross...badly." Isang mahigpit na yakap ang binigay nito sa kanya at mas nawalan na siya ng balanseng tumayo. Mabuti at nakayakap ang mga braso ng binata sa kanyang baiwang. 'I miss you too... Jorden.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD