bc

You're Not My Brother

book_age18+
484
FOLLOW
2.6K
READ
dark
friends to lovers
manipulative
badboy
drama
sweet
Writing Challenge
bxb
bisexual
mxm
like
intro-logo
Blurb

He's not my brother. Anak lang siya nf bagong asawa ni Daddy. Pero kailangan ko siyang makasama sa loob ng iisang unit sa mga susunod na araw. Makayanan ko kaya na tagalan ang pakikisama sa stepbrother ko na kahit minsan ay hindi ko pa nakita? No, ako ang legal na anak at ako ang masusunod sa lahat ng bagay.

chap-preview
Free preview
Episode 1
You're Not My Brother Episode 1 Gael Patamad akong lumabas ng sasakyan matapos iyong maiparada ni Mama sa tapat ng isang sikat na condo unit malapit sa bagong school na papasukan ko. Binuksan niya ang bintana sa gawi ko saka niya ako sinilip mula doon. "Hintayin mo ako sa lobby at ipapark ko lang itong sasakyan." sabi ni Mama saka na niya pinaandar ang sasakyan niya patungo sa parking area. Hindi ko na lang siya pinansin. Bitbit ang backpack ko at isang malaking dufflebag na tanging nakayanan ni Tatay na bilhin para sa akin gamit ang sarili niyang pera ay patamad akong humakbang. Ilang sandali pa ay napahinto ako saka ako tumingala sa mataas at marangyang building na nasa harapan ko ngayon. Sa isip ko ay naglalaro ang napakaraming kaisipan na bumabagabag sa damdamin ko sa nakalipas na mga taon mula nang hiwalayan ni Mama si Tatay. Hindi mayaman ang Tatay ko. Hindi siya kagaya ng lalaking ipinalit sa kanya ni Mama. Doon sa kaisipang iyon ay nakadama ako ng galit para sa sarili kong ina. Napabuga na lang ako ng hangin saka na ako nagpasya na maglakad patungo sa lobby. Hindi ako sanay sa marangyang buhay at wala akong balak na sanayin ang sarili ko sa ganoong uri ng pamumuhay. Pero narito ako ngayon. Magsisimula nang pakinabangan ang yaman ng bagong asawa ni Mama na kahit minsan ay hindi ko ninais na gawin. Pero hindi ko na matatakasan ang kapalaran ko dahil hindi ako binigyan ng pagkakataon ng mga magulang ko na makapili sa kung ano ang gusto ko. Kahit si Tatay ay nararamdaman ko na para bang itinataboy na niya ako palayo sa kanya na labis na ikinasasama ng loob ko. Napaka-hopeless ko at hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa kaya kahit labag man sa kalooban ko ay kailangan kong sumama kay Mama. Kung may maganda mang mangyayari sa pananatili ko ngayon sa lugar na ito, iyon ay dahil hindi ko makakasama sa iisang bubong si Mama at ang bagong asawa niya. Alam ko na hindi naman ako magtatagal sa lugar na ito dahil sigurado naman ako na hindi rin kami magkakasundo ng anak ng bagong asawa ni Mama. Sa entrance ay nakangiti akong binati ng mga receptionist. Inassist din ako ng guwardiya na nakaduty doon. Marahil ay nakita niya ako na si Mama ang kasama ko. Itinuro niya sa akin ang waiting area upang doon na muna ako maupo habang hinihintay ko si Mama. Iginala ko muna sandali ang tingin ko sa buong paligid. Mababakas ang karangyaan sa buong lugar at kahit ang mga sofa na nasa lobby ay mukhang mga mamahalin. Nagsimula na akong humakbang patungo sa mga upuan na naroon nang bigla na lamang ay may sumulpot na lalaki sa harapan ko na tila ba nagmamadali at may kausap sa cellphone. Nabangga niya ang braso ko dahilan upang mapaatras ako nang bahagya mula sa kinatatayuan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya kasabay ng paglingon din niya sa akin. Binaba niya ang phone niya saka niya tinakpan ng palad niya ang mouthpiece. "I'm sorry!" mahinang bulong niya saka na siya muling naglakad palabas ng building. Sinundan ko na lang siya ng tingin at nang mawala na siya sa paningin ko ay tumuloy na ako sa waiting area. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Mama. Kinausap lang niya sandali ang receptionist at ang mga guwardiya pagkatapos ay tinawag na niya ako upang sumunod sa kanya sa elevator. Habang nakasakay kami doon ay wala kahit isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Ngunit nagpapakiramdaman kami. Ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator sa 16th floor. Nauna nang lumabas si Mama saka naman ako mabagal na sumunod. Dahil nasa likod niya ako ay malaya kong napagmasdan ang bawat kilos niya. