Chapter 26 Muling pagpunta sa paraiso Hindi nakakain nang maayos si Ross dahil kay Jorden. Ang mga kamay nito ay nakahawak sa baiwang niya. Habang ang itim na coat nito ay nakatakpan na sa mukha niya. Hindi niya akalain na ganito pala kung magselos ang binata. Oh, nagseselos? Nagseselos para saan? Nagseselos ba talaga ito o nagsisinungaling na naman ito sa kanya? Nagulat siya nang itapat nito sa bibig niya ang kutsarang may kanin. Tiningnan niya ito sa mga mata at tinaasan siya ng kilay. "Say, ah..." pag-uutos nito. Tatabigin na sana niya ang kamay nito nang bigla itong nagsalita. "Isusubo mo o hahalikan kita?" pananakot nito sa kanya. 'Hahalikan?' Heto na naman ang puso niya. Wala na yatang katapusan ang pagbilis nang t***k ng puso niya. She have no choice but accept the food we

