Chapter 25 Seloso ako Dati siyang captain sa tracking field ng high school at maging sa college. Naging soccer player din siya at parehas na naging champion ng tracking field at soccer player. Kaya naman ay parang hangin ang bilis niya sa pagtakbo at naabutan niya ang lalaking humahabol kay Ross. Tinabihan niya ito sa pagtakbo at gulat na tiningnan siya ng lalaki. Nakasuot ito ng puting damit at mukhang marumi. Parang may saltik sa utak ang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali. "Saan ang punta mo 'tol?" tanong niya sa lalaki at ngumisi ito. "Sa mga asawa ko 'tol. Naglalaro k-kami nang habulan, nakita mo ba ang nakasuot na puting damit na 'yon? S-soulmate kami," natatawang saad nito at humihingal pa. Biglang dumilim ang paningin niya sa narinig at dahil nakaramdam siya nang pagkainis