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng paglalakad ay ibang-iba na si Mama. Nakadama ako ng pagkainis ngunit sinikap ko na itago iyon. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto. Binuksan iyon ni Mama saka na siya naunang pumasok. Sumunod naman ako sa kanya bitbit ang mga gamit ko. Pagkapasok ko pa lang ay karangyaan na kaagad ang nakita ng mga mata ko.  Sa loob ay bumungad sa akin ang medyo maluwang na sala. Sa kabilang dako naman ay ang kitchen na sa wari ko ay nakakatakot galawin ang mga kasangkapan na naroon dahil sa unang tingin pa lang ay alam mo nang mamahalin. Inilapag ko ang bag ko sa gilid ng sofa saka ko iginala ang tingin ko sa kabuuan ng unit. "May dalawang silid ang unit na ito. Kay Tor ang nasa kanan. Dito sa kaliwa naman ang gagamitin mo." sabi ni Mama saka niya sinilip ang dalawang silid. Hindi naman ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Para ba akong kawayan na itinulos doon. Sinusundan ko lang ng tingin si Mama habang umiikot siya sa loob ng unit. Kung pagmamasdan ko ang sala at kusina ng unit na ito ay masasabi ko na mas malaki pa ito kaysa sa buong bahay na tinitirahan namin ni Tatay. Lumapit si Mama sa aircon at binuksan niya iyon. Pagkatapos ay sumilip siya sa labas ng salamin na bintana bago niya isinara ang mga kurtina. "Sa pagkakaalam ko ay hindi madalas na umuuwi si Tor dito dahil mahilig siya na nakikitulog sa bahay ng mga kaibigan niya pero kapag nagkita na kayo ay maging mabait ka sa kanya. Ayoko na magkaproblema kami ni Darius dahil lang sa ugali mo na mahilig makipag-argumento." paalala pa niya. "Magiging mabait lang ako sa kanya kung magiging maganda rin ang pakikitungo niya sa akin." diretsong sagot ko sa kanya. Tinitigan ako ni Mama ng ilang sandali bago siya naiiling na naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka niya hinaplos ang kaliwang pisngi ko. "Gael, ginagawa ko ito para mapabuti ang buhay mo. Hindi ko nanaisin na makita kang nagtitiis sa maliit na bahay ni Raul at kung anu-ano lang ang ipinapakain niya sayo." "Kung ako ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pa na bumalik doon kaysa magpakasasa ako sa yaman ng bagong asawa mo." puno ng hinanakit na sagot ko sa kanya ngunit hindi ko tinangka na pagtaasan siya ng tinig. Kahit papaano ay Nanay ko pa rin siya. Bumakas ang lungkot sa napakaganda niyang mukha saka niya ako niyakap ng mahigpit. Napapikit ako. Gusto ko rin siyang yakapin pero hindi ko ginawa. Hindi ko maaaring ipakita sa kanya na ayos lang sa akin ang lahat ng ginagawa niya. "Alam ko na nagtatampo ka sa akin pero sana maintindihan mo kung bakit ko ginagawa ito." sabi niya saka siya kumalas sa pagkakayakap sa akin. Inayos niya ang buhok ko saka niya muling hinaplos ang pisngi ko habang masuyo siyang nakatingin sa akin. Bumuka ang mga labi ko upang sabihin ang saloobin ko pero nagring ang cellphone niya. Lumayo siya sa akin saka niya sinagot iyon. Tumawag ang asawa niya at base sa naging pag-uusap nila ay may kailangan silang daluhan na dinner. Nang maibaba ni Mama ang tawag ay kinuha niya ang wallet niya mula sa mamahalin niyang bag saka siya kumuha ng ilang lilibuhin doon. Muli siyang lumapit sa akin saka niya inilagay iyon sa kamay ko. "Panggastos mo iyan sa loob ng isang linggo. Hindi ko pa naaasikaso ang atm mo. Kailangan ko nang umalis. Magpakabait ka at sundin mo ang lahat ng bilin ko." sabi niya saka niya ako hinalikan sa pisngi. Nagmamadali na siyang lumabas at sinundan ko na lang siya ng tingin. Nang makalabas na siya ay tumingin ako sa pera na nasa mga kamay ko. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lamang ako nakahawak ng ganito kalaking halaga. Pero hindi ko maaatim na gastahin ang pera ng asawa niya. Kumuyom ang mga kamay ko habang nakatitig ako sa pera ni Darius. Ilang sandali kong pinakalma ang sarili ko dahil muli na naman akong nakakadama ng matinding galit para kay Mama. Nang mapakalma na ako ay binitbit ko na ang bag ko saka ako mabilis na pumasok sa silid na itinuro niya sa akin. Inilapag ko na lamang sa gilid ng may kalaparan na kama ang bag saka ko padapa na ibinagsak ang katawan ko doon. