Chapter 27 You are the one I like Nakarating sila kaagad sa likod ng Rossa island kung saan ang bahay-bahayan ni Jorden. Na tinawag niyang paraiso. Masyadong malamig na ang hangin dahil dapit hapon na. Magkaharap silang nakaupo ni Jorden na naninimbang na tinitigan siya nito. Gusto niyang magsalita at tanungin na kung anu-ano. Pero hindi naman niya magawang magsalita. Nauuwi lamang sa buntong-hininga. "Iniiwasan mo ako, 'di ba? Kaya ayaw mo akong makasama. You even avoiding my eyes," aniya. Mabibigat ang mga salitang binibigkas nito at parang nahihirapan pa ang binata. Parang may himig na kalungkutan ngunit ayaw na niyang magpaloko pa. Ayaw na niyang paniwalaan pa ito. Pero ang kinaiinisan niya ay kung bakit kung umakto siya ay para namang naging sila. Na akala mo naman ay naging b