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa sama ng loob. Madilim na nang magising ako. Nagbihis ako saka na ako lumabas ng silid ko. Kaagad akong nagtungo sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. Mabuti na lamang at may laman ang mga pitsel doon. Inusisa ko pa ang ibang laman ng ref. Beer, mga bukas na junk foods, soda at kung anu ano pa na hindi ko naman makakain. Muli akong pumasok sa silid ko. Nakita ko sa kama ang pera na ibinigay ni Mama kanina. Inis ko iyong dinampot pagkatapos ay basta ko na lamang ipinasok sa drawer ng sidetable. Kinuha ko ang wallet ko sa hinubad ko na pantalon saka ako bumaba upang maghanap ng makakain. Nagtanong ako sa guard na nakaduty kung may malapit ba na carinderia doon ngunit ang sabi niya ay imposible daw akong makahanap ng ganoon sa lugar na iyon. Nagpasya na lamang ako na kumain sa pinaka-malapit na food chain. Nag-take out na lang ako saka ako kaagad na bumalik sa unit. Nagpahinga lang ako sandali pagkatapos ay inayos ko na ang mga damit ko sa loob ng closet. Habang naglalagay ako ng mga damit sa closet ay nakarinig ako ng mga pagkilos mula sa labas. Napahinto ako sa ginagawa ko saka ako marahan na naglakad patungo sa pinto. Marahan din ang ginawa kong pagpihit sa seradura saka ko binuksan ng bahagya lang ang pinto. Nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki na papasok sa kabilang silid. Napakurap ako saka ko siya pinagmasdan hanggang sa makapasok siya doon. Napahinga ako ng malalim saka ko muling isinara ang pinto. Hindi ko nakita ang itsura niya pero base sa tikas niya ay nasisiguro ko na magandang lalaki siya. Napailing na lang ako saka ko na tinapos ang ginagawa ko. Nagpasya ako na maligo muna dahil nararamdaman ko na nanlalagkit na ako. Sinigurado ko na naka-lock ang pintuan ng banyo dahil hindi ako nag-iisa sa unit na ito. Halos sampung minuto rin ako sa loob at paglabas ko ay nahagip pa ng paningin ko ang paglabas mula sa main door ng stepbrother ko. Hindi ko na naman nakit ang itsura niya dahil sa bilis ng mga kilos niya at wala man lang siyang pakialam sa paligid niya kahit narinig naman niya ang pagbukas ko ng pinto ng banyo. Mabilis na akong nagbihis at dahil nakatulog ako kaninang hapon ay siguradong hindi kaagad ako dadalawin ng antok. Muli akong lumabas sa sala saka ko binuksan ang malaking flatscreen tv na nakadikit sa pader. Naghanap ako ng magandang palabas at dahil cable channels ang mga naroon ay marami akong napagpilian. Inabot ako ng madaling araw sa kakapanood hanggang sa magsawa ako. Sumulyap ako sa wall clock. 02:16AM Hindi pa rin bumabalik si Tor. Dito kaya siya matutulog? Ilang sandali akong napaisip bago ako napailing saka ako nagpasya na patayin na ang tv at icheck kung naka-lock ang main door. May sariling susi naman si Tor kaya siguradong makakapasok siya maliban na lang kung ido-double lock ko iyon. Bumalik na ako sa silid ko saka ko sinikap na makatulog kahit ilang oras lang. May pasok na kasi ako sa school mamaya. Mabuti na lamang at alas nueve pa ang unang klase ko sa araw na ito. Makakatulog pa ako. Sinubukan ko nang ipikit ang mga mata ko ngunit hindi ako dinalaw ng antok. Sa isip ko ay nakaraming bagay ang tumatakbo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang pag-iisip sa mga walang kwentang bagay na pauli-ulit lang naman. Past four na nang makatulog ako. Nagising ako ng alas siete saka na ako mabilis na nag-ayos ng sarili ko. Kailangan ay maaga ako sa school dahil hahanapin ko pa ang building at classroom ko. Doon na rin ako mag-aalmusal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

NINONG III

read
416.9K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
596.6K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
208.7K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
316.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook